Chapter 2

5 4 0
                                    


****

Sophie

"Sophie! Tara na! Ma-le-late na tayo!" Sigaw ni Samantha sakin.

Tumakbo naman ako papalapit sa kanya at inakbayan sya.

It's been two years since I wake up losing my memories. Wala pa rin akong naalala.

Sinubukan din naming lumapit sa mga pulis. Baka kasi may naghahanap sakin pero wala.

Tinanggap ko na sa sarili ko na sina Samantha na ang pamilya ko.

Mahirap din para sakin ang walang maalala.

Ano kaya ako noon?

Sabi nina Samantha ay naka-hospital gown daw ako nang makita nila ako.

Argh! Gustong-gusto kong makaalala pero kapag pinilit ko ay nahihimatay lamang ako.

Pumasok kami ng school gate at in-swipe ang ID namin.

Hindi ko rin alam ang edad ko kaya ginawa na lang nina Samantha na kasing edad ko sya.

Ginawa rin nila ako ng mga papeles na nagsasabing ako si Sophie.

Sinabi rin sakin ni Samantha na magkapatid na daw kami at tawagin ko si Aling Steph ng Mama.

Syempre nakakahiya noong una pero nasanay na rin ako.

Naging pamilyar na rin ako sa lugar na ito. Masyadong malayo sa kabihasnan ang lugar na ito kaya wala masyadong mga gusali.

Pero hi-tech din naman ang mga gamit. Masasabi kong may kaya sina Samantha kasi lahat ng gadgets ay meron sya.

Nakarating kami sa classroom at nakita namin sina Janella at Vin.

"Mga Sistar! Alam nyo ba na may wafu na mag-t-transfer dito?" Sabi kaagad ni baklang Vin.

"Basta usapang landi nangunguna ka, Vin." Sabi ko at ibinaba ang bag ko.

Nasa likuran ng room ang upuan ko at katabi ko sa kanan si Samantha at wala akong katabi sa kaliwa. Nasa unahan ko si Vin at katabi nya sa kanan si Janella. Sa kaliwa naman ay si Claudette.

"Anong Vin? Vina nga, Sistar ang namesung ko!" Sabi nya.

Gay man si Vin ay bihis lalaki pa rin sya. Aakalain mo talaga syang lalaki pero kapag kumilos at nagsalita na iyan ay alam na.

"Yun din naman yun." Sabi ko at umupo habang nakapangalumbaba.

"Anong drama na naman yan, Sistar! Inaalala mo na naman kung anong klase kang tao dati?" Sabi nya.

Syempre, alam nila ang kalagayan ko. Nakilala ko sila sa basketball court noong dalawang buwan pagkatapos kong magising.

"Malay mo, killer ka pala dati? O kaya baliw kasi naka-hospital gown ka noong nakita ka?" Sabi ni Janella.

"Hoy! Janella, baka naman hindi. Baka maniwala si Sophie dyan." Sabi ni Samantha.

Dumating naman si Claudette at umupo sa tabi ni Vin.

"Si Sophie na naman ang pinag-uusapan nyo?"

Nanatili naman akong tahimik at tulala.

"I think mayaman si Sophie kasi tingnan mo ang kutis! Ang puti, ang lambot at ang kinis! Tapos yung feslak! Pak na pak!" Komento ni Vin.

"Baka naman hindi. Malay mo matagal na sya sa hospital kaya ganyan sya kaputi at kakinis." Sabi ni Janella.

Napansin ko namang nakatingin lang sakin si Claudette kaya napakunot noo ako.

Who Are You? ( The Return Of The Destroyer )Where stories live. Discover now