K.#6 ☕

9 0 0
                                    


Nagpatuloy ang dahan dahang alon ng dagat kasabay ng unti unting paglubog ng araw. Mag isa kong dinama ang lamig ng sariwang hangin habang nakaupo pa din sa bato.

Maya maya, nakaramdam ako ng presensya ng ibang tao mula sa likuran ko. Di na ako nag abala pang lumingon dahil gaya ng inaasahan ko sya nga ang bumalik.

"Ang ganda diba!" Pahiyaw na aniya. Sinimulan na nyang umupo, malapit sa kinaroroonan ko. Umusog ako ng konti para meron syang espasyo.

"Oh.." sabay abot ng cup sa harap ko.

"Ano yan? San galing yan?"

"Kape ka muna, maganda yan habang nagmumuni muni. Wag kang mag alala, walang lason yan, safe na safe!"

Eh?

"No thanks, ayoko sa kape"

"Ay! Oo nga pala Madaam Shoui nga pala...ayaw sa kape! haha!" ibinaba na nya ang kamay tsaka na sya uminom non.

Nilingon ko sya at pinagmasdan sa ginagawa. Kitang kita ko kung paano gumalaw ang adam's apple nya pagkalunok, sabay labas ng malaking tandang pananong sa ibabaw ng uluhan ko.

Bakit kaya ang babae, walang eva's apple?

Nakakalokong tanong na naman braincell ,sigurado talagang masasapak ako ng mapagtatanungan ko kung sakali. Haha ,lels.

"Alam mo ba..." ani Morlen.

Hindi pa.

"Ang sabi nila, kapag may taong gustong mapag isa o di kaya malungkot dito dapat pumunta,"

"Hmm...palaya! Alam ko na yan ,pauso ka na naman dyan eh."

"Hindi...kase dito nila mahahanap forever nila, gaya mo katabi mo na ko kaya naman—"

Napatigil sya dahil sa kinurot ko ang bewang nya at sinabing ,"Echosero ka!"

"Kinilig ka naman? WAHAHHAHAH—"

Panay naman ang tawa nya. Muntikan pang matapon yung hawak nyang kape. Nang mahimasmasan tsaka palang nya binawi ang sinabi.

"Kaya pumunta tayo dito para di ka na malungkot. Shoui, wala akong karapatang manghimasok sa buhay nyo pero...siguro umuwi na tayo para makapag usap kayo ng maayos ng inamo—este Mama mo,"

Napakuba ang likod ko. Nakakapanlambot ng sistema kapag pinaguusapan ang ganito, kahit na kausap ko si Rheilly parang automatic na nawawalan ako ng gana kung ganito parin lang ang pag uusapan.

Isang buntong hininga bago ako magsalita.
"Morlen...Sa totoo lang ,di ko alam ang gagawin ko. Anak ako ,oo di sila kasal ni Papa pero mag asawa sila kasi diba? Di naman ako mabubuhay kung hindi sila nagmamahalan 'non. A-ayoko nang balikan yung sakit eh, pero andyan uli sya. Wala na deds na...di ko pa kaya Morlen..di ko pa kayang...kayang h-harapin..."

"Shhh..."

"Hindi eh, may mali talaga Morlen.."

"Handa akong makinig Shoui ,sige lang." Aniya sabay hagod ng palad sa likuran ko.
Pinapakiramdam na may karamay ako sa oras na 'to.

"Alam mo ,lahat naman ng tao nagkakaproblema. Di man pare pareho ,yung iba mas malala yung iba kahit sobrang liit iniiyakan o pinoproblema. Pero alam kong lahat talaga ng tao hindi pwedeng hindi magkakaroon ng problema sa buhay. Isa sa mga dahilan yon kaya tayo natututo Shoui ,tiwala ka lang sa nakatataas!" dagdag nya pa nang pasiglang tono.

Suminghap ako ng hangin ngunit tubig at tila barado ata ang ilong ko. Tumayo si Morlen sa kinauupuan at naiwan na naman akong mag isa. Sa dalampasigan nalang siguro ako huhugot ng lakas, hindi pa nga talaga ako handa. Engot ko naman ,hanggang salita lang ata ako.

Bahagyang syang lumapit at ikinawit ang bisig sa balikat ko. Naramdaman ko nalang na yakap yakap ko na din sya at inaalo nya ako. Ang sama ng loob ko ngayon, pero laking pasasalamat kong meron akong masasandalan ngayon.

"Ate, kuya, palimos po.."

Ang sandaling pagkahimlay ko sa bisig ni Morlen ay nagulantang sa boses ng musmos. Agad kong kinapa ang bulsa ng suot kong skirt kung saan...

Braincell 1 : Wala kang dinalang pera!

Braincell 2 : Tangengot!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kapag KAPE Pwede Na Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon