Prologue

23 3 3
                                    


DISCLAIMER: This is purely a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely confidential.

Do not copy, reproduce, distribute, transmit, modify, create derivative works, or in any other way exploit any part of copyrighted material without permission.


This story will have grammatical and typographical errors. I will edit it after finishing the whole story so please bear with me. Thank you. Enjoy reading!


~~~


"Jaella, gising na!"


Dumilat ako dahil sa palo ni Mommy sa'kin. Malamang nagluluto na siya at dahil hindi pa naman siya tapos magluto... ata? Tinignan ko muna ang cellphone ko at nag-scroll sandali sa Facebook. Maya maya, pumikit ako saglit dahil maaga pa. Nagising na lamang ako muli nung nag-ring ang alarm ko. Binalewala ko 'yon at natulog na lang ulit.


"Hoy, babaing ka!" Hinampas ako ng unan ni Ibon. "Alam mo ba kung anong oras na!?"


Kinusot ko ang mga mata ko at nakita ang aking kaibigan na nakasuot ng off-shoulders na cropped top at jeans.


Ba't narito 'to? 


Shit! Oo nga pala! Nag-aya akong mag-mall ngayon!


"Ikaw nag-say na Alas Onse tayo bibili ng stuffs tapos antok ka pa!" Desiree shouted in a baby voice, nagpapa-cute. "Hmp!"


Tinakpan ko ang sarili ko gamit ang comforter at tinanggal ko ulit tsaka kinusot na naman ang aking mata.


"What time na ba?" I asked, kinakapa ang cellphone sa ilalim ng unan.


"Duuh," She rolled her eyes. "11 na, bitch!"


Nang nakapa ko ang cellphone ko, kinuha ko 'yon at nakitang tumawag si Desiree sa'kin kaninang 10:15. At tama siya, 11 na.


Teka... Tumawag siya?


"What the fuck, bitch? Tumawag ka?" Napatanong ako. "Bakit 'di ko narinig?"


"Aba'y ewan ko sa'yo!" She rolled her eyes again and turned her back against me.


Oh shit! 'Yung alarm! Hindi ako naga-alarm! Hindi alarm 'yung kanina kun'di si Desiree! Bitch, ang tanga ko!


Napasapo ako sa noo at inayos ang aking kama. Kumuha ako ng damit para makaligo na. Nagsuot lang ako ng Mint Green na sweater, stripes ang pattern at white na skirt. Hindi na ako naglagay ng pulbo at lip tint dahil kakain ako papuntang mall. Mamaya na lang. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang buhok ko dahil 'di naman talaga ako nagtatali. Lumabas muna ako ng kwarto para tignan kung madadala ko ba ang pagkaing niluto ni Mommy.

Regret Not Risking (Thespians Club #1)Where stories live. Discover now