"Napaka tagal mo talaga kumilos leianne" reklamo ko kay leianne, kaibigan ko.
"Sino ba naman kaseng nagsabi sayo na hintayin mo ako?" ani ni leianne
Kanina ko pa kase 'to hinihintay, sabay kase kaming pupunta sa coffee shop kung saan kami gagawa ng thesis na sabay naming tinatapos.
Sinamaan ko nalang ito ng tingin at hindi na nag salita. Minsan kase kapag nag salita ako hindi ko rin napipigilan at baka kung anong masakit na salita pa ang masabi ko sakanya.
"Oo na, alam ko na 'yang tingin mo Matthew Sebastian." Bulalas nito habang nag mamadaling kumilos. Alam n'ya kaseng gawin na n'ya ang lahat wag lang ang pag hintayin ako. 'yun yung pinaka ayaw ko kase feeling ko nauubos yung oras ko sa mga walang kwentang bagay.
By the way, I'm Matthew Sebastian Alvarez, 22 years old and currently studying sa isang kilalang pampublikong unibersidad sa aming lugar. Maayos naman yung pag-aaral ko at kasalukuyang 3rd year college sa kursong Bachelor of Science in Accounting.
S'ya naman si Leianne Francine Naranja, Bestfriend ko na kasama ko sa lahat. Pag sanabing lahat as in lahat, sa kaharutan o kalungkutan man yan.
After 1 hour na pag hihintay ay natapos rin tong babae na to.
"Hoy, Matthew tara na" pag tataray nito.
"Wow, nahiya naman ako. Ikaw pa may gana mag taray eh ako yung pinag hintay mo." Badtrip talaga tong babae na to.
*At the coffee shop*
Coffee & Chill
"Woah, napaka ganda naman dito, paano mo pala nalaman tong coffee shop na to?" namamanghang sabi ni leianne.
Totoo namang napaka ganda ng coffe shop na to, napaka tahimik at nakaka relax ang ambiance. Akmang akma sa pangalan nitong Coffee & Chill makakapag chill ka talaga while drinking coffee.
"Nirecomend kase to ni Adrian Santillan, yung President ng Student Org sa school natin. Ang alam ko kase family nila yung owner nito." Ani ko dito
"Adrian Santillan, diba pogi yun? Ikaw haaaaa. Share naman jan sis." Ma issue nitong sabi at halatang nang aalaska nanaman.
"Gago ka talaga, manahimik ka jan at wag mong gawing issue. Ang bait bait lang nung tao saka para narin makatulong tayo sa business nila. Balita ko kase masarap cheese cake nila." defensive kong saad dito.
"Oo na poooo, sige poooo. 'Di na po ako mag-iisip ng masama" Nakangising saad nito.
Pagka tapos nito ay umorder na ako ng frappe at si Leianne naman ay Okinawa Milktea and isang blueberry cheese cake.
Narinig ko kase na masarap ang mga cakes dito lalo na yung mga cheese cake, at ayun ang sinuggest kong orderin n'ya.
Pagka tapos mag order ay sinimulan na naming gawin yung thesis na tinatapos namin ng biglang may nag hatid na isang waiter ng cake.
"For Sir Matthew Alvarez po." Magalang na sabi ng waiter"
"Ako po si Matthew Alvarez, pero hindi po ako nag order ng cake." Nag tatakang sabi ko sa waiter.
"Good Afternoon po Sir Matthew, pinapabigay po sainyo to ni Mr. Adrian Santillan, pasasalamat n'ya daw po sa pag bisita n'yo ng kaibigan mo. Sa katunayan nga po ay nanjan s'ya at s'ya po ang bantay sa cashier." Mahabang paliwanag ng waiter
Si Leianne naman ay tinignan ako ng makahulugang tingin at bumulong pa ito ng "Wag daw gawing issue" na kaming dalawa lang ang nakarinig.
"Ganon po ba, pasabi naman po kay Adrian maraming salamat po at ang sarap po ng mga cakes n'yo" magalang na sabi ko sa waiter.
BINABASA MO ANG
A night to be remembered
RomanceSi Matthew Sebastian Alvarez ay isang simpleng studyante lamang na nag-aaral sa isang kilalang pampublikong unibersidad sa pilipinas ng makilala n'ya si Andrei Ian Miguel Zamora III na anak ng isang mayaman at kilalang pamilya sa larangan ng politik...