Nonsense 18

6 2 0
                                    

SHANELLE's POV

''A-art.'' marahan kong bigkas dahil patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko.

Takte! Sht. Ayoko nito! Ayoko na! Ba't ba ganito parin ang nararamdaman ko?

All these years na naging matapang ako sa isang iglap biglang nawala. Parang bumalik sa dati.

Ayoko nang maging mahina.

''Elle.'' malambing niyang bigkas sa pangalan ko.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

Pumikit ako at nginitian siya.

''So, nagbalik ka na pala. Welcome back!'' sabi ko. Ganyan nga Mikee. Ipakita mong nagbago ka na.

''Elle, let's talk.'' marahan niyang sabi at nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa braso ko para magkatinginan kami.

Eye to eye pala ha.

Tiningnan ko rin siya sa mata.. Ng seryoso.

''Don't Touch Me.'' madiin kong sabi sakanya.

Bumuntong-hininga siya bago ako binitawan. Kasabay naman nun ang pagtunog ng cellphone ko.

Alam ko na naman kung sino ang tawag ng tawag sa akin. Sinagot ko iyon nang nakatingin parin sa mga mata ni Art.

''Sunduin mo na'ko. Please.'' mahina kong sabi. Hindi ko alam kung saan nagpunta ang boses ko para ganun magsalita.

''Okay babes. Sabi mo eh.'' masigla niyang sagot na para bang naging comfort saakin. Positive kasi ang aura niya. Kung hindi lang siguro intense ang sitwasyon napangiti na ako kanina pa.

Kasabay ng pag end ko ng call ang pagdating niya.

''Oh babe tara na. Kanina pa kita sinusundo eh. Dapat hindi ka nag b-bar. Tara na nga.'' sabi niya atsaka ako inakbayan.

Tinalikuran ko na siya at tumingala kay Jasper habang naglalakad. Taas eh.

''Thank you.'' mahina kong sabi.

''You're always welcome.'' he gently whisper against my ear.

Doon ko lang napagtanto..

His voice is my comfort.

My Nonsense ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon