Throwback
Makukulay na mga banderitas, malalakas na mga tugtugin. Yan ang bubungad sayo sa barrio Isabela, fiesta kasi dito ng patron ni San Isidro. Pag tatanim ng palay ang pangunahing hanap buhay ng mga tao dito at isa ang aking pamilya sa nag mamay-ari ng isa sa malaking palayan dito.
"Magandang Umaga Aling Elena! pinapakuha ho ni Mommita ang kanyang inorder na leche flan" magalang na bati ko dito. Si Mommita ay ang Ina ng aking daddy, nandito kami ngayon sa barrio ng Isabela. Medyo madaming tao ngayon dahil sa Fiesta ngayon ng aming patron na si San Isidro Labrador.
"Magandang umaga din sa'yo Matthew, binata ka na ah. Parang dati lang buhat buhat ka pa ng iyong Dada Sebastian at Daddy Andrian. Napaka gwapo mong bata. Halika at pumasok ka muna at ihahanda ko muna yung order nang iyong Mommita." Mahabang bati at paanyaya nito.
Kung nag tataka kayo kung bakit dalawa ang daddy ko, kase dalawa talaga sila. Si daddy Adrian yung biological father ko and si dada Sebastian naman yung asawa ni daddy. Bunga kasi ako ng surrogacy.
"Ikamusta mo ako sa Dada mo ha? bumisita naman kamo s'ya saakin, masyado na kamo s'yang busy sa trabaho. Miss ko na kamo s'ya." Madamdamin na saad nito.
Si Aling Elena kasi yung nag babantay kay dada dati, dahil sa busy si Mommita sa palayan nila wala na syang oras na bantayan at alagaan si dada at si aling Elena yung nag silbing pangalawang ina kay dada. Si aling elena din yung may-ari ng pinaka malaking bake shop sa buong barrio.
"Sige ho Aling Elena, makaka-rating po. Kung gusto n'yo po pumunta mamaya sa Mansion may simpleng handaan pong inihanda si Mommita para po sa pasasalamat sa magandang ani ng bigas ngayong taon. Punta lang po kayo sa bahay." Paanyaya ko dito.
Naniniwala kase si mommita na kailangan pasalamatan si San Isidro dahil ito ang patron ng pag tatanim ng bigas.
"O-sya sige, Isasama ko yung apo ko na si Antonia para naman may maka laro ka." Masayang sambit nito.
"Sige po Aling Elena! mauna na po ako at baka hinihintay na ito ni mommita. Isama n'yo po si toni mamaya" masayang paalam ko dito.
Ang hindi alam ni aling elena hindi na kami nag lalaro ni toni kundi chismisan na ang ginagawa namin.
Habang binbabaybay ang daan papuntang Mansion, may naka salubong akong napaka gandang sasakyan. "Woah, parang sasakyan ng Mayor ah." sabi ng chismoso kong utak.
Nang maka rating ako sa aming mansion ay sa likod ako dumaan, nakaka hiya naman kung sa harapan ako dadaan, grand entrance eh ni hindi pa nga ako naliligo tapos may hawak hawak pa akong 150 pcs ng leche flan. Ewan ko ba dito kay mommita, papatayin ata sa diabetis yung mga bisita n'ya.
"Abang bata ka, saan ka ba galing? bakit ngayon ka lang dumating? kanina ka pa hinahanap ng daddy mo at nanjan na ang mga bisita ng mommita mo. Maligo ka na nga dung bata ka." Nanenermon na sabi ni Ate Madonna, isa sya sa mga katulong ni mommita.
"Ate, kinuha ko pa kasi itong 150 pcs ng Leche flan kay Aling Elena. Wala kasi si Kuya angelo kanina kaya ako na tuloy yung inutusan. Isusumbong ko talaga kay toni yun mamaya, kung saan saan kasi nag pupunta ako tuloy yung na utusan." Nag mamaktol na pahayag ko dito.
"O sya, bilisan mo na at umakyat, baka makita ka pa ng bisita." natatawang sambit nito.
Paakyat na sana ako papunta sa kwarto ko ng may isang binatang lalaki ang umagaw ng attention ko, gwapo at may katamtaman ang katawan nito. mapupungay ang mga mata at umiigting ang panga nito, napakalakas ng dating at bagay na bagay ang suot nitong puting polo sa kulay ng kanyang mga balat. Ang lakas maka wattpad pero may tao palang nabubuhay na ganito, kung panaginip po ito, ayoko na magising huhu.
BINABASA MO ANG
A night to be remembered
RomanceSi Matthew Sebastian Alvarez ay isang simpleng studyante lamang na nag-aaral sa isang kilalang pampublikong unibersidad sa pilipinas ng makilala n'ya si Andrei Ian Miguel Zamora III na anak ng isang mayaman at kilalang pamilya sa larangan ng politik...