Ash P.O.V.
"Erp,ano iyan?Pauso mo?"ani ni Dawn.
Agad ko namang hinawakan ang labi ko na tinutukoy nya at saka dumaing.
Hanep na babae,pingasan ba naman ang muka ko.
"Dawn,what the hell are you doing here?"baling ko sa kanya.
Naabutan ko lang naman sya sa kwarto ko.Well ugali na talaga nya ang maglamas-masok sa bahat at kwarto ko,nandito man ako o wala.I need to change my pad's lock combination.
"Nagpapahinga."ani nito saka humilata sa Kama.
"May sarili kang bahay,duon ka mamahinga!"bulyaw ko dito habang nagsisimulang magbihis.
"Hoy!Abay mahiya ka sakin,napaka virgin pa ng mga Mata ko,bakit ka naghuhubad sa harap ko----------Aw!masakit yon!"reklamo nya ng ihagis ko sa kanya ang hinubad kong pang itaas.
"Kadiri ka erp!Panay pawis mo to eh!"saad pa nito bago inihagis ang damit sa laundry bin.
"Bakit ka ba kase nagpapakalat kalat dito?!"hinarap ko sya habang nagbibihis.
"Saludo na talaga ako kay Vall isipin mo patay na patay sayo yung tao tapo nagawa ka pa nyang pingasan"tatawa-tawa nitong saad.
"Hindi si Vall ang gumawa nito."
Humarap ako sa salamin at napailing.Anong klaseng babae kaya ang kayang manapak ng ganuon kalakas?
She was wearing clothes that were not feminine at all,pero alam kong babae sya.Isang cute na babaeng umaapaw ang angas sa katawan.
Naalal ko ang itsura nya matapos ko syang halikan.
I wonder if it was her first kiss
Napangit ako sa isiping yon.Kaya siguro ganoon na lamang ang reaksyon nya sa ginawa ko.
"Alam mo erp,ikaw lang yung lalaking nasapak na pero nagagawa pa ding ngumiti."saad ni Dawn.
Napabalik ako sa reyalidad bago hinarap ito.
"Magandang babae ba?Ipakilala mo namn sakin,single ako----------"
Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita ng bigla kong itulak ang mukha nya gamit ang palad ko.Saka ko kinuha ang wallet ko at naglabas ng limang libong papel.
"Ito ang cash ko,magkano ba ang uutangin mo at mag w-withdraw ako ngmakalayas kana?"saad ko dito.
"Ang sakit mo naman magsalita best friend,ganyan ba kababa ang tingin mo sakin?"umakto pa syang nasasaktan.
"Ayaw mo?"winagayway ko ang pera
"Pero hindi talaga ako tumatanggi sa kawang-gawa e."ngumisi sya saka hinablot ang perang hawak ko."Pero hindi talaga eto ang pakay ko"dugtong nya.
"Kulang pa?Sige magkano at mag w-withdraw ako."
"Erp,hindi talaga pera ang ipinunta ko eh."umakbay ito bago muling nagsalita"I need your charm this time erp."
YOU ARE READING
Unexpectedly inlove
أدب المراهقينMinsan kailangan nating gumawa ng pagkakamali para makita natin ang true love. Pero hindi lahat successful. Hindi lahat masaya.Siguro sa umpisa. Kase sa bawat kamalian,may bagay o Aral na dapat tayong matutunan.