Chapter 1

11 1 2
                                    

"Putangina niya!"

I drank my third bottle of beer. Kung kailan kailangan kong malasing dun pa hindi umeepekto ang alak. 

"Monday ngayon."

Napatingin naman ako kay Carter nang magsalita siya. We're in Nicdao, isa sa mga sikat na bar dito sa may Raymundo. Pero dahil lunes nga at may pasok bukas, halos walang tao lalo na't nasa second floor kami. 

"Pakialam ko?" 

Tinaasan ko lang siya ng kilay at patuloy pa ring uminom. Magkaharap kami sa maliit na round table na puno ng bote ng beer, pulutan at mga libro niya sa chem. Malayo layo pa naman ang finals week pero kung mag-aral 'to parang wala ng bukas. Masipag eh. 

"Iskolar sa umaga, lasinggera sa gabi."

Sagot niya habang nagbabasa pa rin habang nagha-highlight ng kung ano-ano sa libro niya. He's a Chemical Engineering student. Bs Math naman ako. Pareho kaming second year sa UPLB. Oo na, ako lang ata ang nag-iisang UP student na tamad mag-aral. 

"Alam mo, minsan ayaw kitang kasama!"

Dahil sa sinabi ko, inangat niya ang tingin sa'kin at ibinaba ang libro sa mesa. Tinaasan niya ako ng kilay. 

Grabe. Mas makapal at mas maayos pa kilay ng lalaking 'to sa'kin. Mas matangos din yung ilong at mas mapungay ang itim na itim niyang mata. Kung gaano ang kina puti ko ganun naman katingkad ang pagka-moreno niya. 

"Why?"

"Kasi nagmumukha akong tamad! Hindi kaya ako tamad, masyado ka lang talagang masipag." 

He just smirked and continue to read his books. Nakakabwisit naman kasama 'to. Inaya ko ng inuman pero nag-aaral? Tama ba 'yon?

"Panget ba 'ko?"

He sighed then put down his books again. 

"No."

"Eh bakit niya ako pinagpalit?! Porket VP for welfare yung haliparot na Amelia na 'yon! Edi magsama sila mga uod!"

Tangina talaga ng Kian na 'yon. We've been together for almost a year now. Tinapon niya lahat 'yon? Hindi niya naman sinabi na requirement pala ang maging officer sa org para maging girlfriend niya! Edi sana tumakbo ako kahit muse lang! Wala nga palang ganung posisyon. Tanga mo Aria. 

"Akala mo naman ang gwapo gwapo niya!"

Matalino siya oo pero mas mabaho pa sa tae ang ugali! Mga cheater! Manloloko! 

Hindi naman nagsasalita si Carter at nakatingin lang saakin. Hindi ko alam kung jinujudge niya ako or what. Pero mabait naman si Carter, mukhang masungit pero ubod naman sa bait 'tong kaibigan ko. Nagtataka nga ako ba't wala pa 'tong girlfriend eh ang gwapo gwapo naman. Tapos may kotse pa, san ka pa? Pero di kami talo. Magkasama na kami mula pa sanggol at sabay pa kaming naliligo noong bata. Hindi na nga kami magkahiwalay dahil isang bahay lang ang pagitan ng mga bahay namin. 

"Parang kailan lang, bukambibig mo kung gaano siya kagwapo sa paningin mo."

"Dati 'yon! Mukha na siyang ipis sa paningin ko ngayon."

"So pumatol ka sa ipis?"

"Gusto mong balian kita ha?"

Inambahan ko siya ng suntok pero tinawanan niya lang naman ako. 

Bwisit. Naalala ko nanaman kung paanong sa mismong 11th monthsarry namin saka pa nakipagbreak si Kian. May iba na daw siyang mahal at si Amelia nga 'yon. Hindi niya daw napigilang mahulog dahil lagi silang magkasama sa Org meetings at activities. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon