123

3.1K 99 101
                                    

02-04

Papa dear

9:30 pm

Papa huhu

Emergency

Ano?

Anong nangyari?

Saan ka??

Dito sa kwarto hehe

Pucha

Akala ko naman kung nasaan ka

Ano ba 'yon

Bakit hindi mo na lang ako kausapin ng harapan

Nahihiya ako

Tsaka maririnig ni mama

Ano nanaman ba 'yang bawal marinig ng mama mo

Hindi naman sa bawal niya marinig

Pero ang dami kasi minsang sinasabi ni mama

Hahahaha oo nga

Okay, na screenshot ko na

Aba

Hindi kita tutulungan diyan sa emergency kuno mo

Joke

Ano ba talaga 'yan Paige?

Paano mo po nalaman na gusto mo si mama?

Aba teka!

Papa!!!!!

Kaya ayoko sabihin sa'yo ng harapan e!

Feeling ko anak gusto mo siya

Wala pa nga!

Ang dami dami mong naging crush noon hindi ka naman nagtanong ng ganiyan sa akin

Ngayon lang

Talaga ba???

Oo nak

Pero paano mo nga nalaman na gusto mo si mama?

Uhm

No'ng una nagandahan kasi ako sa mama mo

Pero narealize ko na gusto ko siya no'ng importante na rin sa akin 'yung mga problema niya, parang ginagawa ko na ring problema ko kung ano man 'yon.

Hindi ko naman gawain 'yon noon alam mo naman ang history ng tatay mo

If you're doing unusual things for that certain person I think you already like him

Sino ba 'yan ha?

'Yung dinate mo o 'yung basketball player

Si Primo

Nabuga ko 'yung tsaa ko!!!

Seryoso?

Hahahaha pero hindi ako sigurado pa

Pero seryoso, si Primo talaga

Bakit naman?

Baka kasi alam mo 'yon kaya ko lang naiisip 'to kasi nakikita ko siya lately na may kasamang iba

Kasi diba pa may gano'n 'yung ayaw mo siyang nakikitang may kasamang iba pero hindi mo naman talaga siya gusto

Baka kasi hindi lang ako sanay

Natatakot ako baka masaktan ko lalo si Primo

Gano'ng tao ka ba Paige?

Ganoong klaseng tao ka ba?

Selfish?

Hindi ko alam pa

Baka kasi iniisip ko hindi ako gano'n pero gano'n pala talaga ako

Alam mo ikaw lang naman kasi makakasagot niyan e

Kasi nararamdaman mo 'yan

Ang isipin mo si Primo lang

Walang iba

Siya lang

Ano bang nararamdaman mo kapag siya ang iniisip mo ?

Hindi si Primo na may kasamang iba

Si Primo lang

Anong feeling mo kapag kasama mo siya?

Parehas lang ba kapag kasama mo si Kean?

Pa iiyak na ako

Hahahaha bakit

Tinatanong lang kita

Kung atensyon lang rin naman ang habol mo anak

Edi sana ayaw mo rin na nagkagirlfriend si Kean

At siyempre alam ko hindi ka gano'ng tao anak ano ka ba!

Bababa nga ako diyan

Wala ba si mama diyan

Andito

Sinasabi mo sa kaniya no?!

Kaya siguro ang dami mong nasasabing matino

Hahahaha join forces kami ng mama mo dito

Nag tsatsaa kami eh epal ka

Nagtatampo nga bakit hindi daw siya ang kausapin mo tungkol sa lalaki

Bakit daw ako pa

Ako PA daw talaga!

Bababa na nga ako!!!

Hug ko kayo

The Way We StartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon