95

2.9K 128 94
                                    

12-18

Primo Lagdameo

6:30 pm

Primo

Baka naman kausapin mo na ako

I mean kinakausap mo nga ako

Pero hindi ka naman nagpapakita sa'kin

May nagawa nanaman ba ako?

Sorry na Primo

Ayaw ko na galit ka :(

Tapos na 1st sem hindi ka naman na busy no?

Hindi ako galit Paige

Hindi ko naman kaya magalit sa'yo e

E bakit ka ganiyan?

Hindi ka naman ganiyan

Feeling ko may nagawa akong masama

Wala nga Paige

Okay lang ako

Hindi ako galit

Wala kang nagawa

Hindi mo naman choice 'yon

Ang alin?

Wala

'wag mo na alamin

Ano nga 'yon?

Paano tayo magbabati kung ayaw mo naman sabihin sa akin ano 'yon

Wag na makulit Paige

Matulog ka na

Eeeehhh

Paano ako makakatulog ng ganito tayo

Ilang linggo na yata akong hindi nakakatulog nang ayos dahil sa'yo

wag ka na kasi mag isip masyado

Ayos lang naman tayo

Ayos lang ako

May girlfriend ka na ba?

Ayos lang naman sa akin 'yon

Wala lang naman sa akin 'yon Primo

Magkaibigan tayo, basta masaya ka okay na sa akin

Hindi mo naman ako kailangan iwasan para sa kaniya

Alam ko naman hanggang
saan lang ako

Putangina naman Paige

'Wag mo naman ako pahirapan

'Wag mo na akong saktan

'Wag mo na ipamukha sa akin

Kasi tangina pagod na ako

Teka

Hindi ko naiintindihan

Pinapahirapan ba kita?

Hindi ko naman alam na ganiyan na pala nararamdaman mo

Sorry kung lagi kita ginugulo

Napapagod ka na pala sa akin

Pasensiya na Primo

Siguro nga nasanay ako na
andiyan ka lagi

Na hindi mo ko matitiis

Sorry kasi parang dependent na ako sa'yo

Hindi na ako magkukulit

Hindi 'yon Paige

Please 'wag na natin 'to pag usapan

Matulog ka na

Hindi nga Primo

Kung hindi lang gabi pupuntahan kita

Okay lang naman aminin mo sa akin na pagod ka na maging kaibigan ko

Maiintindihan ko naman

Tangina oo na

Oo na paige, pagod na pagod na akong maging kaibigan mo

Nakakapagod maging kaibigan mo lang

Hindi ko maintindihan

Mahal kita

Naiintindihan mo na?

Mahal kita Paige, hindi lang bilang kaibigan

The Way We StartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon