26

15 1 0
                                    



Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang mabasa ko ang sulat niya sa akin. Ganoon na ba kahirap mag stay sa akin? Bakit lahat kayo umaalis? Hindi ko na kaya. Nilamukot ko ang papel na hawak ko at tsaka muling iniiyak lahat ng sakit.



Napatigil na lang ako sa pag iyak nang may biglang humaplos sa likod ko.


"K-kersie," tawag ko sa pangalan niya at nginitian niya lang ako. Kinuha niya ang upuan malapit sa akin at tsaka siya naupo sa harapan ko.



"I'm so sorry. Ang tagal ko nawala sa tabi mo. Kung kailan mo ako kailangan, tsaka ako wala and I'm so sorry for that." she said and niyakap lang ako.



"Ano 'to, reunion?" sabi ni Angelo kaya sabay kaming napalingon ni Kersie at bahagya akong napatawa. Sumali siya sa yakapan namin at niyakap kami ng mahigpit.




"Na miss ko 'to, ha," Angelo chuckled.



Napawi ang ngiti sa mg labi nina Angelo at Kersie nang makita ang papel na hawak ko. Itatago ko na sana 'yon kaso nahablot agad 'yon ni Kersie.



"So, wala na siya? Shet..." sabi ni Kersie.




"Hindi ba ito 'yung pinag usapan niyo kahapon?" tanong ni Angelo.




"No," iling ko




"So, hindi siya nagpaalam sa'yo? How sad. Don't worry, Chryso nandito naman kami ni Kerby." sabi ni Kersie.



"Trot," singit ni Angelo na iknatawa naman namin ni Kersie.




"Anong drama 'yan?" singit ng isa naming kaklase. Tinawanan lang namin siya nina Kersie.




"Good morning, students!" bati ni Miss Manalo sa amin.



"Goooooodddd mowwwwwwrrrrneeeennggg, miiiiisssssss," bati naming magkakaklase sa kaniya. Inirapan lang kami ni Miss Manalo.



"Para kayong elementary students," sabi niya at iiling iling. "Okay, recitation for today."

HOW TO DEAL WITH MY BESTFRIEND?Where stories live. Discover now