Prologue

53 9 6
                                    

Emptiness.

A hollow space in my chest prevented me from breathing adequately as I stared on the strange ceiling filled with glowing stars, moon, and planets. All fake.

I immediately looked around, the room is quiet nice and big, with toys around. I am not that dumb to think this isn't a kid's room.

I instantly stood up as an innocent, curious and sympathetic eyes of a young boy approached me.

"Kuya are you okay na po? Nakita ka po namin sa may... Uhh g-garden na walang malay," he said with doubts, whats wrong? Biglang nagliwanag ang mukha nya na mukhang may naisip sya.

"My ate is angry because she taught na nag trespass ka po, pero nung nakita ka po namin na madaming sugat at walang malay, ginamot ka po namin at pinag rest, kwarto ko po to! Ang ganda po diba! " aniya habang naka chin up at proud na proud sa kwarto nya.

Napatingin ako sa katawan ko. Wala akong makitang bakas ng anumang sugat. Ganoon ba sila kagaling manggamot at naalis agad ang mga sugat ko ng walang kahit anong pasa man lang?

Napangiti ako ngunit agad ko rin binawi. Hindi parin ako nakakasiguro kung nasa'n ako o kung safe ba ko, kinidnap ba nila ko? Hindi naman siguro dahil sabi ng bata ay nakita daw nila ako sa kanilang hardin, at ano naman ang ginagawa ko don? Inalala ko ang mga pangyayari, ang naaalala ko lang ay tumilapon ako sa kalsada at pagmulat ko ay nandito na ko. Kailangan ko makaalis agad dito, ayoko maging pabigat sa kanila.

Binuhat ko ng marahan ang bata at iniupo ito sa kama, ako naman ay lumuhod upang magkasing lebel na kami.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa batang tant'ya ko ay mga nasa anim na  taong gulang na.

"Arien po!" masigla nyang sagot.

Napangiti ako, maputi at di mapagkakailang may itsura si Arien. I wonder how his sister looks like.

"Ikaw po kuya? Anong pangalan mo?" he curiously asked.

"Kayden. Kayden Fuentegelio," sagot ko.

"Tara na po kuya Kayden sa baba? Nagluto po si ate ng sopas! Favorite ko po yun!" sabi nya na tila nangungumbinsi na bumaba na kami.

Tumango ako at ibinaba sya sa kama. Hinila nya ako palabas ng kanyang kwarto. Ang kanyang maliliit na daliri ay hinihila ang tatlo kong daliri na kasya lamang sa palad nya.

Nang makalabas na kami sa kanyang kwarto, nakita ko kung gaano kalaki ang kanilang bahay, nasa pangalawang palapag ang tinulugan ko kanina. May malaki at enggrandeng hagdanan rin. Doon kami bumaba ni Arien habang hila hila nya parin ako gamit ang kanyang maliit na kamay.

"Ate! Gising na po si kuya Kayden!" malakas nyang sigaw.

Hindi sumagot ang ate nya kaya dumiretso na kami sa kusina nila.

Nakita ko ang isang babae na nakaternong pantulog pa. Matangkad ito at maputi. Ang buhok niya ay may natural na highlights ng pagkabrown. Nang dumapo ng tingin ko sa kanyang mukha ay agad akong natigilan. Napakaganda nya. Pointed nose, singkit na mga mata, at ang naturally pink lips. Damn! Naramdaman kong tumaas lahat ng aking dugo sa aking pisngi nang magangat sya ng tingin at ngumiti saakin.

"Kayden?" tanong nya nang magbaba na ulit ng tingin sa sopas na isinasalin nya sa bowl. I stiffened at her angelic voice. Napatingin sa akin si Arien at natauhan ako.

"Kayden." pagkumpirma ko.

---

written by: denisselorraine_

No Path Leading Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon