P R O L O G U E
"Love, it's nice here, right?" nakangiting sabi sakin ni Zymond. Narito kami ngayon sa beach side, nakaupo habang tinatanaw ang paglubog ng araw.
Sinuklian ko ang ngiti niya, "Yes love, thank you for bringing me here and for making me happy" at mabilis na halik sa pisngi ang iginawad ko sakanya
"You know I would do anything for you, Blaire" at hinalikan ako sa noo, hindi ko na siya sinagot dahil naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.
"Love, kinikilig ka ba?" nakangising tanong saakin ni Zymond habang pinagmamasdan ang mukha ko, iniwas ko ang tingin ko habang nagpipigil ng ngiti.
"Bakit naman ako kikiligin?" masungit kong tanong sakanya pero agad ding napakagat sa labi.
Bahagyang hinawakan ni Zy ang magkabila kong pisngi at iniharap sakanya, napanguso ako dahil kitang-kita ko sa mukha niya ang panunukso.
"You're blushing" sabay pisil sa mga pisngi ko
"Gawa kasi nung araw 'yan Zy, wag ka ngang ano!" inalis ko ang pagkakahawak niya sa pisngi ko at tumingin ulit sa ibang direksyon at iniharang ang buhok ko sa mukha ko para hindi niya makita
"Hey love, look at me" hinawi niya ang buhok kong humaharang sa mukha ko at inilagay sa likod ng tenga ko, pero hindi pa rin ako tumingin.
"Tumingin ka saakin" hindi ko na nag-inarte at humarap na sakanya. I saw his brown eyes starring at me, ang mga ngiti niyang nakakatunaw, ang buhok niyang nililipad ng hangin ay mas lalong nakapag-pagwapo sakanya.
"..saakin lang, hindi sa iba" ilang beses ko ng narinig at napanuod ang mga salitang 'yon pero ikinatunaw pa rin ng puso ko.
Hmpp! Ang corny pero nakakakilig
Ang mga mata niyang nakatitig sa mga mata ko ay unti-unting bumaba papunta sa labi ko, nakita ko pang kumibot-kibot ang labi niya na para bang may nais gawin o sabihin.
Inilapit niya ang mukha niya saakin kaya hindi
ako makagalaw, 'di malaman kung ano ang gagawin.
"Blaire Tiara Suarez, you're really beautiful, your eyes, your... lips"
"Zy.."
"You're shining like the sun, you twinkle like the stars" napangiwi ako dahil sa huling sinabi niya
"Zymond Sephruz Remar!" ginaya ko ang pagtawag niya sa buong pangalan ko.
"Hey, what?" natatawang aniya
"Stars ka jan! E'di ang dami namin?" pinag-krus ko ang mga braso ko sa dibdib ko at tinaasan siya ng kilay
"No, that's not what I meant" at humalakhak na siya
"Joke lang Zy, masyado mo na kasi akong pinapakilig leche ka!" pinalo ko siya sa braso niya kaya lalo naman siyang tumawa, natawa na rin ako dahil parang sobrang niya
"Sana all masaya" sabay kaming napatigil sa pagtawa ni Zy nang marinig ang pamilyar na boses.
Paglingon ko ay nakita ko si Erian na nakatayo sa gilid ni Zy, hindi ganoon kalayo.
YOU ARE READING
Begin Again
Teen FictionBlaire has a bestfriend named Erian, and they have known each other so much and for so long, but there are secrets that Blaire doesn't know and when she finds out, it will cause her to break down. Then someone came to their lives but what is his rea...