Kabanata 9

77 3 0
                                    


News about them was now flashing on the screen in the shop. Kahit sa mga bewspaper na ipinamimigay namin ay naroon din ang pangalan nila.

"Nahuli na pala 'yung mag asawang Fajardo," wala sa sariling sabi ni Ena habang nakikinig ng balita.

Ako ang nasa kaha ngayon at siya naman ang tagagawa ng kape. Kaunti pa lang ang tao dahil kabubukas lang namin.

"Ang tagal din nilang nagtago 'no? Saka sa Negros pa sila nahuli, sobrang layo sa Manila."

Hindi ako umimik. Ena doesn't know any single thing about me or my family. Hindi rin ako nagkukwento. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng part time job sa newspaper habang panay naman ang daldal niya tungkol doon.

"Bilyon-bilyon daw ang kinuha. Tsk. Tsk. Tsk. Marami talagang nasisilaw sa pera. Siyempre ikaw ba naman 'yung makahawak ng gano'n karami talagang magdadalawang isip ka. Kaya lang expect mo na rin na kakatok si karma sa pintuan mo."

I sighed.

Bakit hindi 'yun naisip ng parents ko kung gano'n? Bakit sila nagpadalosdalos?Okay lang naman sa akin na maghirap kami. O baka inisip nila na hindi okay sa akin?But look at the result now.

Isang buntonghininga pa ang pinakawalan ko bago mapabaling sa tumunog na door chimes.

Isang babaeng matangkad at naka all white na uniform ng isang nurse ang pumasok. Maiksi ang buhok niyang brown na nakatali at may manipis na bangs. May hawak siyang hand bag sa braso at puting jacket naman sa kaliwa.

Itinabi ko ang newspaper at tumuwid sa pagkakatayo.

"Good morning Ma'am." I smiled.

Mula sa nenu sa itaas ay ibinaba niya ang tingin sa akin at nagtagal iyon. Kumunot nang bahagya ang noo niya at mukhang malalim ang iniisip habang nakatingin sa akin.

Tumikhim ako kaya napabaling siya agad sa itaas.

"One americano please." Her soft voice reminds me of someone.

Tinitigan ko rin ang babae. She's kinda familiar but I can't remember where I saw her.

"One americano," pag uulit ko. "Any additional order Ma'am?" tanong ko habang nagtitipa.

"Nothing else," kalmadong sabi niya at tumingin sa name plate ko.

"That would be 140 pesos Ma'am."

Inihahanda ni Ena ang kape niya habang tinatanggap ko ang bayad. Sumulyap ako ng isang beses at nahuli ang kanyang titig kaya ngumiti siya sakin. Ngumiti naman ako pabalik at saka binigay ang sukli.

"Thank you," aniya at umalis.

Nagtagal ang tingin ko sa pintuan kahit kanina pa siya nakaalis. Her eyes were very familar to me. May kilala akong gano'n ang mga mata kapag nakatingin sa akin. Like finding my soul through them.

"Kilala mo 'yun?" tanong ni Ena.

Umiling ako at kinuha ang newspaper. I encircled the job I chose.

"Part time ulit?"

Tumango ako.

"Naku! Papatayin mo ba ang sarili mo? Ang dami mo nang part time jobs ah."

Ngumisi ako. "I need to. Malapit na pasukan."

That's the truth. Pakiramdam ko kulang pa ang limang part time job ko na pinagkakasya sa isang linggo. Kung paano ko ito nagagawa ay hindi ko rin alam. All I know is, I need to finish my last year in college to find a better and stable job.

The rest of the week have passed by smoothly. Nakuha ako bilang cashier sa isang milk tea shop na in-apply-an ko at naisingit ko pa ang pagiging waitress sa isang exclusive at high end club.

When Dreams Come True (Chasing dreams Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon