Cold coffee. Crumpled papers on my trash can. Tons of files and paper coated my desk in thick piles. The cabinets were all closed, but I could still see some papers poking out of the drawers. This has been my daily reality for the past 10 years. Hindi ko akalaing tatagal ako dito ng ganun kahaba.
Crizan Esturico
FINANCIAL HEADI sighed and looked out to the window of my office and stared up at the buildings beside. It has been a great privilege to have worked here. Maraming tao ang pinangarap na makapagtrabaho rito at isa na nga ako sa mga nabigyan ng pagkakataong iyon. Ngumiti ako nang matamlay at ikinurap ang mga luhang namuo sa aking mga mata bago pa ito tuluyang pumatak sa aking mga pisngi. Kaya ko ito at mas kakayanin pa. Kung aalis ako dito, hindi na ako makakakita ng trabaho na kasing laki ng sahod ko ngayon at saka mataas na ang posisyon ko dito.
I heard the door opened kaya lumingon ako sa likod ko. It's Trisha. Adolfo's secretary."Madam, pinapatawag raw ho kayo ni sir Adolfo sa office niya."
I just nodded in response. Adolfo Buenavista is my father. Pero nagtataka siguro kayo kung bakit iba ang last name ko no? Dahil hindi niya ako legal na anak. Kumbaga, anak sa labas. Ganun ang tawag ng iba eh.
Naiintindihan ko naman kung bakit hindi na niya inatupag pa na palitan ang last name ko simula noong bata pa ako dahil tiyak akong malaking eskandalo ito sa media. He is not just a business man, he is also a politician. Kailangan malinis ang pangalan niya sa publiko, at kapag nalantad ang pinakamalaking sekreto niya, malaking kahihiyan iyon.
My mother's last words was still in my mind bago siya namatay. "He'll be a good father." Good father my ass. A good father never keep his daughter like a secret. A good father never forgets her daughter's birthdays, graduations, and other significant events. A good father takes care of her daughter when she's sick. But he's not.
I sipped my coffee before going out. I knocked first nang makarating ako sa pintuan ng opisina niya upang magbigay respeto.
"Come in."
Pinihit ko ang doorknob. "Dad-"
He gave me a warning look. I sighed. Oo nga pala. Bawal. "I already told you, Crizan. Huwag mo akong tatawagin ng "dad" kung nandito tayo sa office," mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko.That made me hitched for a second pero nakarecover naman agad ako. Sanay na ako. Hindi ko lang talaga maiwasan.
"Ang aga-aga pero ang init agad ng ulo mo." Nagtimpla ako ng kape atsaka inilagay iyon sa table niya." Magkape ka para mas lalong uminit ang ulo mo."
"Really,Crizan?"
I sat on the expensive black couch. Pagkatapos ay humarap sa kaniya."Oh? Bakit mo pala ako pinatawag? May kailangan ka?"
Kumunot ang kilay niya. "Of course, I need a report from you."
I rolled my eyeballs." Kakabigay ko lang sayo kahapon ah? Hindi mo matandaan?"
"Ah yes. Oo nga pala. Sorry, I forgot."
Tumaas ang isang kilay ko. "Any other agenda?"
"Wala na," tipid niyang sagot.
Tumango lang ako. I was about to leave when he called my name again.
"Crizan."
Humarap ako sa kaniya. "Yes?"
Nakita kong may kinuha siya sa suite niya na isang maliit na box. I bet it's a jewelry box. Is it for me?
"Dad thank-"
He sighed. "It's for Freya." The legal daughter. He opened the box. "Maganda ba? Alam ko kasi na alam mo ang taste ng kapatid mo pagdating sa ganito. What can you say?"
Lumunok ako bago nagsalita. "Oo. M-maganda. B-bagay 'yan sa kaniya."
"That's good to hear. You may leave now."
Tumango ako bago lumabas. This was the main reason why I became a man hater and for believing that I am just a nobody, because every single moment pinapamukha niya sa akin na hindi ako karapat-dapat na mahalin. Na hindi ko kailanman kayang pantayan si Freya.
Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Everyone in the office gave me a worried look and I hate it. Ayokong kaawaan nila ako. I hate dramas and such. I want to make my life full of joy.
May lumapit sa akin kaya napatigil ako sa paglakakad. Si Jen, isa sa mga staff."Okay ka lang ba, ma'am Criz?Napagalitan ka na naman bang sir?"
Pinahid ko ang aking luha sa pisngi at humarap sa kaniya."Okay lang ako,Jen. Continue your work na."
"Sure ka?"
I smiled. "Oo naman."
Hindi na ako tumuloy pa sa opisina ko. I went out from the company without any permission. Hindi din naman ako hahanapin ni Adolfo maliban na lang kung trabaho ito. Sumakay ako ng taxi hanggang sa napadpad ako sa bar na lagi kong tinatambayan.
Umupo ako sa stool atsaka humarap ako sa barista."Isang vodka."
"Noted, miss Crizan!" He knew me. Ofcourse dahil nandito ako palagi.
"Hindi ka papasok?" I didn't bother to look to that familiar voice. I know that it was my bestfriend who sat beside me and took a glass of wine.
"I don't feel good, Rain." I said as an excuse before I took a shot of vodka.
She laughed,"Wala namang nagbago.Palagi ka naman talagang hindi nakakafeel ng good. Why don't you just leave, Criz? Bakit ka ba nakikipagsiksikan sa kompanya ng daddy mo?"
I took another shot of vodka before I stare at her. "Alam mo naman kung bakit diba? I can't leave. Nagpromise ako kay mama na aalagaan ko si daddy."
"Haynaku! Hayaan mo na lang na si Freya ang mag-alaga sa matandang iyon. Total iyon naman ang paborito niyang anak."
Wala akong naging reaksyon dahil kahit ano ang mangyari, I'll stay on his side. Buo na ang desisyon ko.
"She's busy,Rain kaya ako ang inaasahan na mag-aalaga sa kaniya."
She remain silent. Alam ko na ayaw na niyang makipag-away sa akin dahil alam niyang sa huli ako pa rin ang masusunod. She knew that I'm a skeptical type of person. Ayaw makinig sa opinion ng iba.
I checked my phone nang bigla itong nagring. May one miss call. It was dad.
Napakunot ang noo ko. Alam ko na kapag tatawag ito ay may kailangan ito sa akin. What could it be? I dialed his number."Hello, dad?"
"Where are you?" Agad na bungad niya sa akin.
"N-nasa labas lang why?" I lied.
"Have you heard the news?"he asked.
"About what?"
"Pinagloloko mo ba ako? Imposibleng hindi mo alam ang balita tungkol sa kapatid mo? The both of you are close!"
"What's with her? She's busy on her modelling career dad kaya wala kaming oras para mag-usap."
I heared him sighed. "Your sister is getting married."
"What!?" Shocked covered my face the moment I heard the news. Sino naman kasi ang hindi magugulat, it's been just 1 year since last kami nagkita and now she's getting married. Wala naman akong narinig na may boyfriend siya ah? How come?
"K-kanino? Kanino siya ikakasal?" I was too eager to know the groom's name.
"The guy's name is August."
"August?"
"August Forth Madrigal."
Now I regret asking my dad. Bakit siya pa?
BINABASA MO ANG
Love Me Not, Romeo
RomanceMature Content Warning: This story may contain content of an adult nature. If you are easily offended or are under the age of 18, please exit now. The chapters within are intended for adults only and may include scenes of sexual content and graphic...