Chapter 1: Brightest Star

43 4 2
                                    

Kayden's POV

"Papa! Namiss mo'ko no?"masaya kong bati kay papa.

"Sorry 'pa ngayon lang ulit ako nakadalaw. Madami kasing gawain sa mansyon." dugtong ko.

"Alam mo ba 'pa, gumraduate ako bilang salutatorian ng batch namin. Ang galing ko no, sayo ata ako nagmana eh." sabi ko at bahagyang napatawa.

I feel like a fool talking to papa's grave and waiting for an answer. But even though papa is not here, I know he hears me.

After a few minutes, i decided to head back to the mansion. Baka magising na sina tito at tita. Malapit nang sumikat ang araw. Baka maabutan nilang wala ako sa kwarto ko.

Nagpaalam na ako kay papa at nagtungo na sa mansyon. Malayo palang ako sa mansyon pero tanaw na tanaw ko na ang Shingle Style Mansion kung saan nakatira sina tito at tita. Simula nung namatay si papa inampon nila ako at dito na sila tumira sa mansyon namin.

Pagkarating ko sa mansyon ay agad akong dumeretso sa kusina para tulungan sina manang sa pagahahanda ng agahan sa dining hall.

"Anak, kain ka na don sa kusina." sabi ni manang.

"Sasabay nalang po ako sa inyo." sagot ko. Tumango nalang siya habang nakangiti bilang pagtugon. Naisipan ko nalang na tumambay muna sa kusina.

"Mom, by the way, my friends are coming over." sabi ni Bryce. Kahit na nasa loob ako ng kusina ay naririnig ko pa rin ang pag-uusap nila mula sa dining hall.

"At ano namang gagawin nyo dito?" tanong naman ni tita Priscilla. Mukhang ayaw nya na dinadala ni Bryce ang mga kaibigan nya sa mansyon.

"Mom, please! We're just gonna chill and play some video games." Pagmamaka-awa naman ni Bryce.

Tinuon ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro. Makatapos ang ilang minuto ng pagbabasa ay niyaya na ako ni manang na kumain. Sina manang Lita, ate Vina, ate Mel, ate Rin, ate Gella, at manong Vic ang lagi kong kasamang kumain.

Natapos na kaming kumain kaya naisipan kong lumabas. Di pa ako tuluyang nakakalabas sa kusina nang may ibilin sakin si manang.

"Umalis na sina ma'am at sir. Ikaw daw ang umasikaso kina Bryce, dadating daw ang mga kaibigan nya." sabi ni manang.

"Sige manang." maiksi kong sagot.

Tumungo na ako sa sala. Sakto naman ang pagpasok ng mga kaibigan ni Bryce sa pagdating ko sa sala. Lumapit agad ako kay Bryce para tanungin kung anong kailangan nila.

"Two bottles of wine and five boxes of pizza, in my room in five minutes! Pakibilis!" utos ni Bryce. Niyaya na nya ang mga kaibigan nya para magtungo sa kwarto nya.

"But Bryce, you know tita doesn't allow you to drink wine." mahinahon kong sabi kaya napabaling siya sa akin. He slowly walked towards me.

"Why do you care? E utos-utusan ka lang naman dito! Everything I asked for should be in my room in 5 minutes! sabi nya. Halatang galit na sya.

"But Bry-"

"Are you stupid? Mahirap bang intindihin yung sinabi ko?" sigaw nya sakin. Then all of a sudden I felt a punch in my left cheek. I immediately  felt the pain in my cheek and it seems to be bleeding, so i touched my left cheek. I was right, nang tingnan ko ang kamay ko ay may dugo ito.

"Wag ka ngang magmarunong saken! Utos-utusan ka lang dito!" sabi nya. I clenched my fist  in anger. But I couldn't punch him because I don't want to aggravate the trouble.

Kumuha ako ng limang box ng pizza sa kusina at dalwang bote ng wine sa bar ng mansyon at dinala ito sa silid nya kung saan nandoon sina Bryce at ang mga kaibigan nya. Kumatok ako sa pinto at agad naman akong pinagbuksan ni Bryce.

"Thank you pinsan kong utos-utusan." sabi nya at agad-agad na sinara ang pintuan. My whole body heated up in anger.

"Ikaw kasi, dapat sinunod mo nalang agad si Bryce. Alam mo namang ikaw lagi ang pinagbubuntunan ng galit non." sabi ni manang. Nandito ako ngayon sa kwarto ng mga kasambahay. Ginagamot ni manang yung sugat ko sa mukha.

"Pero manang, alam kong mapapagalitan ako ni tita pag nalaman nyang hinayaan ko si Bryce na uminom ng alak." sabi ko. Kaya dapat ihanda ko na ang sarili ko sa sermon ni tita.

"Hayaan mo na, sasabihin ko nalang kay ma'am na nagpumilit si Bryce." sabi naman ni manang.

Nagpasalamat nalang ako kay manang pagkatapos n'yang gamutin ang sugat ko at nagpaalam na ako. Nagtungo ako sa aking silid para magpahinga. Wala din naman akong gagawin ngayon dahil umalis na sina tita at tito. Tapos si Jade naman binabantayan ni ate Rin. Naisipan ko na tumulog nalang.

Nagising ako sa malakas na katok sa pinto ng aking silid. Nagulat naman ako nung timungin ako sa orasan. It's already 6:00pm. I quickly opened the door. When I opened the door I immediately felt a warm palm that slapped me on my left cheek. Napangiwi ako nung naramdaman kong muli ang sakit sa aking sugat.

"Bakit mo hinayaang uminom si Bryce ng alak?" sabi nya na parang sasabog na ang ulo nya sa galit. Bakit ba ako ang sinisi nya? E yung anak nya yung hindi marunong makinig sa kanya. Akala ba nya ako yung kumokontrol sa pinaggagagawa ng anak nya.

"Tita-"

"Umalis ka! Ayokong makita yang pagmumuka mo! Ang ganda ganda ng araw ko sinisira mo! Alis!" hindi pa ako tapos magsalita nang sigawan nya ako.

Lumabas ako sa mansyon at tumungo sa tabing dagat sa likod ng mansyon. I sat on the swing under the tree. Habang nakaupo sa duyan tanaw na tanaw ko ang araw na malapit nang lumubog. I suddenly laughed when I thought about what happened earlier. Is my tita that stupid? Ako yung sinisisi nya sa pagkalasing nung anak nya?

Pero hindi ko na masisisi si tita dahil may kasalanan din naman ako. Dapat hinayaan ko nalang si Bryce at hindi ko na sya binigyan ng alak.

The sky is so beautiful. Naalala ko tuloy si papa. Lagi kaming tumatambay dito tapos kapag madilim na hihiga kami sa buhangin at magii-stargaze. Tapos lagi nyang sinasabi sakin na "Whenever you miss me, just look at the sky and search for the brightest star, thats me." Madilim na ang langit kaya kitang-kita ko na ang mga bituin na kanina'y nakatago sa liwanag ng araw. I stood up and lay down on the sand. I immediately looked for the brightest star.

"I miss you papa!"

---

written by: arcyland

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No Path Leading Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon