CHAPTER 1

38 2 3
                                    

——ERRORS AHEAD——

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock ko, kinapa-kapa ko ito sa side table ko at pinatay.

Plano ko na sana ipagpatuloy ang mahimbing kong tulog nang biglang mag-ring ang phone ko, iminulat ko ang aking mga mata at nang mag-adjust ay agad kong kinuha ang phone ko at basta na lang ito sinagot nang hindi man lang tinignan kung sino ang tumatawag.

“Hello, good morning!” bati ng nasa kabilang linya. Napairap ako sa kawalan nang mapagtantong si Erian ang kausap ko.

“You disturbed my sleep,” walang emosyon kong sabi at ipinahalatang inaantok pa talaga ako.

“Hehe, sorry, pero seriously? Hindi ka pa bumabangon? Male-late ka na naman! Nakooo, lagot ka na talaga kay Ms. Luna!” nang-aasar pang aniya.

“Whatever Erian, what do you want?”

“Pasundo naman oh, hehe nasa pagawaan pa ung kotse ko eh.”

“Fine,” at umirap na naman sa kawalan, as if makikita ni Erian.

“Yeheyy! Labyu talaga Tiara! Mmuah! Babush, sana 'di ka ma-late ha!” pagkatapos niya sabihin yon, bumangon na ako at naligo dahil talagang bi-bingo na ako kay Ms. Luna kung male-late na naman ako.

Kasalukuyan akong pumipili ng maisusuot nang biglang may kumatok..

“Blaire?”

“Yes, ate?” sagot ko habang nasa cabinet pa rin ang harap, narinig kong binuksan niya ang pinto at narinig ko ang buntong hininga niya.

“What the hell, Blaire? Anim na buwan na kayong may pasok, hanggang ngayon namo-mroblema ka pa rin sa isusuot mo?”

Agang-aga sermon.. hmpp!

Napairap na lang ako.

“Hindi naman party ang pupuntahan mo, just pick simple clothes.”

“Eto na nga ho, diba? Can you please get out muna? I'm going to be late kung sesermunan mo lang ako. Magbibihis na ako,” singhal ko pero tinawanan niya lang ako.

“Sige na. Take care, okie?”

“Yeah, you too, bye,” at kinawayan ko siya, pagkalabas niya ng kwarto ko ay agad na akong nag-bihis, it's 8 o'clock in the morning, 9 am pa naman ang klase namin.

I just wore a simple white crop top partnered with high waisted mom jeans and my white sneakers. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako at nagpunta sa kitchen, naabutan ko pa si ate Ciara.

“I thought you left na?” I asked her habang kumukuha ng bread and bacon.

“Akala mo lang 'yon,” tinawanan niya ako, inirapan ko na lang siya at kumain ng breakfast, nagkwentuhan lang kami ni ate about my plans and hers.

“What's your plan for your birthday?”

“Well, I want to hang out with my friends kahit sa bar lang.”

“Bar? Are you kidding me?” her forehead creased.

“Why? Para ba namang bago sayo na magba-bar kami.”

“You don't want here na lang sa house?” pagkatanong niya no'n ay bigla siyang napanguso.

“Ate, wala naman tayong taga-luto, isa pa, I debuted here naman last year. You can come with us sa bar, hanap ka ng jowa mo,” sabi ko at humalakhak, yung tipong maaasar talaga siya.

Begin AgainWhere stories live. Discover now