CHAPTER 1

5 1 0
                                    

Jel's POV

"Anxiety disorder has five major types, one of those is social anxiety also known as social phobia"

Tatango tango naman ang mga kaklase ko na akala mo talaga ay nakikinig sa gurong nasa hatap, may iba pa na nag susulat at ang iba ay nagtatype sa kani kanilang laptop. Wow! Sosyal ah? Makigaya nga minsan.

May iba naman na natutulog sa ibabaw ng kanilang mesa, may naglalaro ng online games at may nagmamanicure. Ginawa pang parlor ang classroom. Mag TVL nalang kaya sila? Yung pang beauty² ang major ba yun? Bagay sa kanila eh. Minsan ay natatanong ko nalang ang sarili kung classroom ba itong napasokan ko o tambayan ng mga estudyanting walang magawa sa kanilang buhay.

"Do you know that social phobia is a mental health condition?"

I can't stop my eyes to roll dahil sa sinabi ni miss. Malamang sa malamang! Baka pag sa cardiovascular deseases list nalagay yan eh ewan ko nalang. Baka pati doctors ma praning din. Napahagikhik ako sa naisip. Basic miss!

Charot lang.

I looked outside the window when I noticed that some students are running towards the field. Anong meron? May nagrarambolan ba? O may artista na naligaw dito sa campus namin? Oras ng klase eh dapat walang studyante na nagpapagala gala dito sa campus. Yan ang rule ng aming paaralan. Power din tong mga to eh! Di takot mapagalitan o ma guidance. Salute!

Pinagsawalang bahala ko nalang ito at tinuon ang pansin sa nagsasalita sa harap. Total, d ki naman pasanin ang mga yan kung mapagalitan sila ng councilor.

"It is an intense, persistent fear of being watched and judged by others. This fear can affect work, school, and your day-to-day activities. It can even make it hard to make and keep friends."

Napatango ako sa sinabi ng aming guro.

In short praning! Isip isip ko.

Ang hirap din siguro makasama ang taong may ganitong sakit kasi kahit di mo sya tinitingnan ay pagbibintangan kang nakatingin sa kanya o di kaya sinusundan mo sa kung saan. Ginawa pa tayong stalker eh. Mahirap din yun sa part nila syempre. Ikaw ba naman lageng praning? Parang lagi kang takot na may mangyayari sayo. Hagisan mo lang ng maliit na bato yang mga yan, aakusahan kanang mamamatay tao. Swear! Pag ako na biktima nyan makakasapak ako!

I saw Tim raised her hand. I'm sure na cocurious nanaman ang babaeng to. Kailan nga ba hindi? Hihi parang pusa eh. Sabi nga nila, curiousity killed the dog.

"What triggers social anxiety miss? What age ito nag sa-start? And paano po malalaman pag mayroon kang social phobia? Anyone can have it right?"

I can't stop my eyes to roll again. Seriously? It's okay to ask but pwede naman siguro isa-isa lang diba? Di ka ma uubusan ng oras ateng. Tsaka ang obvious ng huling tanong nya. May matanong lang te? I heared our teacher chuckles. Oh diba pati si miss natatawa! Epik talaga minsan mag tanong to eh.

"To answer your last question Miss Nase, yes. Anyone can have it. Kadalasan na mayroon nito ay mga edad trese pataas. Past experience and environments can cause social phobia. Excessive social isolation like studying alone in academic enviroments, a childhood with parents who are over protective, controlling, restrictive or anxious, traumatic bullying, and emotional, physical, sexual or verbal abuse can also trigger social phobia."

Mahabang paliwanag ni miss sa amin. Alam nyo, naniniwala ako sa kasabihang, too much love from parents can cause death to their child, well sobra siguro ang death. Kalerke

Akala kasi ng ibang parents na tama lahat ng ginagawa o pinapagawa nila sa kanilang anak, yung iba nga di na nila alam na sobrang controlling na pala nila, kaya yung ibang bata naglalayas, buti nga di sila napapraning eh. Sa sobrang higpit ng parents mo sayo, mas gugustuhin mo nalang mag-isa. Buti nalang di ako naging ganyan. Hindi naman sa controlling yung pamilya ko pero parang ganun na nga. Minsa nakakalimotan na din nilang itanong yung nga gusto natin kasi lage nalang yung gusto nila ang masusunod. Yung iba pa, kahit andami na ng pinag dadaanan ng anak nila ay sinasabihan lang ito ng over acting o d kaya d na papansinin. Kaya may iba talang kabataan na na papraning. Hihi

NOS IGNOTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon