This will be going to be the flashback of the story in year 1906 when Khanate and Forexien met in Vigan and end in year 1908 noong pinanganak niya si Foureid at mamamatay siya
Kong saan lalabagin niya Ang isang bawal para Makita ang mag ama niya ulit sa hinaharap
So yun enjoy reading !!!!!
"Hindi ko mawari kong bakit Mo pa ako isinama upang Makita ang ginoong iyan binibini ?"
Marahang ngumiti si Forexein ng Makita ang lalaking kanyang hinahangaan nakatayo ito sa isang gilid ng silid aklatan at nagbabasa ng libro kasama ang kaibigan nitong si Lorenzo
"Binibining Rex ipinagbabawal ng iyong ama na pumunta tayo rito sa silid aklatan natatakot na ako para sa kaparusahang i-aatang sa akin kong malaman nilang isinama mo ako sa iyong kahibangan sa ginoong iyan "
"Kakaiba na nga Ang iyong ngalan ay ganun rin pala ang iyong paguugali at tipo ng isang lalaki "
Hindi pinansin ni Rex ang naiiyak na niyang taga paglikod Bastat Makita lang niya Ang kanyang hinahangaang ginoo ay masaya na siya
Ang tignan ito sa malayo ay siyang pinaka magandang gawin Hindi niya ito malapitan sapagkat wala siyang lakas ng loob na puntahan ito at kilalanin
Bastat Nakita nalang niya ito noong isang araw na dumating sa bayan nila sakay ng kalesa at nakatira sa isa sa mga malalaking tahanan sa Lugar nila
Ang pamilya nila ay nabibilang sa maharlikang pamilya gaya niya ngunit napaka hina ng kanyang loob upang lapitan ito at magpakilala rito bilang siya
"Balita ko ay Khanate ang kanyang ngalan usap usapan siya sa ating bayan sapagkat sadyang napaka kisig at matipuno nga niyang lalaki ..Hindi kaba nahihiwagahan kong sino siya at kong bakit sila narito ?"
Sa haba ng sinabi ng kanyang alalay isa lang ang tumatak sa kanyang isipan ito ay ang ngalan nitong Khanate
'kay gandang ngalan ' bulong niya sa kanyang sarili
Ngunit agad ding nawala ang kanyang ngiti ng malamang lahat ng kababaihan ay nabighani sa kanyang kakisigan
"Kung ganoon ay marami kaming magpapaligsahan upang makuha Ang kanyang loob ...ganoon ba ?" Tanong Niya sa kanyang alalay
Habang palabas sila ng aklatan
"Ganoon na nga Po binibini kaya malabo rin na makuha mo ang kanyang atensyon "
Napabuntong hininga nalang siya at wala sa sariling naglakad sa daan
Nalulungkot siya sa isiping marami pala sila mahihirapan ngang talaga siyang makuha Ang atensiyon ng ginoo at makilala pa ito ng husto
Siguro ay ititigil na niya ang pagka gusto para sa ginoo Hindi rin naman siya mapapansin nito
Nalulungkot siya sa isiping iyon , iyon na nga lang Ang dahilan ng kanyang pag ngiti ay ipagkakait pa sa kanya ang dahilan kong bakit siya ngumingiti
Habang naglalakad siya sa gilid ng kalsada ay sinasalubong ng kanyang palad ang mga bulaklak sa mga masetera na nasa gilid ng kalsada
BINABASA MO ANG
Sold To A Vampire ✓
Fantasia[COMPLETED] "Paulit ulit kong isasangla ang kaluluwa ko sa impyerno Forexein maramdaman ko lang ang ganitong saya sa Buhay ko at sisiguraduhin kong tutubusin ko iyon sa araw na mawawala kana sakin , pero hindi ko atta kakayanin kong mawawala ka saak...