EPILOGUE

571 27 3
                                    

Mula sa isang swing ay may isang batang babae ang nakaupo malungkot na nakatingin sa mga batang naglalaro sa isang park

Kasama ng mga ito Ang mga Yaya nila samantalang siya ay naiwan dahil may kausap sa telepono ang kanyang Yaya

Nakatingin lang siya sa mga batang naglalaro ayaw niyang sumali dahil narin mainit at ayaw niyang mangitim gustong niyang ipagmalaki ang kulay niyang parang porcelana

Ngunit ang mga mata Niyay naagaw ng isang batang lalaki na nakatingin lang saknya nasa ilalim ito ng puno at nakaupo sa isang ugat

Ang seryoso nitong mukha ay nakatingin saknya at ang kulay abo nitong mata ay saknya lang nakatingin

Mabilis niyang iniwan ang swing at lumapit sa batang lalaki

Naupo siya sa tabi nito at ngumiti

"Hello kamusta kana bakit ka nakatingin sakin ?" Tanong Niya sa batang lalaki na nakatingin parin sakanya

Ngumiti lang ito sakanya at ginulo ng kaunti ang buhok Niya

"Ang cute Mo kasi habang nakaupo sa swing " sambit ng batang lalaki saknya naka ngiti narin ito saknya at natutuwa sa kanilang paguusap

Agad na galit na tumayo ang batang babae sa harap ng batang lalaki at naka pa meywang pa itong tumayo sa harap niya na animoy isang magandang babaeng galit

"Hindi ako cute !!!!....maganda ako eh" nagpapadyak pa ito sa lupa at parang pinipilit ang lalaki na bawiin ang sinabi nito

Ngumiti naman ang batang lalaki saknya at muling ginulo ang buhok Niya

Bago siya hawakan sa balikat at hinarap ng mabuti sa mukha nito

"Oo na maganda kana wag kanang magalit " sambit ng lalaki na ikinangiti ng batang lalaki

Kong may makakakita sa kanila ay iisiping magkakilala sila at magkaibigan na dahil ang mga titigan nila ay animoy matagal ng nahanap ang isat Isa at nagkatagpo lang muli

Tumingin ang batang babae sa lalaki habang nakatingala matangkad kasi ito at hanggang balikat lang siya ng lalaki

"Gwapo ka rin noh ...may crush ka ba" ang mga pisngi ng lalaki ay unti unting namula at tumingin sa ibang dereksiyon

"May crush ka nga ...!!!"animoy natutuwa pa ang batang babae sa tinuran niya

May nakapagsabi kasi saknya na ang pamumula raw ay dahil may gusto o kinikilig

"O-oo meron pero hindi ko pa alam ang pangalan niya eh " sambit ng lalaki at tumingin muli saknya

"Ganun ba ide alamin mo " tinaas baba niya pa ang dalawang kilay niya sa batang lalaki Bago ngumiti

Akmang may sasabihin pa ang batang lalaki ng tawagin na ito ng Yaya niya

"Young master uuwi na Po kayo at tinatawag na tayo ng daddy niyo " sigaw ng Yaya nito saknya

"Kita nalang ulit tayo bukas Dito ahh " tumango naman ang babae saknya

"Oo naman Basta pumunta ka ahh promise ...?" Tinaas pa nito Ang little finger niya at sinasabing mangako rin Ang lalaki

"Promise " ng magka krus na ang mga daliri nila ay Doon lang nila naramdaman ang isang bagay na para bang dati na nilang dama sa boung Buhay nila

Na para bang ang mga pangakong iyon ay dati na at hindi na mababasag ng kong sino man

Malayo na ang batang lalaki ngunit tinatanaw parin ito ng batang babae

Ang pakiramdam ay parehas ng noon walang pinagbago at walang sing saya

-----------------------------

Sa sumunod na araw ay hinintay ng batang lalaki Ang batang babae sa ilalim ng puno kasama niya pa ang pinsan niyang babae at lalaki

May dumating narin na isang batang babae at lalaki na nagpakilala sa kanila

Ngunit ang atensyon ng batang lalaki ay nakatoun lang sa isang batang babae ang babaeng pinangakuon niya kahapon na magkikita sila ulit sout nito Ang isang dilaw na dress at naka sandal ito habang naka tali sa magkabilang parte ang buhok

Sa edad niyang siyam ay masasabi niyang maganda ngang talaga ito sa mata Niya ang mga mata ng batang babae ay pamilyar sa kanya para bang dati na silang nagkita at hindi lang nila maalala kong saan

"Hi sorry na late Ako ayaw kasi akong payagan eh tumakas lang Ako sa bahay kasi nag promise ako sayo na babalik ako Dito ngayon "

Ngumiti lang siya sa batang babae at mabilis niya itong niyakap ng mahigpit

Yakap na parang nangungulila at nananabik na gawin ulit ang ganoong pakiramdam para sa batang si Khanate ay sadyang Bago talaga

"Tayo na maglaro tayo sa dating park" sabay sabay silang sumang ayon sa gusto ng pinsan ng batang lalaki

Sabay sabay silang nagpunta sa dating park luma na iyon at marumi na ang likod niyon ay mga Puno na

"Maglaro tayo ng tago taguan "

"Oo ba Ikaw Ang taya ahh "

"O Sige ako na "

"Isa ....dalawa ..... Tatlo ....apat ....Lima .....anim ...... Pito .....Wala ....----"

Hindi na nila narinig ang iba pang bilang dahil hinawakan niya Ang kamay ng batang babae at tumakbo sila papasok sa mapunong lugar

Hindi alam ng batang lalaki kong saan tutungo Bastat hinayaan niyang ang paa niya ang mag patuloy sa gagawin nito at ang marating ang isang malawak na parte may dalawang lumang upuan

Kaya sa pagod ay naupo sila roon ngunit sa harap nila ay may Puno at may nakaukit roon

"Alam mong basahin ?" Tanong Niya sa batang babae

Umiling lang ito saknya at nilingon ang naka ukit sa Puno

"Ano nga palang pangalan Mo ?at ilang taon kana ?" Tanong Niya sa batang babae

"Sabay tayong magsabi ng pangalan. At edad narin " sambit saknya ng babae

Inilihad niya ang kamay niya rito at nagpakilala ganun rin ito

"Ako si Forexein limang taong gulang"

"Ako naman si Khanate Siyam na taong gulang "

"Alam ko ang basa niyan marunong akong magbasa eh "

"Sige ano yun " ang batang nag ngangalang Forexein ay natutuwang malaman kong Anong ibigsabihin ng salita na naka ukit sa Puno  may sunog pa ito na para bang daliri ng tao ang ginamit pang sulat

"Ang basa niyan ay "

"Fatum est decernere quae ad RESCRIBO amor inter duos qui nomine et Khanate Forexein"

"Salitang Latin iyan na ang ibig sabihin ay

-ang tadhana ang siyang magpapasya kong maisusulat muli ang pagmamahalan ng dalawang taong nag ngangalang khanate at Forexein "

Sold To A Vampire ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon