Chapter 3 ♡ The broken hearted Bi 2

127 59 17
                                    

"Okay naba itong doodle ko?" pagtatanong ni Felissa matapos ipakita yung doodle na ipinagawa ko sakanya sa whiteboard.

"Okay nayan, ikaw Ge? Dika paba naman tapos jan?" baling ko sa baklang nag aayos ng classroom.

"Oo eto na bruha patapos na" aniya na mukang naiinis na. Tinawanan ko lang siya. "Lecheng to. Kung wala lang kaming kasalanan sayo kahapon, hindi ako pupunta ng napakaaga ngayon para lang suportahan at tulungan ka sa ka ek-ekan mo sa buhay. Pag ito lang Cris hindi nag work ulit,, huwag na huwag mo kaming sisisihin. Binalaan ka naman na namin ng ilang beses pero nagpumilit ka parin." mahabang litanya niya.

"Oo na oo na, bilisan niyo na jan at baka mamaya magsidatingan na kaklase natin." sabi ko sabay silip sa may bintana.

Oo gumagawa nanaman ako ng kung anong kaululan ngayon. Pinapunta ko dito sila Ge ng pagka aga aga para magpatulong sa gagawin ko nanamang plano ngayon kay Mhialle. Call me desperada pero masisisi mo ba ako kung gustong gusto ko talaga yung tao at ayaw magpaawat netong nararamdaman ko for her?. Ayan napa english tuloy ako ng slight.

"Teka asan na ba si Ema?" pagtatanong ni aling Felissa sakin. "Pakitignan mo nga Cris kung anjan na. Lokang yun sinabing maaga tayo ngayon eh." utos neto.

"Anjan na siya" sagot ko. Matapos makita si tomboy na papasok na ng room.

"Oh hello guysssss! Sakto lang ba ako ng dating?" tanong niya samin.

"I-umpog kita jan sa pader eh! Lechugas ka. Kanina kapa namin inaantay. Natapos na kamit lahat, ngayon kalang darating." inis na sabi ni Ge kay Ema.

"Haluh eh maaga naman ako pumasok eh. Kita mo oh 6:10 palang." sabay turo dun sa wall clock ng room. "Ano oras ba kayo pumasok?"

"5:40!" sigaw ni Ge sakanya. Psh ke aga aga wala nanaman siya sa mood.

"Bat ang aga?!" Gulat na tanong netong si Tomboy sakanya.

"Huwag ako ang tanungin mo!" nilingon niya naman ako saka itinuro." Ayan! Jan sa abnoy ka nayan magtanong!"

"Okay.." saka ibinaling ni Ema yung tingin sakin. "Cris sabi mo kahapon dapat maaga tayo papasok ngayon. Wala kang sinabing exact time basta maaga papasok. Eto na nga oh pumasok ako ng maaga pero galit pa itong si Ge sakin. Aba eh malay kobang madaling araw pala dapat ang pagpunta ko rito."

"Nag ol kaba kanina?"

"Hindi, bakit?"

"Sinabi ko sa gc natin na 5:40 ang oras ng pagpasok natin"

"Ay kaya pala. Pero bat ang aga?"

"Trip ko lang bat ba?" pamimilosopo ko saka umupo na sa upuan ko. Mamaya maya kasi darating na si Mhialle.

"Okay na lahat Don señorita" sabi ni Ge sakin saka umupo narin sa pwesto niya.

"Huh? Anong Don señorita? May ganun ba?" nagtatakang tanong naman ni tomboy dito.

"Obob karin ng taon. Don Señorita kasi isa siyang Don at isang Señorita. Half boy Half unngoy. Este girl." Tinignan ko siya ng masama, pero binelatan lang ako.

"Ahhh kasi Bisexual?" tanong ni tomboy.

"Oo tanga" pambabarad niya dito.

"Edi sana all genius Germayne" sarkastikong ani naman neto sa bakla.

"Jusko ayan nanaman kayong dalawa" singit ni aling Felissa. Umupo narin siya sa upuan niya.

Maya maya pa..

"Hi Mhialle!" biglang bati ni tomboy sa dumating sa room.

"Ah hello... Ang aga niyo ata ngayon ah?" tanong niya saka inilibot ang tingin sa classroom. "Ano pala meron?" saka itinuro yung nasa whiteboard at mga mumunting deko dekorasyon sa may upuan niya.

AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon