2nd

62 0 0
                                    

Lahat ng dinadaanan niya ay talagang napapalingon sa kanya. Hindi lang lingon kundi napapatulala. Hindi dahil sa ngayon lang ito bumalik galing sa vacation kundi mas lalo itong gumanda.

Simple lang ang suot nito. White sando with black bolero jacket, plain black skinny jeans and black boots. Nakalugay ang smooth, shinny and wavey hair nito. Walang anumang make-up except to her favorite nude red lipstick.

"Angela!!!" Tawag sa kanya ng isang lalaki. Pagkalingon niya dito ay siyang salubong dito ng yakap.

"E-erick..." Tawag niya sa lalaking yumakap sa kanya. Kahit anung layo niya dito ay siyang higpit ng yakap ng lalaki.

She thanked God ng bumitaw na sa yakap si Erick. Tinignan ang kabuan niya na siyang dahilan kaya niya ito sinikmuraan.

"Aaaghh!" Yakap ni Erick sa sikmura nito. Sinamaan lang ito ng tingin ni Angela.

Lahat ng nakatingin sa kanila ay napangiwi na lang sa sinapit ng lalaki. Ang iba naman ay napailing na lang na natatawa.

'Hindi parin siya nagbabago...' Halos lahat isip ng nakakakita sa pangyayari.

Nang nakaayos ni si Erick ay hinarap na si Angela pero hawak nito ang sikmura, dahil dama patin nito ang sakit ng pagkakasuntok sa kanya.

"Kahit kelan hindi ka parin nagbabago, Angela..." Sabi nito. Aambahan sana siya ulit ng suntok ni Angela na harangan ito.

"Oh! oh... awat na. Masakit na yung una ah!!!" Harang niya sa suntok ni Angela.

"Old habits, die hard Erick. And please, don't call on my name. Okay?!"

"Eh sa namiss talaga kita eh."

"Me too, Erick." Ngiti ni Angela.

"Really?" Tuwa ni Erick. Yayakapin sana niya ulit ang babae ng inaangat nito ang kamao.

"Etong kamao ko Erick, namiss ka talaga..." Napangiwi naman ang lalaki.

"Napaka-brutal mo talaga, kapatid." Bulong na lang nito.

"Psh! Isa pang kapatid mo diyan at hahalik na itong kamao ko sayo!" Banta ni Angela.

"Oo na. Kanina ka pa iniintay ni Kuya. Sinalubong lang kita." Nguso ni Erick at talikod nito.

Napailing na lang si Angela habang sinusundan nito ang kapatid. Namiss niya rin naman ito hindi lang nito pinahalata, lalo na kung maraming taong nakatingin sa kanya.

Nang makalapit na sila sa office ng kuya nila at malayo na sa iba ay siya namang yakap ni Angela sa kapatid niyang si Erick. Napangiti naman ang lalaki sa ginawa ng bunso nila.

"I really missed you, Kuya Erick..." Bulong ni Angela pero rinig ni Erick.

Hinarap naman ito ni Erick at hinalikan sa noo.

"Ikaw talaga, ayaw mong pinapakita ang emosyon mo sa iba. Tara na hinihintay kana ni Kuya..."

Pagkapasok nila sa loob naabutan nilang may kinakausap ang Kuya nila sa fone nito. Pagkakita sa kanila ay agad namang tinapos nito ang tawag. At agad itong sinalubong ng yakap si Angela.

"How are you, 'lil sis? I really missed you..." Yinakap din siya ni Angela.

"Me too, Kuya Ethan..."

"Ang daya naman! Bakit siya hinindi mo sinikmuraan?!" Angal ni Erick sa tabi.

"Tss! Yinakap mo na naman si Bunso sa maraming tao. You know how she hate it diba?" At tinawanan nila si Erick na nakanguso na.

***

Seryoso ang mukha ni Angela habang nakikinig ito sa Kuya Ethan niya at habang nakatingin sa naka-projector sa harap nila.

"And Angela you will be his new secretary, starting tomorrow." Sabi sa kanya ng Kuya Ethan niya.

"What?! Ayoko ko Kuya. Ga---"

"No. Nakaayos na ang lahat, Axe." Tinawag na siya ng Kuya niya sa palayaw nito. Tinatawag lamang siya nito kapag seryoso ang lahat.

Angela just sighed and recline to the swivel chair and massage her temple.

"Okay, Ice." Wala na siyang magagawa kundi ang pumayag.

"Fire, give Axe what she needs. And you will be her guide." Utos ni Ethan kay Erick.

***

Puting kisame ang nasilayan ni King ng magising siya. Babangon sana siya ng maramdam ang kirot at sakit sa likod sa bandang balikat.

"Apo 'wag ka munang bumangon..." Alalang paalala ng matanda sa tabi.

"Lolo?" Taka naman ni King. Ang alam kasi niya nasa states ito. Ng maala niya na susunduin niya pala ito sa airport ng maaga.

"How's your feeling Apo?" Tanong ng Lolo niya.

"Makirot yung bandang balikat ko sa likod. What happen? Why Im here?"

"You don't remember? May nagtangaka sa buhay mo and fortunately nadali ka ng sniper na yun. Buti at on the way si Kiko sa condo mo dahil sa inutos kung ipaala sayo ikaw ang personal na magsundo sa akin, ng tinawagan mo siya. Kaya agad din siyang tumawag ng mga pulis. And they went you are ay nabaril kana at duguan. Si Kiko na ang nagsundo sa akin at kinuwento ang nangyari sayo kaya dito na ako dumiretso sayo. And you're almost two days ng tulog dahil sa maraming dugo ang nawala sayo." Kwento ng Lolo ni King.

Kenneth Alfonso Montenegro is the name of Keith Iñigo grandfather. Former CEO of Montenegro Empire. Hindi halata sa itsura nito ang edad niya. Ng malaman niya ang nangyari sa Apo ay agad itong dumiretso sa hospital kung saan ang Apo nito.

Alalang-alala ito sa Apo. Inaala nito ang dating nanyari sa anak nito a decades ago na muntik ng ikawala ng anak niya, ang Daddy ni King. Kaya gagawin niya ang lahat maprotektahan lang ang apo.

Tahimik lang si King sa kanyang hospital bed. Inaalala nito ang nangyari sa kanya nung gabing yun. Iniisip din niya kung sino ang may pakana nito sa kanya. All his existence ay ngayon lang nangyari sa kanya.

'Ito na ba ang sinasabi ni Luke karma ko? May pinaiyak na ba akong babae na umabot sa pagpatay sa akin?' Sa isip ni King. Napailing na lang si King sa naisip.

May mga babaeng umiyak talaga sa tuwing hindi na ito pinapansin pero hanggang doon lang. At sa huli nagiging ok na sila. Civil na lang.

"Apo dahil sa nangyari sayo, dahil sa nangyari sayo I think dapat magkaroon ka na ng mga bodyguards." Suggested ng Lolo niya.

"W-what? Bodyguards?!"

"Yes, Apo. And nasa labas na sila." Nakangiting sabi ng Lolo niya.

"Agad-agad?!"

The Secretary ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon