Chapter 1- Strange Dream

310 11 6
                                    

(A/N: Well, this is my first story here in wattpad. Hope you'll like it -Maye.)

______________________________________________________________________

Chapter1- Strange Dream

Eto ako.. naglalakad.

Saan ba ako pupunta?

Andaming tao. Parang nasa isang mall ako.

Bakit ako nandito?

Padilim na ng padilim ah..

Dumilim na ng tuluyan.

Teka, asan na ba ako?

May nakita akong lalaki.. lalapitan ko pa lang sana sya, pero tumakbo na agad sya.

Hinabol ko sya, gusto kong malaman kung nasaan ako. Tumingin sya sakin. Pero ang labo ng mukha nya pero pansin ang takot sa galaw nya. 

Anong problema non?

*ting..ting..ting..

May tunog? San kaya nanggagaling yon?

*ting..ting..ting

Mmmm.. Pamilyar na tunog yun ah. 

Ah! Alam ko na!

*ting..ting..ti---

5am na! Hay nako! Umaga na naman! Teka... Asan nga ba ako? Kwartong puting puti? Ospital? Hahahaha. Joke lang! Kwarto ko to. Namukha ng ospital dahil puting  puti.. Pati mga gamit ko puti rin. 

Favorite color ko ba ang puti? Hindi no! Si Mommy kasi  e, pinapinturahan ng kulay puti ang kwarto ko, para daw magmukhang maliwanag at relaxing ang kwarto ko.. Relaxing ba yun? Parang nasa ospital.(-_-)

Ano ba yan? Alam nyo  na ang history ng kwarto ko,pero hindi nyo pa rin ako kilala. Well, I'm Cassandra Finlay. Cassy for short.

May sarili akong bahay. Si Ate Lana lang ang kasama ko sa bahay ko, trusted maid ng family namin. Sya yung maid na kahit ilang taon ng maid e maganda pa rin. Parang di na tanda e, parang di nagmumukhang haggard. Ang weird pero ayos lang. Mabait naman sya e. (^_^)

Ang parents ko, nasa ibang bansa na naman. Taking care of the Family business. Ayos lang,kahit wala sila. Nabawi naman sila pag dumadating sila. And kahit wala sila, hindi naman nila ako napapabayaan and  kahit na wala sila. Matinong bata ako. Hindi yung katulad nung iba na,wala lang yung magulang, sobrang pabaya na, yung iba nagdadrugs pa, basta kung ano anong vices na pumipigil sa kanilang mag aral. Ako? Hindi ako ganon. Honestly, Mabait ako(sa taong mabait sakin) Matalino(You'll believe later) Athletic(Naman!) and Artistic(Wala sa itsura ko pero ganoon talaga). Mahilig din akong mag gitara, magpiano and kumanta. Wala halos nakakaalam nito, kasi hindi naman ako showy. (-_-)

Hindi ako mayabang, I'm just telling the truth. I'm almost perfect., ALMOST. Kung di lang dahil sa sakit ko. Yung unexplained na sakit na once a month ata. Nawawala daw ako sa sarili, kaya ang ginagawa nila, pinapatulog na lang ako, everylast 3 days of the month.

"Cassy! Kakain na!"

Hala! Tinatawag na ako ni Ate Lana. Kakain na siguro, buti na lang tapos na akong maligo at magbihis.

(5:55am)

Patay! 5minutes na lang dadaan na ang school bus namin! Dali dali akong sumubo then narinig kong bumubusina na ang School Bus namin sa tapat ng Gate. Kinuha ko na yung gamit ko and nagpaalam kay Ate Lana.

Pagkasakay ko ng bus nakita ko agad si Megan. si Megan Bradley. Ang Bestfriend ko na weird. Yung kahit na mainit nakajacket. Parang takot na takot mainitan ang balat. Pero sinabe naman nya sakin kung bakit ganon sya, may sakit sya na sobrang sensitive ng skin. Nakabraces din sya. Yung brace na parang di kita yung ngipin. Basta yun na yun.

"Cassy."

"Bakit?"

"Anyare sayo?"

"Ha?"

"Parang ang weird mo ngayon?"

"Ako? Weird?"

"Hindi. hindi. Ako. Ako."

"Sinabi mo pa."

"Shessh"

"What do you mean kasi?"

"Tsura mo kasi. PArang wala sa sarili."

"Eh?"

"Oo. Ano kasing nagyari?"

"Ahh wala. Nanaginip lang ako ng napaka weird na panaginip."

"Tungkol saan?"

Waa!! Nakakatamad magkwento! 

"Nakalimutan ko na e."

"Ayos ka rin e no?

"Hahah." Napatawa na lang ako. Nakakatamad kasi magkwento lalo na kung may iniisip ka. 

Recess Time. 

Pumunta kami sa canteen. Bumili ng pagkain at pumunta sa likod ng school kung nasaan ang Garden.

Naupo kami sa damuhan.

"Iba talaga ang pakiramdam pag nandito ano?" -Megan.

"Oo nga e. Simula nung nadiskubre natin na maganda dito, dito na lagi tayo nakain,natambay pag vacant,nagaaral pag may quiz at nagkekwentuhan."

"Oo nga. Ano kayang meron sa lugar na'to?"

" Haha. Di ko alam e. Pero yaan mo na. Baka kung ano pa malaman mo, pag inalam mo."

"Haha."

Habang nakain kami, kwento lang sya ng kwento pero parang wala na akong naiintindihan. Naisip ko na naman yung strange dream ko.

Ano kayang ibig sabihin ng panaginip na yun?

Ang weird. =____=

"Cassy."

Diba lahat ng pangainip may kahulugan? Pwedeng warning or babala. Warning at babala? Ano pinagkaiba nun?

"Cassy!!"

"Waahh!"

"OA Alert."

"Ha? Ano ulit yun?"

"Nakikinig ka ba? Malamang hindi. Halata naman e. Anyway, Sama ka mamaya?"

"Saan?"

"Sa Mall."

"Bakit? Anong gagawin natin don?"

"Basta. Samahan mo na lang ako mamaya."

"Mmm.. Puh-lease?" MAka please naman 'to. With some puppy eyes pa. 

" Sige na nga."

"Yay!!"

Teka... Mall? Hala!! Baka ito yung tungkol sa panaginip ko? Anong meron sa mall? Ano kayang mangyayari mamaya? Hala! Kinakabahan ako and at the same time, nacu-curious. 

May nafefeel akong may mangyayaring unusual mamaya. Mmm... 

(A/N: Well, here's the chapter 1. Read. Vote. Comment. Be a fan.Thank you. ^_^)

A Vampire Stole My Heart(On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon