2 - Tips

907 77 24
                                    

Chapter 2

Napahinga ako ng maluwag nang makitang may suot siyang boxer. Napalunok ako ng sariling laway at binaling ang tingin ko sa pader. Hindi agad ako napaiwas ng tingin dahil sa bilis ng kilos niya. Kung wala lang siyang suot sa loob ay baka nakita ko na ito.

Tinapik ko ang magkabilang pisngi ko ng dalawang ulit at nagpakawala ng buntong hininga. Kailangan ko ng masanay. Hindi ko maiiwasan ang ganitong sitwasyon dahil all-boys school ang pinasukan ko. Marami akong mararanasan dito na hindi dapat maranasan ng katulad kong normal na babae huhu.

"Yun Matier."

Nabaling ang tingin ko kay Sir at muli akong napalunok ng laway nang makita ang masamang tingin niya.

"P-po?"

"May balak ka pa bang maghubad? Kung wala ay mas mabuting lumabas ka na at umuwi sa inyo. Maraming pang naghihintay sa labas." seryosong sabi niya dahilan kung bakit nataranta ako.

"O-opo! M-maghuhubad na ako.."

Kumilos na ako dahil malapit ng mawala ang epekto ng gamot sa akin. Una kong hinubad ang shirt ko pagkatapos ay ang belt ko.

"Ang bagal naman." inip na sabi ng lalaking nakatayo sa gilid ko habang nakasandal sa nakatambak na mga libro sa lamesa.

Bakit nandito pa siya?
Hindi parin ba siya tapos?

Bigla akong nakaramdam ng hiya at nagdalawang isip na hubarin ang pantalon ko.

"S-sir.." nahihiyang tawag ko kay Sir na nakatingin sa pantalon ko. Hinihintay niyang hubarin ko 'to.

Pinagtaasan niya ako ng kilay at napakagat ako sa ibabang labi nang bigla niyang tinapik ang hawak niyang ruler sa kabilang kamay niya.

"Tsk. Bilisan mo. Naiihi na ako dito. Ako nalang kasi muna, Guro. Bakit ba kasi may listahan? Magkasunod naman kami kaya ako nalang ang una. Maghuhubad na ako." akmang huhubarin niya ang natirang saplot niya pero napatigil siya dahil lumipad sa kanya ang ruler na hawak ni Sir.

"Tumahimik ka Kaizer. Kung naiihi ka na ay pumunta ka sa banyo. 'Wag kang magreklamo dito."

"Ayaw. Nakakatamad bumalik. Maghihintay na lang ako."

"Then, tumahimik ka."

Napanguso lang si Kaizer sa sinabi ni Sir. Nabigla naman ako nang ibaling niya ang tingin sa akin.

"Ano? May balak ka pa bang maghubad?" masungit na tanong niya sa akin.

Napatango naman ako ng sunod-sunod sa kanya dahil sa takot na baka ay may gawin siyang masama sa akin kapag hindi ako naghubad.

Nakapikit ang mga mata kong hinubad ang natirang suot ko. Jusko po! Ayaw ko ng ganito. Hindi ko kaya. Nakakahiya wahhh.

"Pfft..kaya naman pala-bwahahaha!"

Napamulat ako ng mga mata dahil sa lakas na tawa ni Kaizer. Nakatakip ang kamay niya sa bibig niya pero dinig parin ang malakas niyang tawa.

Anong meron?

Okay naman ang katawan ko ah? Hindi pa bumabalik sa normal at mukhang hindi naman nila natuklasan na may ginamit akong mahika para maging katawang lalake ang katawan ko dahil dapat ay gulat ang reaksyon na binigay niya hindi yung pagtawanan ako.

"P-pwede ka ng magbihis, Mr. Matier."
Sabi ni Sir at nagtaka ako nang mapansin na nagpipigil siya sa pagtawa.

Hindi ko na lang sila pinansin at sinuot ang damit ko bago pa tuluyang maubos ang natitirang minuto ko. Isang minuto na lang ang natira kaya kailangan ko ng umalis.

Hunter Academy : Lady in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon