IHPS 34: Kidnap

614 17 0
                                    

William's Pov.

Napabaling ako sa cellphone ko nang tumunog ito, agad ko namang tinignan yon kung sino ang tumatawag. Kumunot ang noo ko nang nakita kong hindi ito naka registered na number sa cellphone ko, nag aalangan ko itong sinagot

“Hello?” seryoso kong tanong

[William?! Thank God Sinagot mo!]

“Who's this?” nakakunot kong tanong

[Oh i forgot! This is myca, kaibigan ni Akesha] as she mentioned akesha's name ay agad akong kinutuban

Hindi tatawag ang kaibigan ni akesha sakin kung walang masamang nangyayare o di kaya may importante itong sasabihin saken

“What do you want?”

[Uhh… mag tatanong lang sana ako kung nakita mo ba si akesha—] napatayo ako nang dahil sa kaba

“Why? What happened! Asan sya?” sunod sunod kong sabi

[Ayun nga ang hindi ko alam william eh! Kanina pa sya hinahanap nang magulang nya saken, wala akong maisagot nang tama dahil hindi naman kami sabay umuwi] mas lalong kumunot ang noo ko, sino ang kasabay nya kung ganon?

“Sino naman ang kasabay nya maliban sayo?” narinig kong suminghap sa kabilang linya si myca na parang may narealize na kung ano

[Ang k–kasabay nya kase kanina ay si lucas…. Hindi kaya may kinalaman dito si lucas sa pagkawala ni akesha?] Nag aalalang sabi ni myca at parang mga ilang segundo ay iiyak na

“Calm down…. I will figured it out kung nasaan si akesha. I will tell you if i find her” seryosong sabi ko at mabilis na ibinaba ang tawag, my jaw clenched as i dialed the number of my private investigator

[Oh himala bro napatawag ka—]

“Dan, i need you to find Akesha Pearl Rodriguez right now” mabilis kong sabi, dahil hindi ko kailangan mag aksaya nang ilang minuto. Kailangan ko kaagad syang mahanap sa madaling panahon

[Teka lang bro bungad na bungad? Wala man lang hi or hello dyan? O di kaya mangamusta man lang—]

“I SAID NOW DANIEL!”

[Oo na! Oo na! Eto naman galit kaagad, bigyan moko nang ilang minuto] narinig ko ang pagtipa nya sa keyboard at mga tunog na kung ano ano

[Sa ngayon nasa isa syang lumang building malapit sa kompanya nyo, actually katapat nga lang ata eh, teka bakit mo ba sya hinahanap—] hindi ko na sya pinatapos at ibinaba na ang tawag at agad na tumayo, mabilis akong sumakay sa kotse ko at agad kong pinuntahan ang lugar kung saan nandon si akesha

Please be safe….

Akesha Pov.

“Anong ginawa mo sa kanya?! Ang sabi ko patulugin mo lang sya ah!”

“Yun nga po ang ginawa ko kaso ang ipinagutos ni Ma'am stacy—”

“Shut up! You stupid”

“Aalis nako baka magising na si akesha at maabutan nya pa ako dito” sabi nang kung sino, hindi ko mamukhaan ang boses dahil hilong hilo pa ang pakiramdam ko

Nagising ako na masakit ang katawan ko pati narin ang ulo ko

Where am i?

Hahawakan ko na sana ang ulo ko nang narealize ko na nakaposas pala ang kamay ko pati narin ang mga paa ko. Nataranta ako dahi doon, sinubukan kong galawin ang mga kamay ko ngunit wala akong magawa

“So you're awake now huh?” sabi nang kung sino kaya agad ko itong nilingon, nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko

“S–Stacy?” hindi makapaniwala kong bigkas dahil sa gulat

She laughed mockingly “You're so shocked”

“Nasaan ako?!” nag papanic kong sabi at sinusubukang alisin ang posas

“You're here bacause i told to my men to bring you here” pumalakpak sya pagkatapos nya yong sabihin

Pilit kong inaalala yung mga nangyare bago ako napunta dito, ang natatandaan ko ay magkasabay kami ni lucas—

“Nasaan si lucas!” sigaw ko sa kanina, nakita kong ngumisi si stacy sa sinabi ko at pinitik nya ang daliri nya kaya may lumapit sa kanyang isang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko dahil lumapit si lucas sa kanya

“What is the meaning of t–this?” sabi ko habang nakatingin kay lucas, nakatingin sya sakin nang blanko ngunit ramdam ko ang awa nya sakin dahil naka yukom ang mga kamay nya

“I ordered lucas, my cousin to be friendly to you para mas madali kitang madala dito, Ang dali mo lang pala paikutin” ngisi nyang sabi

“W–Why? I mean, i didn't do anything” naguguluhan kong sabi

“You didn't?!” dumagundong ang boses nya sa loob nang gusali “You bitch! Nilalandi mo si william! Hindi na nya nakikita ang mga effort na ginagawa ko sa kanya dahil nasayo na ang atensyon nya!” sigaw nya uli

“You ruined everything! Simula nang dumating ka sa school at nilandi mo si william! Hindi na nya ako napapansin at lagi ka nalang nyang hinahanap, you're a totally slut you know that?” dire–diretso nyang sabi at ako ay nakatulala lang at walang lumalabas na salita sa bibig ko

“W–What?” wala sa sarili kong sabi “I didn't do anything!” giit ko “Hindi ko ginusto na bigyan nya ako ang atensyon and i'm not a slut nor a bitch because i'm not like you!” galit na sabi ko, naramdaman ko na may dumapo na isang sampal sa mukha ko. Napa ubo ako dahil sa lakas nang pagkakasampal sakin

“Shut up!” galit na sabi nya “Kung hindi ka lang pumasok sa eskwelahan namin ay dapat nasa akin parin ang atensyon niya! At ang lakas nang loob mong magtrabaho sa kompanya nila huh? Hindi ka nababagay don kase malandi ka!”

“Wala kang karapatang sabihin sakin ang mga yan dahil wala kang alam sa buhay ko!” sigaw ko sa kanya at tumingin kay lucas “At ikaw lucas! Pinagkatiwalaan kita, itinuring kitang kaibigan pero ganto lang ang isusukli mo sa kabaitan na ginawa ko sayo?” sigaw ko sa kanya, pinipigilan kong umiyak sa harapan nila dahil ayokong makita nila ako na nanghihina

“Shut the hell up! Itigil na natin tong pag uusap nato kase wala ka namang kwenta” galit na sabi nya “Boys, alam nyo na ang gagawin sa kanya” seryosong saad ni stacy. Napaatras ako dahil may tatlong lalaki na lumalapit sakin

No please! Ayoko nang ganito, help me!!!

Pumikit na lang ako at manalangin na sana ay merong dumating na kahit sino na mag liligtas sakin

Hindi pa ako tapos sa paghingi nang tulong ay biglang bumukas ang pintuan

I'm His Personal Secretary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon