Chapter 1

13 0 0
                                    

Agad kong tinungo ang pintuan kung saan naroroon ang opisina ni Daddy. Kailangan ko siyang makausap para sa mga project na iminumungkahi sa akin nakaraang araw sa meeting.

Mabilis ngunit kontrolado ang bawat hakbang ko para hindi makagawa ng ingay. Ayaw kasi ni Daddy na tumutunog ang sahig kapag papasok ka. Sabi niya kasi ay nakakaistorbo ito. Sa bawat hakbang na ginagawa ko papalapit sa opisina niya ay ang paglakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba dahil malamang ay nakarating na sa kanya ang pangyayari kanina.

Kumatok ako bago pumasok dahil ayaw kong makaistorbo. Mahirap na baka lumipad ang mga aklat ni Daddy sa direksyon ko.

"Good morning Dad." bati ko pagkatapos ay nakipag beso-beso sa kaniya.

"Walang maganda sa umaga lalo na at nakipag-away ka na naman daw sa anak ni Tito Ben mo." yan na naman ang nakaka-intimidate na titig ni Daddy hudyat na seryoso siya. Tama nga ang hinala ko at mga chismosa ang tao dito.

"He started it. Masyado siyang iskandaloso. Mahirap bang intindihin na ayaw ko sa kaniya? Daddy naman alam mo naman kung gaano katarantado ang lalaking iyon." pagtatanggol ko sa sarili ko kung nandito lang si Mommy ay hindi niya hahayaang sermunan ako ni Daddy. Si Mommy naman kasi inuuna pa ang pagpapaganda kaysa tumulong dito.

"It doesn't matter kung sino ang nagsimula. The fact na gumawa kayo ng eksena kanina ay sobrang nakakahiya lalo na sa mga guest natin. Grow up Marie. You're not a seven years old anymore , bente-tres kana. Stop acting like a kid. Kaya di ka nagkakaboyfriend e." heto na naman si Daddy. Uumpisahan na naman ang tungkol sa pagkakaroon ko ng boyfriend. Mas excited pa sila kaysa sa akin.

"Maraming lalaki sa mundo Daddy. Kung matino ba naman sanang lalaki yang si Joey ay may pag-asa pa sana kaso puro hanging laman ng utak niya kaya, no way. Hello Daddy , you know the reason kung bakit hindi ako naiinvolve sa isang relasyon. I've made a mistake before at ayaw ko ng mangyari iyon ulit. Not anymore." hindi ko na sana balak pa na pag-usapan pa iyon kaso masyadong makulit ang Daddy. Nakakairita. Tama na ang isa wag na ulitan pa.

"It's about him , again? Moved on , Marie. Wag mo i-stock ang sarili mo sa nakaraan. It's been 4 years for pete's sake." kahit kailan talaga ayaw magpatalo ni Daddy. Kapag sumagot pa ako ay mas lalo lamang hahaba ang pag-uusap na ito. Wala namang kwenta.

"Life is to short, Dad. Maraming lalaki hindi ako mauubusan. I just want to be more successful bago pa ako mag-iisip kung handa na ba akong makiparelasyon." Gusto kong meroon akong maipagmamalaki before entering the new chapter of my life. Ayaw kong madisappoint ang mga taong nakapalibot sa akin dahil mas uunahin ko ang puso kaysa sa utak ko. "And anyways, kaya nga po pala ako nandito because I just want to consult to you about sa sinasuggest nilang pagpapatayo ng new rooms dahil mas dumarami ang mga guest na dumadayo. The guest rooms here is getting older na din kaya kailangan na din pala nating iparenovate habang hindi pa vacation time para less hassle."

"Pag-iisipan ko. Pero it's a nice idea naman kaya don't worry. Kailangan din natin itong i-consult kay Mommy mo." hindi man lang ako hinarap ni Daddy. Halos magpalit na ang mukha niya at ng aklat dahil halos umaga hanggang gabi ay aklat lamang ang hawak niya.

"Thank you." I was about to leave his room when I remembered something. "And lastly Dad , gusto kong ipatayo ang mga bagong guest house jan sa bakanteng lupain ng mga Galvez. I want you to buy it." then I leave him without giving him a chance to answer. Alam ko namang kokontrahin niya ako dahil best friend kuno sila ni Tito Ben. I don't care , basta ako pursigido akong maalis dito ang gonggong na lalaking iyon.

-
I was busy with the paper works ng pumasok si Mommy bitbit ang Gucci niyang bag. Bago na naman atang collection. Hindi na nagsawa. Kung dinonate niya na lang sa charity and foundation iyon edi sana may maganda pang dulot.

"Good noon , Honey. Busy ka ba?"

"Isn't obvious Mom?" minsan talaga hindi mo din maintindihan ang isang to. Jusko, kung di ko lang to nanay malamang nasapok ko na ito.

"Easy. Maganda ang panahon wag mo namang sirain. Init ng ulo." hinila niya ang bakanteng upuan sa side table ko at itinabi sa akin. Pwedi namang doon na lang sa harapan ko. "Nasabi nga pala ng Daddy mo ang tungkol sa renovation at pagpapatayo ng mga new guest house. I agreed with it pero ang pagbili ng lupain nila is so impossible. Marami na ang nagtangkang bumili niyan dahil nga maganda ang lugar at ang view ng dagat sa harap pero walang nagtagumpay. Tsaka malapad pa naman natitirang space ng resort ah. Bakit kailangan pa bumili?"

"I have my own reasons, Mom. Mahabang istorya." walang gana kung sagot. At binalik ang tuon sa mga paper works.

"Is it about Joey , again? Narinig ko din sa mga tauhan ang nagyari kanina. Don't be too harsh for yourself and for Joey , honey. Joey is really a nice guy. Besides nasa tamang edad na kayo. Why don't you give him a chance?"

"I don't want to talk about it, Mom kung kay Joey ka din kakampi. He's not a nice boy. Tarantado, pwedi pa. At kung ipipilit mo lang na bigyan siya ng chance you may leave Mom. I'm busy with my work." alam kong masyado na atang nasubrahan ang pagsagot ko kay Mommy pero kung ipipilit talaga nila ako kay Joey ay wala akong magagawa kundi barahin sila. I never really imagine myself walking down the aisle with him waiting for me in the front. Not imagine myself saying I do and vows to him. Never.

"Okay. Bye , honey." Nakita ko ang lungkot kay Mommy. First time ko kasi siyang ipalabas ng office ko. Siguro nga'y sawa na talaga akong pag-usapan ang lalaking iyon. Simula ng umuwi si Joey galing America ay wala na siyang ginawa kundi guluhin Ang buhay ko. Fuck him.

To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I don't need BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon