Chapter 1

2 0 0
                                    

WARNING:RATED SPG!!!PATNUBAY AT GABAY NG MGA MAGULANG  AY KAILANGAN PARA SA MGA BATANG MAMBABASA!!:-D

Yassmin P.O.V

"Yassmin! Anak gising na. Tanghali na!!!"

"Yassmin!susko ginoo ang batang ito kanina pa ginigising eh. Yassmin tanghali ka na hindi ka pa ba maghahanda?!!!

Naalimpungatan ako sa malalakas na sigaw at katok sa labas ng aking kwarto. Iminulat ko ang aking isang mata at aantok-antok na tumingin sa orasan na nasa side table ko. 7:00 am palang naman pala maka tanghali naman si Mama,napaka O.A talaga nito eh.

Pipikit ulit sana ako upang ipagpatuloy ang naudlot kong pagtulog ng marinig kong muli ang sigaw ni Mama.

"Yassmin tanghali ka na hindi ba't ang sabi mo ay may Job interview ka ngayon sa HARRY LEE COMPANY!" sigaw na naman ni mama.

Agad akong napabalikwas ng bangon ng marinig ang sinabi ni Mama.

Shit! Ngayon nga pala yung interview ko sa HLC or HARRY LEE COMPANY. Ang nangungunang kumpanya sa bansa. Sikat ang kumpanyang ito at talaga namang magaling kaya di na ako magtataka kung bakit kakasimula lamang nito ay nangunguna na agad ito.

Ako nga pala si Yassmin kurdy Smith,26 years of age. 6'F ang height ko, maputi at makinis din ang aking kutis at mamula-mula ang mga pisngi,mahaba at umaalon-alon naman ang aking itim na buhok. Mahaba at makapal naman ang aking pilik mata at asul ang aking mata. Bakit? Dahil American ang Daddy ko. Pero wala na sya.
He passed away since 4th Year college ako dahil sa heart attack dulot ng pagbagsak ng aming kumpanya.

Nagmamadali akong pumasok na banyo ko at naligo. Long sleeve na korean style na kulay white at high waist ang napili kong damit. Nag heels din ako pero mababa lang since matangkad nga ako. Nagpulbos  at nag lip balm na lamang ako dahil parang O.A naman kung todo kolorete ang mukha ko. Itinali ko din ng messy hair bun ang buhok ko at hinayaan kong may kaunting matirang buhok sa magkabilang gilid. Tiningnan ko ang itsura ko sa malaking salamin ng aking kwarto kung presentable akong tingnan at ng makontento ay nagmadali akong bumaba.

"Good morning, Ma"Bati ko ng makita ko itong nag-aahagan. lumapit ako dito upang humalik sa pisngi. Saka ako naupo sa upuan na tapat nito.

"Good morning Manang Ester," masigla kong bati kay Manang. Matagal na samin si Manang Ester,bata pa lamang ako ay nagtatrabaho na sya samin pero pamilya na ang turing namin sa kanya dahil wala na din naman syang natitirang pamilya. 

"Ano ka ba namang bata ka! Kanina ka pa ginigising ng mama mo at tanghali ka na. May interview ka daw ngayon. Ayy sya kain na kain na maga-alas otso na. Anong oras ba ang iyong interview?"sabi ni Manang Ester.

"9:00 am po Manang,"Sagot ko habang nagsasandok ng Fried rice. Kumuha ako ng bacon at saka nagsimulang kumain.

"Alas nuwebe? Ay sus alas otso na aabot ka pa ba?"sabi ni Manang.

"Opo Manang kung hindi po traffic hahaha"biro ko dito. Konti lang ang kinain ko at baka kabahan ako masyado at sumama ang tiyan ko mahirap na.

"Tapos na po ako,"  sabi ko saka nagpunta ng banyo at nag toothbrush.

Isinabit ko sa balikat ko ang aking bag at dinala ang folder na naglalaman ng mga requirements ko.

"Bye Ma aalis na po ako,"Pamamaalam ko sa aking ina na noon ay nagbabasa na ng libro sa sala. Pinanood ko syang maglakad papunta sakin. Niyakap nya ako at humalik sa pisngi ko.

Can You Still Be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon