Nonsense 20

5 2 0
                                    

SHANELLE'S POV

Matapos kong lumamon ng tanghalian, ipinaligpit ko na kay Maria yung pinagkainan ko. Humanda ka ngayon, kakawawain kita. >;)

I'm not that bad no! Siya kaya.

Ampait-pait kasi ng kapeng binigay niya. Sino bang amo ang masisiyahan nun? Tss.

Well, gawain niya naman yung pagliligpit eh. Kaya, no problema's. XD

Umakyat na ako sa kwarto at naghanap ng damit. Baka papunta na dito yung gung-gong.

Teka..

Ano bang isusuot ko sa lakad namin? San ba kami pupunta? Ano'ng mga gagawin namin? Angkop ba dun ang isusuot ko?

Teka nga.. ba't ko ba pinoproblema yun?! Tss.

Sa tagal ng pagtingin ko sa walk in closet ko, ang nakuha ko?

Denim jeans, rubber shoes at black t-shirt.

O diba, ang ganda!

Galing kong pumorma.

Naligo na ako at nagbihis.

Kasalukuyang nagsusuklay ako ng biglang may kumatok sa pinto ko.

''Who's that?'' tanong ko na di parin binubuksan ang pinto. Tinatamad ako eh. Baka si Maria lang 'yun at makiki-tsismis kung saan ako pupunta.

Walang sumasagot pero patuloy parin sa pagkatok kung sinuman yun. Aish. Kainis.

''Ano ba Maria! Ikaw ba yan?! Ano nanamang kelangan mo?!'' sigaw ko. Malilintikan talaga 'yun kapag siya ang makita kong kumakatok.

Tumayo na ako at inis na binuksan ang pintuan.

''Ano bang kela---'' nagulat ako ng si Jasper ang bumungad saakin na ngiting-ngiti.

''Miss me?'' sabi niya na todo ngisi.

''Oh! Shut up!'' sagot ko.

Bigla siyang humakbang papunta saakin kaya't napaatras ako at nakapasok siya.

''Hoy! Sinong nagsabing pwede kang pumasok sa kwarto ko!?'' singhal ko sakanya. Bigla-bigla nalang kasing pumapasok eh.

Isa pa'to! Langhiya.

Nagkibit-balikat lang siya at naglakad patungo sa kama ko at komportableng nahiga.

''Ay langya talaga! Parang sa'yo 'tong kwarto ko ah!''

''Hmm. Pwede rin. Kanta ka ba?'' sabi niya na nakapikit at yakap-yakap ang teddy bear ko.

Aba may baong banat, pero ayoko na. Purgang-purga na ako sa mga kakornihan niya. Alam ko naman na nonsense nanaman ang ihihirit niya. Walang katuturan.

''DON'T! Ever try to continue!'' pagpipigil ko sakanya. ''Please lang! Tantanan mo na'ko sa mga banat mo! Nakaka-umay na!'' reklamo ko sakanya. Please lang! Tumalab ka!

''Hahaha. Okay fine. Wala ng banat.''

Hay salamat! No more corny lines.

Tumayo ako sa harap niya na nakapameywang. Takte. Ano ba ang pinunta niya dito? Ang matulog sa kwarto ko? Edi sana hindi nalang ako naligo. Tsk. Gastos din sa labahan ang pambahay kong damit no. LOL. :-P

''Ehem-ehem! So? Nagpunta ka lang ba dito para matulog?'' pagtataray ko.

''Hmm. Pwede rin. Parang yoko ng umalis. Dito nalang kaya tayo. Makita lang kita, okay na'ko eh.'' *wink* takte! Wala ngang corny lines pero cheesy lines and gestures meron.

Napasinghap ako sa asar. Psh. Patience pa Mikee matatapos rin ang araw na'to.

''Ano ba Jasper!!'' singhal ko.

Bigla naman siyang napabangon na nakangiti.

''Whoa! First time mo'kong tinawag sa pangalan ko ah!'' masaya niyang sabi.

Oo nga no? Tinatawag ko lang siya sa pangalan niya sa isip ko.

''Ulitin mo nga..'' parang bata niyang sabi. Sarap sapukin.

''Yoko nga! Tara na nga!'' sabay hila ko sakanya. Mukhang walang balak umalis eh.

-

Malapit na kami sa pinto nang humaharurot na lumapit sa'min si Maria.

''Ay ma'am ang pogi po ng boypren niyo grabe keleg!'' sabi niya sabay look-up pa na mukhang nag da-day dream.

Lul. Mga may sayad ata ang nakapaligid saakin ngayon ah. Eto namang kasama ko, ngiting aso.

Hindi ko na pinansin si Maria at talagang palabas na ng magsalita nanaman siya.

''Ay Ma'am saan---''

Binalingan ko siya ng inis na inis kong tingin.

''Sige ituloy mo 'yang tanong mo at pagiging intrimitida nang magkaroon ako ng dahilan para sisantehen ka!!'' sigaw ko sakanya.

''Bwiset!!'' pahabol ko pa. Sarap lang maging kriminal 'pag yun ang kaharap mo eh.

''Grabe. Ang maldita mo talaga.'' then he chuckled.

''Who cares?''

''Not me either. Tanggap kita maging sino ka man.'' -________-

Alam niyo kung baket ganito mukha ko?

Kinanta niya lang naman po. -n-

Di na nahiya. Panget ng boses.

''Shattap please!''

''Haha. Get in.'' sabay bukas pa niya sa pinto ng sasakyan niya.

Pumasok naman ako. Nasa malapit ako sa driver's seat.

Nagsimula na kaming umalis pero ang tanga ko lang..

-

Di ko manlang natanong kung saan kami pupunta. TTvTT

-------

My Nonsense ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon