****Nathalia
Lumipad kami papuntang Amerika para doon ipagamot si Sette.
Hindi man nila sabihin pero alam kong ako ang sinisisi nila sa nangyari kay Cosette.
I know it's my fault. Kung hindi sana ako kasali sa gang ay wala sana akong kaaway.
I already decided. Titiwalag na ako sa gang. Sasabihin ko sa gang ko ng personal pagkabalik namin ng Pilipinas. Para na rin sa kapatid ko. Ayaw ko ng mag mangyaring masama sa kanya.
Hindi man nya alam pero mahal ko sya. Sya lang ang nagparamdam sakin sa mansion na iyon ng pagmamahal.
Kasalukuyang nasa kwarto ako ni Sette at ako ang nagbabantay sa kanya.
It's been 36 hours at hindi pa sya nagigising.
Lord, give my sister a second chance to live.
Hinawakan ko ang kamay nya nang bigla iyong gumalaw.
Sa pagkataranta ay hindi ko alam ang gagawin.
Gumalaw sya!
Maya-maya'y ay nagmulat sya ng mata. Tumingin sya sakin.
"Thalia." Paos nyang sabi.
"Gising ka na! May kailangan ka ba? Anong gusto mo?" Sabi ko.
"Water." Sabi nya.
Dali-dali akong kumuha ng bottled water at binuksan. Pagkatapos ay inalalayan ko syang uminom.
"Anong nararamdaman mo? Sandali lang. Tatawagi ko ang doktor." Sabi ko at tumayo na pero hinawakan nya ang kamay ko.
"Don't. Don't let them know I'm awake."
Nagtaka naman ako sa ikinilos nya pero hindi ko iyon pinansin. Ang mahalaga ay gising na sya.
Bumalik ako sa pagkakaupo.
Ang ibig ba nyang sabihin ay itatago namin na May malay na sya?
"Ano bang gusto mong mangyari?" Tanong ko.
"Ako na ang bahala, Thalia. Just go with the flow. Just don't let them know that I'm awake."
Tumango na lang ako sa kanya. Kahit sa ganitong pagkakataon ay gusto kong tumulong.
****
Lumipas ang isang buwan ng pagpapanggap ni Sette. Hindi ko alam ang plano nya pero sumang-ayon na lang ako.
Minsan ay nagpapalit kami ng sitwasyon dahil May kailangan daw syang gawin.
Magaling na sya pero ayaw nya pa ring ipaalam kina Mom at Dad.
Umayos na rin ang pakikitungo sakin ni Dad. Pumunta din dito si Ate Nadjella pero hindi nagtagal dahil sya ang nagpapatakbo muna ng kumpanya.
"I'm sorry for what I did, Thalia. I'm sorry for how I treated you. I just want you to be good and I don't see that you're suffocating. I'm really sorry." Sabi ni Dad.
Yinakap ko na lang sya at hinaplos ang likod nya.
"You're already forgiven, Dad." Sabi ko.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at nakita ko si Sette.
"Kamusta ang lakad mo?" Tanong ko.
"Fine."
"Magpapalit na ba tayo?" Tanong ko.
"Nah. Ayoko pang bumalik sa higaan na yan."
"Bakit kasi ayaw mo pang ipaalam kina Dad na ayos ka na?"
"Cut the crap, Thalia. Ako na ang bahala, understand?"
Tumango ako sa kanya.
"I want to be you, Thalia." She said that send shivers to my spine.
Bago ko pa matanong ko anong ibig nyang sabihin ay bigla na lang nagkaroon ng pagsabog sa labas.
"Anong nangyayari?" Tanong ko at tatayo na sana ng pigilan ako ni Sette.
"Wag. You're Sette for now, remember? Let me handle this." Sabi nya.
"Take care." Sabi ko at lumabas na sya.
Bigla ulit umulit ang pagsabog at nakita ko ang pagpatak ng kapirasong kisame sa kanan ko.
Shit!
Baka kung napaano na si Sette!
Lalabas na sana ako ng makita ko ang babagsak na kisame sakin. Huli na bago ko iyon mapigilan o umiwas ay bumagsak na iyon sa akin.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari pero bago pa ako mawalan ng ulirat ay May nagsalita.
"I want you gone, Thalia. I will take your life. I will be Nathalia Celestine."
****
Nagising ako ng masakit ang ulo. Tumingin ako sa paligid ko at nakitang nasa isang kubo ako.
Biglang May pumasok na dalagang May dala ng palanggana at bimpo.
Nahulog nya ang palanggana nang makita nya ako.
Lumabas sya at May tinawag.
Makalipas ang ilang minuto ay May pumasok na babaeng siguro ay nanay nya.
"Jusko! Gising na nga sya! Salamat sa D'yos!"
Teka, ako ba ang tinutukoy nila? Nasaan ako?
"Naalala mo ba kung anong nangyari sa'yo, hija?" Tanong ng ginang.
Sinubukan kong umalala pero bigla na lang sumakit ang ulo ko.
"Wag mong pilitin mag-isip, hija. Alam mo bang anim na buwan kang tulog?"
Anim na buwan? Ganoon katagal?
"Ano bang pangalan mo, hija? Nakita ka lang namin sa likod ng bahay namin na sugatan at walang malay." Kwento ng ginang.
Sumakit bigla ang ulo ko at biglang naging itim ang lahat.
****
Muli akong nagising nang mag narinig akong nag-uusap.
"She's suffering amnesia, Aling Steph. It may take time for her to regain her memories. We shouldn't force her to remember. I shall take my leave now."
"Salamat po, dok. Samantha, ihatid mo si dok sa labasan."
"Opo."
Iminulat ko ang aking mata at nakita ang gusto ginang na hinahaplos ang mukha ko.
"Gising ka na. Sinabi ng doktor na may amnesia ka kaya dumito ka muna pansamantala." Sabi nito.
Napatango na lang ako sa sinabi nya.
Maya-maya'y dumating na ulit ang dalagang nagngangalang Samantha.
"Ma, hindi nya alam ang pangalan nya kaya anong itatawag natin sa kanya?"
"Let's just call her Sophie Franz." Sabi nya.
"S-sophie." Banggit ko sa pangalang kanilang ibinigay.
Napangiti sila sa akin kaya ngumiti din ako.
At doon nagsimula ang pagbabago ng buhay ko.
****
Sorry for typos and grammatical errors.
Clicking the star in the left bottom part is highly appreciated.
Gracias! Ciao!
(◠‿・)-☆
YOU ARE READING
Who Are You? ( The Return Of The Destroyer )
RandomNathalia Celestine is a stubborn and untamed girl. She's a gangster leader called The Destroyer. She has a twin that's so opposite of her. But her life will change when she met an accident or should we say intentional accident by her sister after he...