Nang ma kompleto na kami ay nagsalita na si kuya chief.
“Can you tell us your deduction kids? And please tell us if you already know the culprit. Hindi na kayo dapat pa na magtagal dito dahil malapit nang dumating ang iba ko pang kasamahan, baka makita pa kayo and I know you have classes to catch.”
Napabuntong hininga na lamang ako, kailangan na pala talaga naming tapusin to. Ayoko rin namang mapagalitan si kuya chief dahil sa amin.
Kuya chief is just a normal police officer, hindi sya ang cheif of police pero yun ang tawag namin sa kanya dahil naniniwala kami na mararating rin nya ang posisyon na iyon balang araw. Mga supporter nya kami kumbaga. Palagi nya kaming sinasama sa mga kasong hinahawakan nya at binaback-upan sa lahat ng gusot na pinapasokan naming magkakaibigan. Hindi naman kami ganun ka bad, slight lang.
Tilutulungan nya kami lalo na kapag may kaso kami na gustong lutasin pero ayaw kaming palapitin ng ibang police, lage syang tumutulong para makapag imbistiga parin kami. Cool nya nu?
Kahit naman na may ibang police officer na humingi ng tulong sa amin ay may iba parin talagang may ayaw at palagi kaming pinapalayas sa crime scene or worse ay binibigyan pa kami ng free ticket, trip to police station. Kaya ang swerte naming magkakaibigan dahil simula nang sinimulan namin ang karerang to ay may isang tao talagang handang gumabay, sumupurta at naniniwala sa aming kakayanan. Kadalasang nangyayari kasi kapag ibang officer ang kaharap namin ay kung hindi kami pagtatawanan ay mamaliitin. Kaya the best tong si kuya cheif eh!
Magsasalita na sana ako nang biglang tumawa ang bestfriend kuno ng biktima. Tinaasan ko naman ito ng kilay. Anong problema ng doctor nato? Sarap bigwasan ehy! I'm sure mamaliitin lang kami ng isang to.
“Nagpapatawa ka ba? Ano naman ang magagawa ng mga batang yan? Baka kung sino sino nalang ang ituro ng mga totoy nato?”
Sabi ko na nga ba eh! Ngumiti lang si kuya chief sa kanya at tinangoan kami bilang senyalis na magpatuloy sa pagpapaliwanag. I just smirked at him. We don’t have time for his sh*ts in life. Magreklamo sya sa sarili nya! Kaloka to. Totoy pala ah? Tingnan natin kung anong maging reaksyon mo kapag isiniwalat na namin kung sino ang salarin.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Isa sa inyong tatlo ang pumatay kay Mr. Macaraig.”
Walang ka gatol-gatol na wika ni Jin. Lokong Jin to. Inunahan pa ako.
Pero sige, ibigay muna natin sa kanya ang spotlight. Humarap sya sa mag kasintahan at sinimulan na itong tanungin.
“I asked you two a while ago why you are here. Sabi nyo ay nag check-in kayo sa hotel nato 1 hour before dumating ang biktima. Sa 5th floor kayo at saktong sa baba lang ng room nato ang room ninyo tama?”
Tumango naman ang babae sa sinabi ni Jin. Nakita ko pa kung paano humigpit ang hawak nya sa kanyang kasintahan. Toko ka ghurl? Kapit na kapit?
“Nalaman ninyo lang na patay na ang biktima nang naki-usisa kayo sa floor nato dahil nagkakagulo ang mga tao. Nasaan kayo noong nagaganap ang krimen?”
Tanong ulit ni Jin sa kanila.
“Nandito lang kami sa kwarto magdamag hanggang sa nakarinig kami ng ingay mula sa labas. Noong una ay hindi lang namim ito pinansin dahil baka may nag popropose o nag aaway lang sa labas. Makalipas ang ilang minuto ay narinig namin ang serina ng mga pulis. Dahil sa pagtataka ay umakyat nga kami dito at nalaman na patay na ang kapatid ko. Ni hindi ko nga alam na nandito sya eh.”
Bigla naman umiyak ang kapatid ng biktima kaya kaagad na hinimas ng nobyo ang kanyang likod. May binubulong bulong pa ito na sila lang din ang nakakarinig. Naging bubuyog sya bigla! Tinitigan ko ng maigi ang magkasintahan hanggang sa marinig ko ang boses ni Tim.
BINABASA MO ANG
NOS IGNOTOM
Mystery / ThrillerA group of students are trying to unveil the truth behind the death of their teacher, later on finds out that it's not a simple stab that cause their teacher's life. They are after the truth while the culprit is after their lives. In a battle where...