Indulging Flames Part 2

142 3 3
                                    

UMAGA na nang magising si Agaphy. Natagpuan na lamang niya ang sariling nakahiga sa isang napakalambot na kama. Nang ibangon niya ang kanyang katawan ay napangiwi siya nang maramdaman ang sakit na tila binugbog siya. Dinaig pa n'on ang pakiramdam niya bago gumaling ang kanyang mga paso at sugat kagabi.

Inalala niya ang lahat ng pangyayari kagabi. Ang sunog sa kanilang baryo. Ang pagligtas kay Alexander at sa mag-asawang matanda. Ang pagkaligaw niya sa Gubat ng Bermuda.

At ang pakikipagtalik niya sa lalaking hindi pa niya kilala sa maliliit na lawa sa ilalim ng maliwanag na buwan.

Teka. Hindi ba dapat niyang sabihin ay pinagsamantalahan siya ng estrangherong lalaki? Eh bigla na lang siya nitong ginapang n'ong naliligo siya sa lawa! Ni hindi man lamang niya ito kilala.

At nagpagapang ka naman 'di ba? Sarap na sarap ka pa nga kagabi. nais niyang sampalin ang sarili dahil sa katotohanang kumudlit sa kanyang isipan.

Lumingon siya sa paligid para tingnan ang kinalulugaran niya. Doon niya lang napagtantong nasa maliit siyang bahay.

Una niyang hinanap ang kanyang mga damit. Pero ni isa n'on ay wala siyang nakita. Nayayamot niyang kinuha ang manipis na kumot sa kama at iyon muna ang ipinulupot sa kanyang katawan. Muli siyang napangiwi nang tumayo siya at agad na napahawak sa bedside table nang muntik siyang matumba. P*cha. Ang hapdi ng ano niya.

Sumilip siya sa may bintana nang marinig ang mga huni ng ibon mula sa labas. Saka niya lang napansing nasa isa pala siyang tree house. At nang silipin niya ang ibaba, nandoon ang maliit na lawa.

Pumasok bigla sa isipan niya ang larawan ng litratong natanggap niya kagabi.

Bago pa man lumalim ang kanyang pag-iisip, narinig na niya ang pagbukas ng pinto. Dahil iisang kwarto lamang ang bahay, natanaw niya agad ang taong pumasok sa loob.

Nais niyang mainggit sa suot ng kararating na lalaki. Ang damit na suot nito ay balot na balot kahit pa may kainitan ang panahon. Hindi ba 'to naiinitan?

The man was wearing an emerald green hooded jacket, with black v-neck shirt inside and paired with maong pants. He's also wearing shoes which made her feel more frustrated for wearing nothing underneath.

At lalong nakakapagtaka lang dahil ang pareho nitong kamay ay may suot na black cotton gloves.

Wew. Nevermind his taste of fashion. Sino ba siya para husgahan ito?

Kung hindi siya nagkakamali, ito yung estrangherong gumalaw sa kanya kagabi.

"Hello, sweetheart!" bati nito ng may matamis na ngiti. "What a great day to start a morning..." pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa niya. "...lalo na kung ikaw ang makikita ko sa ganyang pananamit."

Ayyy p*cha.

Pinamulahan siya ng mukha. Dala ng hiya, agad niyang kinuha ang vase na nakapatong sa bedside table para sana ipanghambalos dito.

Natawa ang lalaki dahil sa inasal niya. "Easy, Agaphy. I won't bite you even if I want to." sabay kindat nito sa kanya. Binaling na nito pagkatapos ang atensyon sa bitbit nitong supot at nilagay nito iyon sa lamesa.

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig niyang banggitin nito ang kanyang pangalan. "How do you know me? Wala akong maalalang nakipagkilala ako sa isang katulad mo."

Saglit itong natigilan. Kinabahan na lang siya nang iwan nito ang ginagawa at naglakad palapit sa kanya.

"H-Huwag kang lalapit! D'yan ka lang! Kung hindi, ihahagis ko sa'yo 'to." banta niya rito habang mahigpit ang kapit niya sa vase.

Indulging Flames (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon