2

0 1 0
                                    

"Gusto ko pong sumali sa hamon ni Mary Lilibeth"

"Sigurado ka ba diyan Aria?"

"Opo Pinuno"

Nanginginig ang aking kamay habang sinasabi iyon kay pinuno, inaamin ko na natatakot rin ako sa maaaring hamon na aming harapin pero gusto ko pa ring subukan.

"Sige anak kung yan ang gusto mo" nginitian ko si Pinuno.

"ilan na po ang nagpalista sa inyo?" tanong ko sa kanya.

"Pangsiyam ka na Aria" napailing si Pinuno.

"Napakaraming pumunta rito kanina pero mga 18 years old below kaya hindi ko nilista"

"Ah ganon po ba?"

"Pinuno, sasali din po ako" sabi naman ni Adam noong makarating siya sa bahay ni pinuno.

"Akala ko ba ayaw mo?" tanong ko sa kanya

"May sinabi ba akong ayaw ko? Ang tigas kasi ng ulo mo" ginulo niya ang buhok ko.

"Oh siya, ikaw Adam ang panghuli sa listahan"

"Pwede po bang malaman kung sino pa ang nakalista?" tanong ni Adam.

Tiningnan ni Pinuno ang listahan.

"Michael, Harold, Dimitri, Axe, Jasmine, Troy, Jayson, Beau, Aria, Adam at tsaka si Mady"

"Po? Si mady? Sumali po siya?" tanong ko kay pinuno.

"Oo, noon pa man ay gusto na niyang makapasok sa Erthis, sino ba naman ako para pigilan siya"

"Pinuno, sigurado ka bang ok lang sa inyo yun?" tanong ko.

"Oo Aria, kailangan kong tanggapin, matanda na rin naman si Mady kaya may karapatan na siyang mag desisyon"

Nilapitan ko si pinuno at tsaka niyakap.

"Ok lang ako Aria anak, mag ingat kayo sa hamon na inyong haharapin"

Tumango ako kay pinuno at tsaka lumabas sa bahay niya.

Kailangan kong magsanay, kung ano mang hamon ang pagdadaanan namin sigurado akong hindi yun magiging madali.

"Aria san ka pupunta?" tanong ni Adam sakin habang naglalakad kami.

"Training Hall" kailangan kong pag-aralan ng maigi ang paghawak at pagtira gamit ang baril, hindi na pwedeng maging mahina.

"Kailangan kong matutong bumaril" seryoso kong sabi.

"Aria nakalimutan mo na ba?" napatigil ako sa tanong niya.

"Nakalimutan ang ano?"

"Ang bobo mong humawak at tumira gamit ang baril" tumawa siya pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Baliw ka na talaga, kaya nga magsasanay diba?"

"Eh nanginginig ka na nga kapag hinahawakan mo ang baril" napatawa ako ng mapakla sa sinabi niya.

Oo, totoo iyon. Ewan ko pero takot na takot ako sa baril, kapag hinahawakan ko iyon nanginginig ako, lalo na kung maririnig ko ang alingawngaw ng baril.

Siguro ay may kaugnayan ito sa nangyari noon, kaso lang wala akong matandaan.

Simula noong natagpuan ako ni Pinuno sa labas ng Aragan ay wala akong mi isang maalala, mabuti na lang at nakasulat doon sa kwentas ang aking pangalan.

Iniwan ko na lang si Adam at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa Training hall.

Nanginginig na kumuha ako ng baril at nilagyan iyon ng bala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Battle in the SquareWhere stories live. Discover now