CHAPTER FOUR

0 0 0
                                    

Pagdating ng  araw ng Linggo, maaga pa ay nagtungo na sa kanyang rancho si Joseph. May dala pa siyang isang kahong imported chocolates bilang pasalubong kay Ariane.

Gusto niyang humingi ng paumanhin sa dalaga. Na-realize niya na naging magaspang siya dito. Alam niyang hindi ganoon ang tamang pagtrato sa isang babae kahit pa nga anak lamang ito ng isang katiwala.

Kung tutuusin pa naman ay mataas ang kanyang pinag-aralan kaysa sa anak ni Mang Felipe pero mukhang hindi niya naipakita iyon sa dalaga.

     Nadatnan niyang inaayos ni Mang Felipe ang kanilang hardin. Napangiti ito nang makita siyang bumaba ng sasakyan at agad na tumayo para sumalubong sa kanya.

"Magandang umaga ho, Mang Felipe!" pagbibigay galang niya.

"Magandang umaga naman, Joseph! Maupo ka, Joseph," sabi nito. "Teka at maglalabas ako ng malamig na fresh buko juice."

Nang lumabas sa kusina ang matanda, iginala ni Joseph ang mga paningin at nakiramdam.

Tahimik ang loob ng bahay. Wala ang hinahanap ng kanyang mga mata.

"Wala po yata ang dalaga ninyo," kaswal na sabi niya nang ilapag ni Mang Felipe ang tray ng buko juice at cassava cake sa mesitang nasa harapan ng bisita.

"Si Ariane? Ah, oo, wala siya. Nasa New York."

Nangunot ang noo ni Joseph. Nag-alinlangan kung tama ang narinig. Para kasing sinabi ni Mang Felipe na nagtungo lamang sa Maynila ang anak.

Baka naman sa New York street sa quezon City, naisip niya.

"Sa New York po? S-sa States?"

"Oo. Lumipad siya nang nagdaang linggo. Dalawang araw mula nang manggaling ka dito."

Huminga ng malalim si Joseph.
"Wow! Pa-New York New York lamang ang anak ninyo. Aba, eh, malaking gastos ang pagtungo doon, ah. Sa pamasahe na lamang at pocket money."

Nahalata ni Joseph na medyo namutla ang kausap.
Saglit ding lumikot ang mga mata na parang may kinakatakutan.

"Kinakailangan kasing.... pumunta doon ni Ariane. Sa kapatid kong naroon."

"Magtatrabaho si Ariane doon?"

"Hindi. Tourist visa lamang ang dala  niya."

Tourist visa. Nag-isip si Joseph. Paano nakayanan ni Mang Felipe na tustusan ang paglalakbay ng anak nito?

"Natanggap ko ang aking insurance benefits. Nag-mature na ang insurance policy ko," sabi ni Mang Felipe na tila nabasa ang mga naiisip ng kausap. "Nagpadala din ng karagdagang pera ang kapatid kong si Linda."

"Labis-labis ang pagmamahal mo sa anak mo, Mang Felipe."

Pili na pilit ang ngiti ng matanda.

Nahalata din ni Joseph na parang ayaw ng matanda na pag-usapan nila ang pag-alis ni Ariane.

Iniba ni Joseph ang usapan. Nauwi sa hacienda at rancho.

Nag-intrega na ng pera si Mang Felipe. Iyong pinagbentahan ng mga baka at kabayo sa rancho. Iyong iba pang produkto sa hacienda tulad ng mga prutas, mga itlog ng manok at mga gulay.

May mga biyaherong namamakyaw ng mga produktong ito mula doon.

Nahalata ni Joseph na malaki ang bawas sa halagang dating iniintrega ng katiwala sa kanya.

"Mukhang hindi yata masyadong maganda ang benta ngayon, ano, Mang Felipe?" kaswal na sabi niya.

"Oo, Joseph. Naging madalas ang pag-ulan at paglakas ng hangin kaya hindi naging mabunga ang mga puno ng ating mga dalandan at iba pang mga gulay."

"Ganoon po ba? Okay lang po. Sana sa susunod ay medyo dumami naman."

"Hayaan mo at dodoblehin namin ang pataba sa mga halaman at puno." sabi ng matanda.

Pero nang sumunod na linggong dumating doon si Joseph, kaunti lamang ang nadagdag sa intregang pera.

Nagsimula na siyang mabahala.
Lingid sa kaalaman ni Mang Felipe, hindi agad umuwi ang haciendero. Niligid niya ang loob ng rancho at hacienda.

Napansin niya na malaki ang nabawas sa kanyang bakahan at mga kabayo. Gayundin sa mga produkto ng kanilang orchard at gulayan.

Pero bakit kakaunti ang intregadong pera ni Mang Felipe?

Nang makaalis siya, ipinasya niya na ipapa-audit ang mga libro ng hacienda.

At  ipapaimbentaryo niya ang stock ng mga hayop sa rancho.

Naging kapuna-puna kasi ang pagkukulang sa iniintregang pera ni Mang Felipe matapos makapag abroad ang anak nitong si Ariane.

Nang sumunod na Linggo, may kasamang dalawang tauhan mula sa main office ng kumpanya si Joseph nang dumating sa hacienda.

Ipinakilala niya ang mga ito kay Mang Felipe.
"Gusto ko pong ipa-audit ang mga libro ng hacienda at rancho, Mang Felipe," sabi niya. "Matagal na din namang hindi na-audit ang mga ito."

"Ngayon na ba agad? Marami pa kasing hindi nagagawang mga entries,eh" tila natatarantang sabi ng matanda. "Naging masyado akong abala sa ibang trabaho dito sa hacienda."

Tapos din ng accounting si Mang Felipe. Noong buhay pa si Francisco, ito ang humahawak ng mga libro sa hacienda.
Hanggang ngayon.

"Bahala na si Mr. Lorenzo doon."

Napilitang ibigay ni Mang Felipe  ang lahat ng record books ng hacienda.

Namumutlang tumango si Mang Felipe.
Nahalata niya na parang naging uneasy ito. Para namang gusto niyang mapailing.

"May dinaramdam po ba kayo?" tanong ni Joseph.

"Wala... pagod lamang ako, Joseph. Bakit mo naitanong?"

"Namumutla kayo at tila ninenerbiyos. Mabuti pa siguro ay magpahinga na muna kayo. Kami na ang bahala dito."

"Walang anuman ito, Joseph. Napagod lamang ako kanina at hindi pa ako gaanong nakakapahinga."

"Kaya nga ho magpahinga na muna kayo at ako na ang bahala sa mga kasama ko."

"S-sige."  sabi nitong parang mauutal at saka tumalikod na sa kanila. Nasundan na lamang niya ng nagdududang tingin ang matandang katiwala.

Wala pa naman silang natutuklasan pero halos nakatitiyak na siya sa kanyang hinala.

Nang makaalis na si Mang Felipe ay binalingan ni Joseph ang dalawang kasama.

"Gusto kong pagbutihin ninyo ang inyong trabaho at marami akong gustong malaman."

"Gagawin namin ang makakaya namin, Joseph, para lumabas ang katotohanan," sabi ni Mr. Florendo.

Inilibot ni Joseph sa kabuuan ng hacienda ang dalawang kasama bago magsimula ng trabaho ang mga ito. Siya na rin ang naghanda ng meryenda ng mga ito bago siya ngatungo sa kanyang bahay doon.

May sariling bahay sa hacienda si Joseph at doon siya natulog, kasama ng auditor at ang mga nag-inventory ng laman ng rancho.

"Baka mga tatlong araw kami dito," sabi niya. "Tila marami akong dapat malaman dito sa rancho na matagal ko nang hindi napag-uukulan ng panahon."









----------------------

Ano kaya ang kalalabasan ng pag-iimbentaryo nila Joseph?



DON'T  FORGET TO VOTE AND SHARE AND COMMENT IF YOU WANT TO...


ENJOY READING :)

Isola dell'AmoreWhere stories live. Discover now