Chapter 1

0 0 0
                                    

Chapter 1

Shane


"Shane!!! Bumaba kana!!! Naghihintay na sayo si Mike dito sa sala..."

Si mama talaga ang ingay..dinig na yung sigaw hanggang sa kabilang barangay.

"Shane!!!"

"opo ma! Pababa na po ako."
Tumakbo na ko pababa sa sala baka umabot na ng kabilang probinsya yung sigaw ni mama

"hi! Good morning panget" si Mike bestfriend ko

"gud morning too panget"

"oh mga panget kumain muna kayo bago pumasok. Para magkalaman ang mga tiyan n'yo" si mama talaga.

"ayyy hindi na po tita sa school nalang po malelate na po kami ee. Salamat po... alis na po kami.." at talaga nga namang hinatak na ko ng lalaking ito pasakay sa kotse niya. Chineck ko ang relo ko mag se-7 na nga .
"teka lang naman panget baka madapa tayo.."

"bilisan mo nalang!" tignan mo to... may pagka masungit talaga to ee. ayaw na ayaw ma late pero dinadaanan pa ko. Well.. best friend niya ako ee. Saka ako kaya sumasagot sa mga assignments niyan. Tignan niyo mamaya magpapagawa na naman yan, wag kayong maingay na sinabi ko hah, hihihi

Nandito na nga kami sa kotse at papunta na kami sa school.
Last 2 years nalang sa College at gagraduate na kami. Classmate ko sya mula 2nd year High school mahabang kwento kung paano kami naging mag bestfriend ee. saka ko na ikukwento hehe. Pareho kaming Business Management major. Ewan ko ba't kami napunta dun. no choice ee. Pero infairness nag e-excel naman ako. Nasa dean's list naman ako. Saka napapasali rin ako sa mga singing contest ng school. .

Wait papakilala muna ako.
Ako nga pala si Shane Garcia bunso sa aming dalawang magkapatid 19 years old na ako. si ate Sarah ang kapatid ko nasa ibang bansa s'ya. Si papa naman binabantayan yung maliit naming hardware shop. Hindi naman kami mayaman o mahirap. Sakto lang nakakakain ng tatlong beses sa isang araw may sariling bahay at may maliit na negosyo. Keri lang..

"hoy panget!!! Bumaba kana kako" -ayyy anu ba 'yan napahaba pala introduction ko nandito na pala kami sa university. Ang St. Paul University

"bakit ba ang sungit mo ngayon panget" tanong ko sa kanya. Kanina pa sya ee. May dalaw ata. Hahaha

"eeh kase ang bagal mo ee gutom na ko" - reklamo niya, tignan mo to..

"edi sana kumain ka muna sa bahay bago umalis" -sagot ko

"eh yun na nga nagmadali tayo.. eee wala naman pala si ma'am Tiangco" -sya

"ano? Pa'no mo nalaman..?"- tanong ko

"nagtxt si President... check mo kaya ang phone mo"- sagot niya na naka kunot pa ang noo.

"oo nga no... oh edi tarang kumain sa Cafeteria"- sabi ko pagkabalik ko ng cp ko sa bulsa ng palda ko. Saka sya hinatak papuntang cafeteria..

"ililibre mo ko. Kase sinundo kita sa inyo"- nag demand pa..

"bakit?ee lagi mo naman akong sinusundo aaah." -reklamo ko

"oo nga ee sa gutom ako at hindi ko pa natikman yung luto ni tita na mukha pa namang masarap" -talagang hindi sya magpapatalo hah..

"oh sige na nga. Kainis naman ito" -napipilitang sagot ko.

"napipilitan ka lang ata ee."-halata ba? Hehe

"oo.. ee kase naman---"

"oh sige hindi na..pero kkb tayo hah" putol niya sa sinasabi ko. Tignan mo tong mayamang kuripot na to.

"SHANE!!!"-halaaa makasigaw naman itong---





------
a/n
to be continued
puro kay Shane muna ang POV habang pinakikilala pa ang mga characters
God bless (:

True Love Waits... Ecclesiastes 3:11Where stories live. Discover now