Continuation of Chapter 8 (Operation: Make the Maldita Suffer)
____Yassy's POV:
I don't have choice anymore. Kahit ayokong pumalit ng damit, pumalit pa rin ako dahil patuloy sa panenermon si Adrian.
Akala mo naman, siya yung papa ko kung makaasta.
Hindi na tuloy ako makapaghintay na makaalis sa pesteng puder niya.
Masyado na akong nahihirapan na pakisamahan ang binata.
Kahit dalawang araw palang ako, parang susuko na ang aking sarili dahil sa ugaling pinapakita niya."Hindi ba tayo sasakay? Ang init ng panahon! Medyo masakit na rin ang skin ko. Baka mangitim ako.", maarte kong turan sa lalaki.
Kanina pa kasi kami lakad ng lakad, sa gilid mismo ng kalsada habang tirik na tirik ang araw.
"Bakit ba ang dami mong reklamo? Umagang-umaga, kaya vitamins pa 'yan.", inis na sambit niya.
"Vitamins? Hello, 9:00 o'clock in the morning na at hindi na 'to healthy sa balat.", mataray kong bigkas.
"Just continue walking and shut-up.", tanging saad nito.
"Just continue walking and shut-up, nye nye.", pang-gagaya ko sa sinabi ng binata.
Walang segundo at minuto na hindi kumukulo ang dugo ko sa kanya.
Bakit ba kasi hindi siya nagmana sa ugali ni Patrick?
Kung sana sumama ang lalaki, hindi ako mapapagod ng ganito.Sinasabi ko na nga ba, may gusto s'yang gawin sa akin.
Gusto n'ya akong pahirapan at kawawain.Grrrrrr. I really hate him!
____
Napatigil naman sa pagsasalita at pagdadabog ang isip ko nang lumiko kami sa isang sulok.
I am not familiar in this place, kaya sunod lang ako ng sunod kay Adrian.
Pero sa puntong ito, napahawak na ako sa braso niya at nagsimula na ring mangatog ang aking tuhod.
"M-may aso. M-maraming aso. H-hindi pa ako handa na makagat.", kinakabahan na wika ko.
"Tsk. Aso lang 'yan. Kaya wala kang dapat na ikatakot.", tugon nito.
"Anong wala? May rabbies ang mga aso. At baka sila pa ang dahilan ng pagkamatay ko.", pagbibigkas sa binata.
Pero ang gago, tinawanan lang ako na tila nang-aasar pa.
"Oh? Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba ha?", usal ko rito.
"I just can't imagine na takot din pala mamatay ang mga mataray na katulad mo.", he said while laughing.
"Bobo ka ba? Syempre, tao pa rin ako. And take note, pinadala ako ni Dad sa lugar na 'to para matuto at magbago, hindi para mamatay nang dahil sa pesteng aso!", bulyaw ko kay Adrian.
"Dami mong satsat, kumapit ka lang ng mabuti sa braso ko. At pangako, hindi ko hahayaan na makalapit ang mga aso sayo.", turan nito na animo'y 'yon lang ang naisip n'yang paraan.
"Kakapit lang? Paano kung mabilis sila at maabot nila ang legs ko? Tiyak, dudugo ito at magkakaroon ako ng sugat. Gosh! Ayokong mangyari 'yon. Over my body, hindi ko pinangarap na mismong aso pa ang kumagat sa akin. Like eeww, wala pang experience ang katawan ko na kahit isang halik galing sa tao. Tapos mismong aso pa ang gagawa no'n!", pagsisigaw ko na.
Nakaturo na mismo ako sa mga aso na nag-aabang sa amin.
Kung bibilangin, nasa anim sila at masyadong nakakatakot ang itsura nito."Sumakay ka na lang sa likod ko at akong bahala sayo.", pagdedecide ng lalaki.
Nasilayan ko itong umupo habang tinuturo ang likuran niya.
"Mabigat ako. Hindi mo ako makakayang buhatin.", iwas na turan ko.
Actually, ayokong pumayag sa kagustuhan n'yang mangyari.
Kasi alam ko rin naman ang pakay niya.Gusto n'ya akong chansingan sa pamamagitan ng pagsanday ko sa likod nito.
Yes, malaki ang hinaharap ko, kaya tiyak mararamdaman ni Adrian ang kalakihan at kalambutan ng dede ko.
"Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin. Basta walang iyakan kapag dinumog ka ng mga aso ha?", sambit niya dahilan para mapalunok ako ng laway.
"F-fine. Sasakay na ako sa likod mo.", saad ko na lamang.
Haysss!
Mapapasubok ako ng wala sa oras.
___END OF CHAPTER 8
©Binibining_Timoji
![](https://img.wattpad.com/cover/222454016-288-k868960.jpg)
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the MALDITA suffer❤
De TodoSamantha is pure maldita, ayaw na ayaw n'yang may nakakaangat sa kanya. She's pretty and she looks like an angel. Pero yung ugali niya, demonyo dahil sa sobrang kamalditahan. So her dad decided na ipatapon siya sa lugar na hindi niya kinasanayan par...