14

8 1 0
                                    

"Angelo!" Habang naglalakad kami ni Aivan, nakita ko si Angelo na mag-isa. Aivan sighed heavily after I called Angelo.

"Uy!" Binati niya 'ko. "Pare!" Binati din ni Angelo si Aivan although obvious naman na fake. Aivan just smiled at him.

"Wanna come?" I asked Angelo habang si Aivan ay kinurot ako ng kaunti. "Libre naman ni Aivan," i chuckled.

"Chryso.... ano kaseee..." sabi ni Angelo habang kinakamot ang ulo.

"Ano? Dali na kase! Besides, mag-isa ka lang dahil wala si Kersie." I begged.

"Sige na nga." Angelo sighed heavily before answering. Napanguso na lang si Aivan at ginulo ng kaunti ang buhok niya.

Habang nakasakay na kami sa kotse ni Aivan ay nasa likod kami ni Angelo.

"Angelo Kerby Castillo!" Napasigaw ako dahil inagaw niya ang phone ko. Nag-selfie na naman siya sa phone ko, siya na kase lagi pumuno ng gallery ko. Natawa ako dahil nakita ko ang mukha ni Aivan through the mirror. Halatang nayayamot na siya. Nang napansin niyang tumatawa ako, tinaasan niya ako ng kilay.

-

"Kami na oorder. Ikaw na nga manlilibre, ikaw pa tatayo at mag oorder. Kami na lang ni Angelo." Sabi ko kay Aivan. Pumayag naman siya. "Tara na, Kerby!" Tinawag ko si Angelo.

"Wait, Aurelie." He said na natatawa pa. Natawa na lang ako at napailing habang hinihila si Angelo. Naiwan si Aivan sa table at nag-phone na lang siya, bored siguro.

"Teka, hindi natin natanong si Aivan sa gusto niya." Sabi ni Angelo.

"Salad lang naman gusto niya." Sabi ko habang nakatingin kay Aivan.

"Sure ka, Chryso?" Sabi ni Angelo.

"Oo, diet din 'yan, e. Salad na lang din ako." Sabi ko.

"E'di ako na din. Baka ma-op ako dahil ako lang 'di nakasalad kaya magsasalad na lang din ako." He chuckled.

-

Nilapag ko ang inorder namin sa table. Umupo ako sa tabi ni Angelo at katapat namin si Aivan. He started eating his salad habang nagamit ng phone. Kami naman ni Angelo ay nagkukulitan lang. Napaangat ang tingin ko nang may marinig akong pamilyar na boses.

"Thirwheel!" Sigaw ni Marcus kay Aivan habang tinatapik ang balikat. Aivan pursed his lips and rolled his eyes.

"Hindi ako thirdwheel." Aivan said seriously without looking anyone of us. "Bakit ba kayo nandito?" Tanong ni Aivan.

"Kakasundo ko lang sa kapatid ko, bro." Sabi ni Justin.

"May kapatid ka pala." I chuckled. "Nasaan ba siya?" Tanong ko. Habang lumilinga ako sa paligid napako ang tingin ko sa isang babaeng matangkad, medyo maputi, shoulder length lang ang haba ng buhok na may side bangs at black na black ang kulay nito. Maganda naman pero mukhang ma-attitude.

"Serenity Blair Dela Peña, Justin Flair's younger sister." Nagpakilala siya sa amin pero una siyang nakipagkamay kay Aivan.
Halatang maharot ang babaeng ito!

"Aivan Vince Mendoza." Pakikipagkilala ni Aivan. Ang laki ng ngiti ni Serenity kay Aivan kaya halatang may gusto na agad 'tong babaeng ito. Sunod siyang napatingin kay Angelo na halata namang walang pakealam kay Serenity. Nilahadan ni Serenity ng kamay si Angelo, siguro dahil pogi naman si Angelo.

"Angelo Kerby Castillo." Nakipagkamay si Angelo sa kaniya ngunit bumitaw agad ng kamay si Angelo kaya napasimangot si Serenity. Napalingon siya sa akin at nginitian ko siya. Nakipagkilala din siya sa akin kaya nakipagkilala din ako.

"Chrysolite Aurelie Gonzales." Nginitian ko lang siya at nginitian niya din ako.

"Bestfriend ni Aivan." Sabi ni Justin. Serenity nodded slowly.

"Marcus Skylar Villanueva." Pagpapakilala ni Marcus. "I'm sure naman na kilala mo na ako—-"

"Aaron Rome Montenegro." Aaron cut Marcus off. "Friend ako ng kuya—-"

"Matthew Rozen Marchesa." Matthew
cut Aaron off.

I scoffed dahil sa inakto ng tatlong 'to. Maganda lang naman si Serenity, but mas maganda pa din ako. Charot!

"Tama na nga 'yan." Hinila ni Justin si Serenity. "Alis na kami, Chryso, Aivan, Angelo." Pamamaalam ni Justin sabay hila kay Serenity at sumunod na naman sina Aaron.

"May kapatid pala si Justin." I whispered.

"Obvious ba?" Pang-aasar ni Angelo.

-

"Thank you, Eenie!" Sabi ko kay Aivan habang nasa tapat na kami ng bahay namin.

"Always welcome, my Meenie." He smiled at me.

Pagkapasok ko sa bahay, napahinga ako ng malalim at napasandal sa pinto. What if agawin pa ni Serenity si Aivan? I might go crazy because of that witch!

"Senyeniti Bleyr Nyela Menya." Sabi ko na parang naiiyamot pa.

Feeling ko talaga magiging kontrabida 'yan, e. Bakit pa kasi 'yan umuwi?

-

"Anong masasabi mo kay Serenity?" Tanong ko kay Angelo habang nagbabasa kami sa library.

"She's beautiful, but tingin ko masama ang ugali." Angelo chuckled.

"Feeling ko nga type ka niya, e." I laughed.

"I know. Kaya nga bumitaw ako agad sa pakikipagkamay, e. Pogi naman kase ako." He chuckled. I rolled my eyes at him. "And besides, may iba na akong gusto." He said.

Napatigil ako sa pagbabasa at napalingon sa kaniya. Pinangsingkitan ko siya ng mata at nginitian.

"Sino? Ikaw, nagtatago ka na." Hinampas ko si Angelo ng libro.

"Ayaw ko sabihin. Ayaw ko din ipagkalat, baka maging kami." Angelo chuckled.

"Yuck," ngumiwi ako at napailing.

"Dapat din kase si Aivan 'yung tinatanong mo kung type niya si Serenity." Aniya

"Bakit naman?" I raised my brows at him.

"Baka masaktan ka." Angelo said habang nakatingin sa libro.

"Hindi kita maitindihan." I said.

"Akala mo ba naniniwala ako na hindi mo na gusto si Aivan?" He said. Napatigil ako sa pagbabasa ng libro then I looked away. "Kung ayaw mong masaktan, pwede mo namang itigil na 'yang kung anong meron kayo ni Aivan. Ayaw ko lang kaseng makikita kang nasasaktan." Angelo said.

"Part naman 'yan ng pagmamahal. And hindi naman kase minamadali ang lahat. Love takes time." I said then I smiled at Angelo. "I really appreciate you, Angelo. Thank you." I leaned on hin to give him a light soft kiss on his cheeks. After that, I looked around if may nakakita sa amin, wala naman. Then I felt awkward with him. Hindi na ako nakatingin sa kaniya.

-

I cleared my throat to break the silence between us Angeo while walking. Kanina oa siyang walang imik. Dahil ba sa kiss? Ano ba masama doon? Gusto niya pa ba ng isa? Oh, silly me!

"Nawalan ka na ba ng bibig?" Tanong ko kay Angelo.

HOW TO DEAL WITH MY BESTFRIEND?Where stories live. Discover now