—Naiane's Points of view
Matapos naming mag-Lunch sa Cafeteria ay umalis na kami doon para pumasok sa Pang-hapon naming klase. Hindi ko pa din maiwasang isipin king bakit gan'on makatingin yung lalaki sa akin na para bang may utang akong 'di nababayaran? Kung Mangungutang man ako ay hahanap agad ako nang paraan para makabayad no!
"Oh, Lutang ka na naman? 'Di ka maka-get over sa lalaking 'yon no? "Nakangising sabi sa akin ni Zypryl na ikinabusangot ko.
Kanina pa nahiwalay sa amin si Reigh.
"'Wag ka nga'ng Busangot nang busangot diyan! Nagmumukha kang aso eh! "Natatawang ani niya. Bubusangot na sana ulit ako nang maisip na baka Nagmumukha nga akong aso 'pag nakabusangot.
"Che! Ang Harsh mo talaga sakin kahit kailan! "
Sigurado ako na hindi pa umaalis yung tatlong lalaki'ng 'yon sa Cafeteria dahil nung umalis kami ay nandon pa din sila sa loob.
Humahagikhik pa sa tabi ko si Zypryl habang ako ay Nakabusangot ulit.
"Alin ba doon ang Crush mo? Ha? Naiane? "Pangungulit sa akin ni Zypryl na ikinapula nang pisngi ko. Anong Crush ang pinagsasabi niya?
"A-anong Crush ang P-pinagsasabi mo? Zypryl! Hindi ko pa nga kilala yung tao. Tapos Crush agad? Ano ako? Haliparot? Woy, isa pa 'wag mo nga'ng lakasan ang boses mo baka May Makarinig sa atin at Sabihin na ang pangit ko namang Admirer! "Padabog akong naglalakad.
"Hahahaha! Defensive Masiyado Naiane. "
Hindi ko na siya tinignan pa at baka Mabalibag ko pa itong babae'ng 'to. Leche talaga kahit kailan.
"Pareha talaga kayo nang pinsan mo. Ang iingay! Saan ba kayo pinaglihi pareho? Sabihin mo nga sa Tambutso ba o sa Elephante? Ha? "Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa klase namin.
Hindi ko siya magawang tignan dahil baka Masapak ko na siya! Nang makita ko naman siya na pumapantay sa lakad ko ay Napapansin ko ang sunod-sunod niyang paglunok at Pagkabalisa.
"Woy, Anyare sa 'yo?! "
Lunulunok siyang tumingin sa akin saka pinandilatan ako nang mga mata. Ano na namang problema nang bruhildang 'to?
"Natatae ka ba? "Natatawang ani ko.
Hinawakan niya ako sa siko saka ako binulungan.
"Wag ka'ng M-maingay.. Bilisan n-nalang natin m-maglakad. "Medyo nanenerbiyos niyang sabi kaya napalunok ako. B-bakit naman namin bibilisan ang lakad namin?
Hindi kaya..
Hindi kaya may aso?
Agad akong namutla sa inisip. Pilit kong itinatatak sa isip ko na 'wag tatakbo 'pag may aso. Dahil kung hindi baka susundan kami nito at hahabulin. Bata pa lamang ako ay ayaw ko na sa aso. Natrauma na ako dati dahil sa tumatakbo kasi ako nun tapos bigla ding tumakbo at humabol yung aso at sinundan ako. Mabuti na lamang at madali akong nakapasok sa loob nang bahay non. Pero 'di ako makapagsalita at nanginginig ang kamay ko saka hinimatay.
YOU ARE READING
It is Called Revenge(Life series #1)
RomanceNiana is a kind girl, and a Smart. Walang namang ibang Mali sa pagkatao niya. Kundi ang Mukha na meron siya. Puno nang tigyawat, Medyo Magulo ang buhok. Maganda ang kaniyang panloob ngunit baliktad naman sa Panglabas. Bagaman pangit siya, ay okay...