Prologue

10 0 0
                                    


Boooogsshh!!!

Aray!! Ano ba tumigin ka naman sa nilalakaran mo! Kita mong andami kong dala e.

Bakit sinasadya ko ba? Parang nabunggo lang, ang lampa mo naman.

Ano? Sabi ng mommy ko when you hurt someone dapat you should say sorry!

Ang ingay mo naman parang yun lang e. Iyakin!

Bahala ka nga dyan!! Bakla! Nang aaway ka ng girl. Bleeeh!

ANONG SABI MO?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ANONG SABI MO?

Byeeeee beks! Hahahaha (sabay takbo)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Byeeeee beks! Hahahaha (sabay takbo)

Yun ang naalala kong una namin pagkikita. Bagong lipat kami that time kase na destino si papa dito sa manila at kailangan na din magaral sa college ng ate ko, so from cabanatuan nagdecide kami na dito na lang kami na buong pamilya sa maynila. At Ewan ko ba kung bakit unang araw pa lang eh may naka away na ko.

Dahil nga ganon ang unang pagkikita namin eh araw araw para kaming aso't pusa kapag nagkaka salubong. Dahil magkatabi lang kami ng bahay, naging magkaibigan ang mga nanay namin. Kaya lagi nila kami kinukulit na maglaro ng magkasama, sabay pumasok sa school at maging close talaga. Madalas din syang iwan ng mama nya samin tuwing papasok ito bilang nurse sa isang ospital. Dalawa lang kase sila magkasama ng mama nya sa bahay kaya madalas nasa bahay sya para mabantayan ni mama din. Kaya pagkagaling sa school sabay kami gunagawa ng homework habang nagmemerienda at pagkatapos maglalaro na kami ng video games. Minsan nagkakasundo kami pero madalas riot ang ending pa rin namin dalawa.

Habang tumatagal masaya naman ako kasama sya, lalo na dahil bago lang ako dito sa manila at wala talagang mga kaibigan pa, kaya nagpapasalamat din ako na nandiyan sya kase kahit papano nakakapag adjust ako sa bagong lugar na to. Pinakilala nya din ako sa iba pang bata na kaibigan nya, sa totoo lang mabait naman sya, sadyang mapang asar lang at akala mo kung sinong matapang.

Sa halos araw araw namin magkasama nasanay na din ako sa presensya na. Oo di pa din namin na iiwasan ang nagkaaway lalo ba kapag lumabas ang kapilyohan nya pero habang tumatagal mas nakilala ko sya, mas nakikita ko ung soft boy sa loob nya.

Hanggang sa dumating ang araw ng kaarawan nya. Nakacostume pa sya nun at masayang masaya. Pinagyayabang nya pa sakin na darating ang papa nya kase birthday nya. Pero nung araw na yun naghintay din sya sa wala. Hindi sumipot ang papa nya samantalang ang mama naman nya kinailangan ng bumalik sa ospital dahil sa emergency. Ako, si ate at si mama ang kasama nya. Pilit man namin pasayahin sya sa birthday nya alam ko may lungkot sa puso nya.

Sabi ni mama kapag naging goodboy ako pupunta si papa sa birthday ko, diba naging goodboy naman ako Caca?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sabi ni mama kapag naging goodboy ako pupunta si papa sa birthday ko, diba naging goodboy naman ako Caca?

Sshhh okay lang yan liam,

Siguro ayaw talaga nila sakin. Kase si papa iniwan ako tapos si mama laging wala

Ano ka ba, Si tita mavs busy lang yun sa work nya kase syempre nurse sya so kailangan sya sa ospital

Bakit ako? Kailangan ko din naman sya ah pero bakit wala sya dito

Haaay smile ka na nga kase! Basta ako? Andito lang ako palagi kapag kailangan mo

Promise yan? Di mo ko iiwan tulad nila?

Oo promise! Kaya smile ka na!

Okay sige! Tara laro na tayo!

***

Simula nung araw na yun sabi ko sa sarili ko, hindi sya magbibirthday kahit kailan magisa. Hindi ako mawawala sa tabi hanggang kailangan nya. Na kahit ano mangyari hindi ko iiwan.

Dun nagsimula ang aming pagkakaibigan.

Hi! Ako nga pala si Cara Chandria Manuel at yung kasama kong payatot? Sya nga pala si John Liam Ford

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hi! Ako nga pala si Cara Chandria Manuel at yung kasama kong payatot? Sya nga pala si John Liam Ford

Friends? No, best friends ❤️

Just your comfort zoneWhere stories live. Discover now