Con. 17

879 41 0
                                    

Continuation of Chapter 17 (Maldita Suffer)
___

YASSY's POV:

PERA NA SANA, NAGING ISDA ULIT!

Ganito ang nangyari at naging epekto nang pagsulpot ni Adrian sa akin.
Inakbayan niya ako at tinawag niya akong asawa dahilan para mawalan ako ng customer.

Gusto ko sanang isampal sa kanya ang tilapia para tumigil na ito sa pang-gugulo sa akin, pero hindi ko magawa.
Ang dami kasing tao at ayokong sabihin nila na amazona akong babae.

Kaya heto, muli akong sumigaw at naghanap ng panibagong mamimili.

Hindi ko na makuha ang atensyon ng iba dahil hindi nila gusto ang isda na tinitinda ko. Masyado kasing mahal at hindi kaya ng bulsa nila.

So I think another plan, para lumapit ang ibang customer sa gawi ko.

I removed my tshirt, at tanging sando ang natira sa pantaas ko.

Syempre, sa ginawa kong eksena, nagsigawan ang mga lalaki.
Pero yung mata ni Adrian, halos patayin na ako dahil masyadong nakikita ang cleavage ko.

But I don't care. Ayokong tumagal sa pwesto ko. Ang baho kaya at ang sakit sa ilong.

"Yassy. Suotin mo 'yan.", bigkas nito na may kadiinan sa boses.

"No. No. No.", pang-iinsultong sambit ko.

"Isa.",

Wow! Nagbilang pa siya ha?
Akala niya siguro matatakot niya ako sa mga ganyan.
Pero sorry, dahil ako si Yassy.
Si Yassy na maldita at matigas ang ulo.

"HEYOOOW! BILI NA KAYO NG ISDA! MAY FREE HUG KAYO SA AKIN!", bulyaw ko na may pang-aakit.

And because of this, tuluyang nagsilapit ang mga lalaki.

But again, for the second time, hinigit ako ni Adrian.
Pinulupot niya ang braso sa aking bewang dahilan para maglapit ang katawan namin.

"Tangina Yassy! Dahil lang sa isda, ipapahamak mo ang katawan mo?", pagsesermon nito.

"Bakit ba? Kung hindi mo sana ako, pinahirapan, edi walang kaganapan na ganito!", I shouted back.

"Tsk. Magbihis ka.", tanging turan niya.

Kaso hindi ko na ito nagawa pa, dahil nasa harapan na namin ang mga lalaki.

"Miss, dalawang kilo bibilhin ko. Dalawang beses din na yakap ha?",

"Ako Miss, limang kilo.",

"Miss Ganda, pitong kilo na sa akin para maubos agad paninda mo.", wika ng mga binata.

Napangiwi na lamang ako ng bibig dahil ang dudugyot nila.
Hindi sa panghuhusga, pero hindi ko sila bet. Mukha silang manyak na hayok sa yakap ko.

"WALANG YAYAKAP SA ASAWA KO! UMALIS NA KAYO! PUTA!", galit na sigaw ni Adrian sa kapwa niya lalaki.

This is the first time na marinig ko ang malutong na mura niya.

Oo, dati nagmumura siya. Pero yung mura niya ngayon, sobrang kakaiba na talagang masisindak ka.

Kaya ayon, umalis ang mga lalaki na may dismaya sa kanilang itsura.

Si Adrian, masyado siyang protective at madamot pagdating sa akin.
Ayaw niya na tinitingnan o hinahawakan ng iba, ang parte ng katawan ko.

Naisip ko tuloy na baka type niya ako.

"Manang, bibigyan na lang kita ng pera. Twenty thousand cash. Uuwi na kami ng asawa ko. Hindi siya safe dito.", bigkas nito sa matanda.

Hindi agad ako nakapagreact dahil ang bait ni Adrian.

Teka, si Adrian ba talaga 'tong kasama ko? Hindi ako makapaniwala.
Bigla siya naging anghel at nawala yung pagiging demonyo niya.

"Aray! Bakit mo ako sinampal?", inis na turan nito.

Yes, I slapped him.
Gusto kong makasiguro na siya nga si Adrian.

"W-wala.", tugon ko na lamang.

Kinuha niya ang tshirt na hawak ko at siya mismo ang sumuot nito sa akin.

He smiled at me. Yung ngiti na nakakatunaw ng puso.

"Gusto ko sanang pahirapan ka, pero ang utak mo masyado. Talagang ginamit mo ang kahinaan ko. Pasalamat ka, nagugustuhan na kita.", mahinang sabi niya.

"Huh?",

"Tsk. Let's go.", pag-iiwas na saad nito.

"Anong let's go? Ulitin mo nga ang sinabi mo. Hindi ko narinig eh. Ang ingay kasi.", kalabit na wika ko.

"Bihira lang ako umamin ng gano'n, tapos hindi mo pa naintindihan? Malditang bobo ka.", asar niyang pahayag.

"Hindi ko nga kasi narinig. Maka-bobo ka naman, wagas! Matalino ka? Matalino?", sakrastikong sambit ko.

"Hays. Nevermind. Hindi ko na 'yon uulitin. Wala na akong lakas na loob. Kaya halika na, paglulutuan kita sa bahay. Let's eat together.", turan nito nang hawakan ang kamay ko.

Ang lambot ng palad ni Adrian, at sobrang init.

Ang sarap pisil-pisilin.

Pero ano ba kasi ang sinabi niya?

END OF CHAPTER 17
©Binibining_Timoji

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon