Indulging Flames Part 1

207 3 0
                                    

TAKIPSILIM na ang kalangitan nang mapagpasyang tiklupin ni Agaphy ang kanina pa niyang binabasang sulat at ilagay iyon sa isang sobre. Hindi niya mawari kung ano ang dapat niyang maramdaman matapos basahin ang nilimbag niyang liham. Tama kaya ang mga naisulat niya?

Tama kayang magtapat na siya ng kanyang totoong damdamin para sa taong hindi pa niya nakikilala sa personal? Sa taong hindi pa niya nakikita?

Halos tatlong taon na siyang nakikipagpalitan ng liham sa taong nagngangalan ay Callid. Tila isang misteryoso ang kanilang pagkakakilanlan sapagkat sa pamamagitan lamang ng sulat sila nag-uusap. Tuwing gabi bago siya matulog ay nag-iiwan siya ng liham sa sanga ng punong mangga na nakatayo sa kanyang bakuran bilang tugon sa iniiwan nitong sulat tuwing bukang-liwayway. Pagkakagising niya ay agad niyang dinadayo ang puno para basahin ang sulat nito. Halos lahat ng liham nito ay nagdadala ng mainit na sensasyon sa kanya. Puno ng sinseridad at pag-aaruga.

Tulad na lamang ng huling liham nito sa kanya. Na talagang nagbigay ng ibayong kilig at tila kiniliti ang kanyang buong kaluluwa. Subalit may halo rin iyong kaba at pangangamba. Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil takot siyang baka ang lahat ng kanyang nararamdaman ay isang imahinasyon lamang.

Dear, Agaphy.

Hindi ko na pahahabain pa ang matagal ko nang nais sabihin sa'yo. Mahal kita, Agaphy. Iniibig kita. And I hope you'll believe me because there's one thing that I'm sure of. Every time our eyes meet, I know you're the only one I've been waiting and longing for. The blue serene in your eyes contrasts the red flame in mine, enormously different but perfectly united.

Love lots, Callid

Warmth. Hindi niya maikakaila na sa buong buhay niyang naninirahang mag-isa, ngayon lang siya nakaranas ng mainit na pagyakap, hindi man sa kanyang pisikal na katawan, pero sa kanyang puso.

Tila diumano'y lalong sumidhi ang kagustuhan niyang makita si Callid dahil sa nabanggit nito na n'on pa ma'y nagtatama na ang kanilang mga mata. Nagdadalawang-isip siya kung paniniwalaan niya ba ang sinasabi nito dahil wala siyang matandaan na may nakilala siyang Callid sa kanilang baryo. Ilang beses na niya ring sinubukang magtanong-tanong kung may nakakakilala rito pero nabigo siya.

"Agaphy!"

Napatigil na lang siya sa malalim niyang pag-iisip nang may tumawag sa kanya mula sa gate ng kanyang bahay. Agad niyang nilabasan ito at nakita niya ang kanyang kapitbahay na anak ng kapitan sa kanilang baryo.

"Alexander! Napadayo ka." binuksan niya ang gate para salubungin ito.

Minsan na rin itong nanligaw sa kanya pero tinanggihan niya ito. Itinuring na niya kasi itong kapatid simula nang makilala niya ito sa Home for Little Angels, isang bahay-ampunan sa kanilang baryo kung saan siya lumaki, nang minsang bumisita ang ama nito na ilang taon na ring tumatakbong kapitan.

"Pasensya na kung gabi na ako nakabisita. Nagluto kasi si inang ng panghapunan. Inutusan akong dalhan ka tutal may ipinapabigay din si itang." inabot nito sa kanya ang isang supot at isang brown envelope.

Sinilip niya ang laman ng supot. Sumalubong agad sa kanyang ilong ang amoy ng laman n'on. Dama niya bigla ang pagkalam ng kanyang sikmura.

"Paborito mong afritada ang niluto ni inang. Sigurado akong magugustuhan mo 'yan."

Napangiti na lamang siya. "Maraming salamat ha. Tiyak na mabubusog ako nito." Binaling niya naman ang atensyon sa hawak na envelope. "Ano ito?"

Napakamot na lamang ng ulo si Alexander. "Hindi ko pa nakikita kung anong nilalaman niyan. Sa totoo lang, pinagbawalan ako ni itang na tingnan iyan."

Indulging Flames (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon