Chapter 6 ♡ Visitors

81 26 3
                                    

"Iho..." nakaramdam ako ng mahinang pagyugyog mula saaking balikat.

"Mmm ano ba, bigyan mo pa ako limang minuto kuya"

"Aba iho kanina pa nahinto ang bus. Ikaw na lamang ang natitira dito." Napamulat ako agad dahil sa sinabi ni manong. Nilingon ko ang katabi kong upuan at hutek asan si Mhialle?

"Hinahanap mo ba ang iyong nobya?" pagtatanong bigla ni manong. Ano raw?

"Ho?"

"Hinahanap mo ba kako ang iyong nobya?" tanong nito ulit. Umay si manong, bet magpa ulit ulìt.

"Wala ho akong nobya manong, wala akong jowa at yun yung masàklap."

"korek ka jan iho" ay wow pati si manong chinggel.
"Akala ko pa man din magshota kayo. nakasandal kasi kayo sa isat isa kanina habang natutulog, Isa pa siya rin ang nagsabing gisingin na kita at inaantay ka neto sa baba." napasulyap  naman ako sa bintana. Tama nga si kuya nag aabang si Mhialle sa labas.

"B-bakit daw ho niya ako hihintayin?"

"Aba eh malay ko iho" napatango nalang ako at nagdesisyon ng bumaba.

Napatingin sa gawi ko si Mhialle matapos ako makitang lumabas ng bus. Nagulat ako ng makitang bigla itong naglakad patungo sa kinaroroonan ko.

"Ahm Hi hehe" wika ko ng tuluyan na itong makalapit sakin.

"Sino ka?"

"Luh bat mo tinatanong? Interesado kaba sakin?"

"Pano mo nalaman pangalan ko?" pagtatanong ulit neto. Ano ba nangyayare sakanya at bat tanong siya ng tanong? haluh dont tell me naka halata na siya?

"Anong pano mo nalaman pangalan ko jan. Lul were strangers kaya" advance sorry sa bebe ko dahil sa pang uulul ko sakaniya. Sorry baby its just part of the plan. Choz sorry wrong grammatically hehe^^.

"Oh really? kaya pala kung ano ano pinagsasàbi mo tungkol sakin kanina habang tulog ka? you know my name and you even knew the things that had happened on the day of valentines.

O_O  D'fokfok Ano raw?

"Strangers huh.. Haha wow" dagdag nanaman neto.

"A-ah y-yun? AHAHAHA nag i ilusyon kalang teh. tuleg walang ganon! di talaga kita knows." wika ko na siyang ikinakunot ng kaniyang noo. "Naku miss alam ko na yan eh..gumagawa kalang ng kung ano anong chechebureche jan para lang makausap aķo, haha tama bako?" muntik nako humagalpak sa tawa ng makita ang lalong pagsalubong ng kaniyang kilay at pangangasim sa kaniyang mukha.

"Ang yabang akala mo kung sinong gwapo" mahinang bulong neto saka ako nilayasan. Ano kaya binulong non? haha

Nang makalayo layo, nakita ko na siyang pumara ng masaksakyang tricycle. Muli siyang sumulyap sa gawi ko bago sumakay. Pumara narin ako saka ito pinasundan sakaniyang sinasakyan. Ilang minuto lang ay natigil na ang kaniyang sinasakyang tricycle sa tapat ng isang parlor? Yan ba ang ipinunta niya dito? ang mag paayos? nasagot naman agad ang tanong ko ng may tatlong naggagandahang binabae ang lumabas sa loob ng parlor at sinalubong si Mhialle ng yakap.
Magkakaibigan ba sila o magkakamag anak? choz.

Nagdesisyon akong bumaba na saka binayaran si manong driver ng tricycle haha. At dahil hindi ako nag iisip, isang tunog ng umaandar ng papaalis na tricycle ang nakaagaw ng atensyon nila at syempre kasabay non ang sabay sabay na pagdako ng kanilang tingin sakin. TAENA. Napatingin ako kay Mhialle na halos mag isang linya ang dalawang kilay sa sobrang pagkakasalubong neto.

Jusko ito na nga ba ang sinasabi ko. Napalunok nalang ako nang mag umpisa silang lumapit sakin at nangunguna sa paglalakad si Mhialle.

"Sinasabi ko na nga bat kilala mo ako, strangers huh" aniya habang nakataas ang kilay sakin. "At nagawa mo pa talagang sundan ako dito hanep, stalker ba kita?"

"Oy mimi wag mo ngang panlakihan ng mata si kuyang pogi, matakot yan sige ka" wika ng isang magandang bakla. Hindi siya pinansin ni Mhialle.
Konting kembot nalang at magmumukha ng tunay na babae itong nagsalita, may boobs at medyo may kurba ang kanyang katawan kaso ngalang may nakita kasi akong naka umbok na ano sa meh baba hehe sowe masyadong makilatis ang aking eyes.

Biglang nangamatis ang aking pisnge ng maharot ako nitong hinampas sa may balikat. Taka at nanlalaki ang mata ko itong tinignan.

"Uy.. na sight ko ang iyong mabilisang pagsilip saaking anes. You know, down there. Bet mo wampipti?" malanding bulong nito sakìn na siyang lalong ikinanindig ng balahibo ko.

"Kausapin ko lang siya saglit" at walang anu anoy hinatak ako ni Mhille palayo sakanila. Phew save by the belbel.

"Alam kong hindì ka taga rito at sinusundan mo lang ako. Mula sa boarding hanggang dìto makikita kita? sinong hindi magtataka. Nabanggit mo pa ang pangalan ko habang natutulog ka pati nga rin yung ginawa ko kay Cris ay alam mo.  Napakalayo namang maging isang coincidence lang ang lahat tama?" pagtatanong niya sakin. Napayuko ako. Ano ang sasabihin ko? em out of words ayan napa english tuloy.

"Not unless isa ka sa mga kaklase ko at nagpapanggap ka lang na ibang tao ngayon sa harap ko?" napaangat ang tingin ko sakaniya. Lakas ng gut feel niya. Pano nalang if malaman niya talagang ako talaga si Cris at nagdi disguise lang?

"Umalis kana. Wala kang mapapala dito. Nagsasayang kalang ng oras." aniya at iniwan nanaman ako netong mag isa.

Mhialle's POV. (Awit pers taymmm)

Matapos kausapin yung lalaking yun ay bumalik na ako sa kaninang kinasasadlakan at agad na pumasok sa loob ng parlor. At as expected, hinanap nila sakin yung lalaki. Agad silang nanlumo nung sinabi kong wala na ito dahil pinaalis ko na. Natawa nalang ako sa mga reaksyon nila. Kahit kailan talaga itong mga to ignong igno pagdating sa gwapong lalaki.

Kaibigan ko silang tatlo, hindi lang kaibigan dahil mula non itinuring ko na silang parang tunay na pamilya. Sila ang kumopkop at tumayong ina,ama,ate at kuya sakin nung panahong itakwil ako ng sarili kong pamilya at wala ng ibang mapupuntahan. Kinupkop at tinanggap nila ako ng buong buo at saka tinulungang makabalik sa pag aaral. Nahihiya pa ako nung una dahil gaya ko ay wala narin silang mababalikan pang pamilya na susuporta sa kanilang pangangailangan. Sila sila na lamang ang nagtutulong tulong para buhayin ang isat isa.

Nakakabilib. Napakasaya ko at sila ang tumulong sakin. Binuhay nila ako sa isang napaka simple ngunit napakasayang pamilya. Sila lamang nakapagparamdam saakin ng ganon. Im so lucky to have them in my life.

"Ngayon ka na ngalang ulit bibisita nagawa mo pang mag day dream sa harap namin imbes na bigyan kami ng tig iisang yakap" ani ni mamita Wela. Napangiti ako at walang anu anoy hinila sila at binigyan ng isang mahigpit na yakap.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa ipagpaalam ang aking sarili na matulog munat magpahinga.

Mag a alas syete na nang magising ako. Napalingon ako sa bintana ng kwarto at nakitang umuulan ng malakas sa labas. Naalala ko tuloy sa tuwing umuulan, kahit gabi pa yan, lumalabas kami nila mamita para magpakabasa.

Parang bet ko tuloy magpaambon. Ayain ko kaya sila mamita? tumayo na ako at nagtungo sa kinaroroonan nung tatlo. Nasa hagdan palang ako ay naririnig ko na mga hagikgik nila.
Ano kayang pinag uusapan ng mga yun?

"Nakuuu mukhang sinuswerte ata tayo ngayon mga sis.."

"Oo hutek after 2 years of waiting sa wakas mabubuhay na muli ang aking katawang lupa. Walang tulugan is real yum yum"

"Mga gaga wag kayong asyumera. Hindi kayo ang ipinunta ng mga iyan dito"

"Eh sino?" Mamita serina and wela asked.

"Siya" Mamita yuwi said while pointing his finger to my direction.

"Si mimi?"

Lahat ay napatingin sa gawi ko. Ngunit ang tingin ko ay nakapako lamang sa dalawang taong nakaupo sa sofa at parehong basang basa ang kasuotan.

What the hell are this guys doing here?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon