CHAPTER 3

1 3 0
                                    

—Naiane's Point's of View

"Wow!ngayon ko lang napansin.nagmumukha ka nang mature Naiane!"Sabi ni Zypryl habang tumatawa. Napabusangot naman ako. Bakit? Mukha ba akong Immature dati? Ha?

Inismiran ko nalang siya at Mas lalo lamang siyang tumawa. Leche.

Nang makarating kami sa LU ay Naramdaman ko agad ang mga Mapanuri, Nakakainsulto at Nandidiring tingin nila sa akin. Bumuntong hininga nalang ako. Walang pinagbago. Ano pa ba?

Nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob mismo nang Eskuwelahan ay agad akong yumuko. Narinig ko agad ang kanilang mga Pang-iinsulto, Pandidiri at Mga Halakhak mula sa kung saan. They're always like that kaya bakit pa ako magtataka?

"Tch, Malalaki na sila Nambubully pa rin? Immature. "Asik ni Zypryl sa tabi ko Nakita ko siya sa gilid nang aking mata na sumulyap sa akin.

"Hayaan mo na sila Naiane, May tigyawat na nga ang Mukha mo ingit na sila. Pano pa kaya kung wala na iyang pimples mo? Aba! A-abroad na 'yan sa ingit 'yang mga 'yan! Atsaka tingnan mo oh, Medyo Nawawala na.. "Namamanghang sabi niya.

Huminga ako nang Malalim atsaka siya binalingan.

Nang maalala kong magkaklase kami ni Zypryl ay Laking tuwa ko 'non. Mas mabuti 'yon para may makakasama ako palagi. Hehe.

Magkaiba ang STEM, ABM, GAS, etc na building tanyag din naman kasi ang Paaralan na 'to kaya Napakadaming Buildings. Nang Makarating naman kami sa Klase namin ay Narinig ko agad ang mga panlalait nila sa akin na Nakasanayan ko na.

"Feeling gwapa sab ning mga kurimaw, o. " rinig kong asik ni Zypryl sa ibang lenguahe na hindi ko maintindihan. Nagsimula ang klase namin na walang ibang Nangyari kundi ang Pagpapakilala at isang surprize Quiz sa Science. Mabuti na lamang at nag-advance study ako nung Summer. At siyempre dahil doon Ako ang highest sa aming lahat. Ayan na naman yung mga Mapang-lait nila tingin na hindi ko na pinansin.

Nang Matapos ang klase sa Umaga ay Niyaya na ako ni Zypryl sa Cafeteria. Hindi na ako tumangi pa. May biglang tumawag sa kaniya kaya lumabas muna ito para sagutin ang tawag habang ako ay abala sa Pag-aayos nang mga gamit ko at pilit ko din pinag-siksikan ang Mga bago naming libro.

"Tch, Pabida. "

"Akala mo naman maganda mukha namang Basura. "

"Angaganda natin lahat, Kaya bakit siya nandito? Ano siya? Naligaw? Hahaha! "

Habang pilit pinagsiksikan ang mga bagong libro ko sa loob nang bag ay Naririnig ko ang mga panlalait nila sa akin. Nasanay na ako pero minsan ay Nasasaktan pa din ako. But it's okay, I can handle the pain. I am used to it by the way.

Bago sila lumbas ay sinadya nilang banggain ang balikat ko kaya medyo Napaatras ako.

Nang makalabas sila ay Napabuga ako nang hangin. Unang araw pa lang sa pasukan. Nambubuwesit na 'tong mga 'to.

It is Called Revenge(Life series #1)Where stories live. Discover now