Emma
Ngayon ang punta namin ng Maynila. Maaga pa lang ay gising na ako upang asarin si Kuya, hindi ko alam kung kailan ako makakauwi dito sa probinsya kaya susulitin ko na habang nandito pa ako.
Maaga rin gumising ang mga kapit-bahay namin na mga reporter, mas malakas pa yata ang signal nila kaysa sa Globe, sa subrang lakas ng signal nila ay nakakagawa sila ng kwento. Mga bagay na kahit hindi mo pa nagagawa ay natatapos na nilang ipangalandakan sa mga kausap nila na ganito at ganyan ka. Kaya siguro walang asenso ang Pilipinas dahil sa mga kapit-bahay kong chismosa.
"Mag-iingat ka doon Emma, mamahalin at papakasalan pa kita". Nakangiting sabi ni Natoy at kinindatan pa ako. Ang lokong lalaking 'to, ang sarap sana niyang sabunutan ngunit paano ko gagawin 'yon kung wala naman siyang buhok. Marahil ay wala itong buhok sa itaas na ulo ngunit nasisiguro kong may buhok ang alaga nitong nasa ibabang bahagi ng katawan niya.
Lihim kong kinurot ang aking sarili dahil sa pumasok sa isip ko. Hindi ko yata kakayanin na sabunutan ang alaga ni Natoy.
"Wag mong sirain ang umaga ko,Natoy". Naiinis kong sabi sa kanya pero ang loko ay ngumiti lang sakin kaya kitang-kita ang ngipin nitong naging pugad na ng tabako.
"Bakit naman masisira ang umaga mo sa mukha kong 'to, Emma? Nakalimutan mo na bang habulin ako ng mga babae dito sa lugar natin?". Mayabang na sagot nito sakin at tumawa pa ng malakas. Ang hangin. Kaya naman pala lagi na lang bumabagyo dahil sa kahangian ng lalaking 'to. Pwede nang maging bagyong Natoy.
"Tabi nga diyan kalbo, dadaan ang magandang si ako". Pagtataray ni Ella kay Natoy at bahagya pa itong itinulak.
"Emma, handa ka na?". Baling ni Ella sakin kaya tumango ako.
"Mag-iingat ka dun 'nak, lagi kang tatawag samin ah". Naiiyak na sabi ni Nanay at muli akong niyakap.
"Ella,pakiusap wag mong pabayaan ang kapatid ko". Malungkot na turan ni Kuya kay Ella.
"Akong bahala sa kanya, Pogi". Nakangiting sagot ni Ella at kinindatan pa si Kuya kaya napailing na lang ang aking kapatid.
Umalis kami ng bahay na umiiyak si Nanay at Tatay, nag-aalala sa kung anong buhay ang naghihintay sa'kin sa siyudad.
Kinakabahan ako dahil hindi ako sanay na malayo sa pamilya ko ngunit kailangan kong makipagsapalaran para makatulong sa kanila.
Habang nasa himpapawid ang Eroplanong sinasakyan namin papuntang Maynila ay tahimik lang akong nakaupo sa tabi ng bintana pero ang katabi ko ay mahimbing ang kanyang tulog. Naghahalo ang emosyon na nararamdaman ko, nasasabik at kinakabahan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Maingay na paligid ang sumalubong samin pagkalabas ng Airport, maraming sasakyan at maraming tao na iba't iba ang direksyon na pinupuntahan.
Nakangiti akong umiling nang maisip kong nasa siyudad na nga pala ako, wala na ako sa lugar na tahimik at may preskong simoy ng hangin, wala na ako sa probinsyang kinalakihan ko . Ibang iba kinagisnan kong buhay.
"Pasensya ka na sa mga tambay na 'yon Emma, gano'n lang talaga sila tumingin pero mababait naman". Hinging paumanhin ni Ella pagkapasok pa lang namin sa tinitirhan niya,tinutukoy nito ay ang paraan ng tingin ng mga taong nakatambay sa makipot na eskinita na dinaanan namin. Parang hinuhubaran na nila ako sa paraan ng tingin nila at ang iba ay sumisipol pa.
"Nagandahan lang sila sa'yo kaya gano'n na lang sila umakto,masasanay ka rin". Napangiti na lang ako sa sinabi ni Ella. Alam kong masasanay rin ako sa mga gano'n.
Wala akong karanasan sa pag-ibig pero alam ko sa sarili ko na may landi rin akong tinatago sa katawan, siguro ay kusa na lang 'yon lalabas pag nakita ko na ang katapat ko.
YOU ARE READING
Bed Warmer (R18)
RomancePaano ka makakaligtas sa giyera ng pag-ibig kung sa umpisa pa lang ay alam mong ikaw na ang talunan? How can you love the person without even getting hurt If you always feel unworthy? How can you handle the most heavy responsibilities in your...