Emma
"Pakiusap, bigyan niyo pa ako ng isang buwan na palugit para matubos ang sakahan ko". Nagmamakaawang sambit ni Tatay, pulang pula na rin ang kanyang mukha at nagtutubig din ang kanyang mga mata habang nakaluhod sa harap ni Mang Ben.
"Puro ka na lang palugit, wala naman nangyayari. Pag di niyo pa natubos ang lupain niyo, pasensya na pero ibibinta ko sa mga Reyes, kailangan ko rin ng pera para sa pamilya ko". Nauubusan nang pasensiya na tugon ng matanda kay Tatay.
Napa angat ng tingin si Tatay dahil sa narinig, kahit walang kasiguraduhan na makakaya niyang gawan ng paraan ang pagtubos sa kanyang sakahan sa loob ng isang buwan, hindi parin siya nawawalan ng pag-asa. Umaasa parin siya na magkakaroon ng milagro na mabago ang dapat na mangyari.
Tanging ang maliit na sakahan na lang 'yon ang alaala ng yumaong magulang ni Tatay at kung maaari ay ayaw niyang mawala iyon sa kanyang pangangalaga pero sadyang minsan ay hindi naaayon sa mga kagustuhan natin ang mga nangyayari, may mga araw na susubukin ng tadhana kung gaano tayo katatag, kung hanggang kailan at kung hanggang saan mo kayang harapin ang mga pagsubok sa iyong buhay.
Dumating ang delubyo sa pamilya namin, nagkasakit si Nanay at walang-wala kami ng panahon na 'yon kaya ang sakahan ni Tatay ang nagsagip samin. Kung hindi dahil sa sakahan na 'yon, baka nawala na rin samin si Nanay, nagtagal siya sa loob ng hospital dahil sa sakit niyang high blood na humantong sa kinailangan niyang e monitor sa loob ng ICU nang ilang araw kaya naubos lahat ng perang pinasanlaan ni Tatay sa kanyang sakahan.
Napakahirap na makita ang magulang mong nagmamakaawa sa iba para lang bigyan kayo ng maayos na buhay at mapakain sa araw-araw, kahit di man katulad sa iba na marangya ang pamumuhay basta ang importante ay kumakain kayo ng tatlong beses sa isang araw at malusog ang bawat miyembro ng pamilya.
"Maraming salamat Ben, pangako..gagawa ako ng paraan". May paniniguradong pangako ni Tatay kay Mang Ben bago ito lumabas ng aming munting tahanan.
Napatingin ako kay Tatay na naghihinang napaupo sa upuan na gawa sa kawayan at matunog na bumuntong hininga. Halata sa kanyang mukha na nahihirapan siyang mag isip ng paraan.
Tahimik akong naglakad papalapit kay Tatay at umupo sa kanyang tabi.
"Tay, sasama po ako kay Ella pabalik sa Maynila, magtatrabaho po ako doon para matubos natin ang sakahan niyo". Napabaling sakin si Tatay sa kanyang narinig, nabibigla at di makapaniwala sa aking sinabi dahil kahapon lang nang kausapin at imbitahan akong sumama ni Ella sa kanyang pinagtatrabuhan ay mabilis akong tumanggi. Alam nilang ayaw kong malayo sa kanila.
"Sigurado ka ba anak? Pasensiya na't nadadamay ka pa sa problemang ako dapat ang gumagawa ng paraan para malutas". Nanghihinang sambit ni Tatay kaya yumakap ako sa kanyang braso.
"Ano ka ba 'Tay, pamilya tayo kaya dapat lang na magtulungan tayo". Nakangiti kong turan kaya napangiti na rin ang aking Ama.
"Ang swerte ko talaga sa'yo, napakabait mong anak". Pang-uuto pa sakin ni Tatay kaya biglang umepal si Kuya.
"Siya lang ba ang mabait 'Tay? Ako rin naman ah, nakalimutan niyo na bang ako ang katulong niyo sa bukid?". Nagtatampong tanong ni Kuya kaya napatawa kami ni Tatay.
"Kuya, mas mahal ako ni Tatay kaya tanggapin mo na". Pang iinis ko sa kanya at binuntatan pa iyon ng mahinang hagikgik kaya napangiti na lang siyang ginulo ang buhok ko.
"Naku bunso, kung di lang kita mahal , baka sinapak na kita". Natatawa niyang sambit kaya napatawa ulit kami ni Tatay. Ganyan yan si Kuya, madaling maasar at mapikon pero mahal ako niyan.
"Kayong dalawa, pareho kayong mabait at maasahan, palagi niyong tandaan na mahal na mahal namin kayo ng Nanay niyo". Nagkatingin kami ni Kuya sa sinabi ni Tatay at sabay na napatawa dahil sa pagdadrama namin.
Kahit papaano, napagaan namin ni Kuya ang kalooban ni Tatay. Sandali niyang nakalimutan ang problema dahil sa kakulitan namin.
"Ano na namang drama niyo mag-aama diyan?, Halina't tayo'y mag umagahan na, lalamig na ang pagkain". Nakangiting sambit ni Nanay kaya sumunod na rin kami sa kanya sa loob ng kusinang tanging kurtina lang ang namamagitan at nagpapahiwalay mula sa maliit naming sala.
Simpleng umagahan pero masaya basta buo ang pamilya. Kahit na alam kong kapos kami sa pangangailangan basta magkakasama naming hinaharap iyon ay masaya parin ang kahihitnan ng lahat.
Hindi nawala ang kulitan at tawanan namin ni Kuya sa harap ng hapagkainan. Napapangiti na lang sina Nanay at Tatay habang pinagmamasdan kami.
Mamimiss ko ang ganitong klase ng buhay pag naka punta na ako ng Maynila. Mamimis ko silang subra-subra. Nakakalungkot dahil kailangan kong mapalayo sa kanila para makatulong. Tanging iyon lang ang alam kong paraan upang makatulong kay Tatay.
Alam kong hindi madali, alam kong mahirap ang trabahong papasukin ko pero sabi nga nila, darating at darating ang oras na kakapit ka sa patalim.
Ang alam ng pamilya ko ay sa hotel nagtatrabaho si Ella, wala silang kaalam-alam sa totoong trabaho ng kaibigan ko. Tanging ako lang ang nakaka alam no'n.
"Naku Emma, hindi ka magsisisi, di ka mahihirapan sa One hundred thousand na kailangan mo para sa sakahan ni Tatay Arthuro, sa gandang mong 'yan, pag aagawan ka ng mga customer". Mahinang sabi ni Ella habang naghahanda ako ng mga gamit kong dadalhin sa Maynila, pero kalaunan ay bigla na lang siyang tumawa ng malakas na para bang kinikilig sa kanyang naiisip.
"Ang popogi ng mga lalaki dun Emma, baka maka bingwit ka ng magpapayaman sa'yo,malay mo". Napailing na lang ko sa mga pinag-iisip at pinagsasabi niya.
Di naman ako umaasang makakahanap ng lalaking magpapayaman sakin, ang tanging hangad ko lang ay makatulong sa aking pamilya at mabigyan sila ng magandang buhay.
Di ako naghahanap ng lalaking mamahalin ako, hindi ako nagmamadali sa bagay na 'yon, handa akong maghintay kong kailan siya darating at kung kailan ko maramdaman ang totoong pag-ibig.
Pero sa pinapasok kong klase ng trabaho, alam kong mahirap ng makahanap ng matinong lalaki na magmamahal sakin ng totoo. Di ako umaasa pero magbabakasakali parin ako kung darating man ang oras na 'yon sa buhay ko.
Sabi nga nila, walang mawawala kung susubukan mo pero kailangan mo lang magtira para sa sarili mo para kung sakaling darating ang araw na pagsawaan at iwanan ka niya, may natira parin para sa sarili mo kahit kunti lang.
~~~~
My imagination got wild hahaha!
YOU ARE READING
Bed Warmer (R18)
RomancePaano ka makakaligtas sa giyera ng pag-ibig kung sa umpisa pa lang ay alam mong ikaw na ang talunan? How can you love the person without even getting hurt If you always feel unworthy? How can you handle the most heavy responsibilities in your...