Chapter 2: Start
Nagising ako ng mga alas-cinco ng hapon dahil sa isang malakas na tawa. Itim na background nalang ang naabutan ko sa TV dito sa sala. Nakatulugan ko pala ang movie na pinanonood ko kanina.
Tinignan ko ang mga kamay ko. Isang panaginip lamang pala. Akala ko totoo yung debut.
Gruuuuughl~~
Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog ito. Inabot ko ang remote sa gilid ko at pinatay ang TV bago tumayo. Didiretso sana ako sa kitchen nang may narinig akong konting kalabog mula sa taas pati narin ang malakas na tawa ni mama habang may kausap. Sakanyang tawa siguro ang naririnig ko sa panaginip ko.
Gutom na ako pero naintriga ako kaya naisipan kong umakyat muna. Sinundan ko ang boses na mama at napadpad sa labas ng kwarto ko. Napataas ang kilay ko. Anong ginagawa niya sa kwarto ko?
"Oo! Yun nga. Bukas na 'yon. Pumunta ka dito pagkatapos."
Nakabukas ng kaunti ang pinto kaya naisipan kong sumilip. Nakatalikod siya sakin habang may cellphone na nakaipit sa tenga at braso niya. Naglalagay siya ng mga gamit ko sa isang maleta. Kinabahan ako sa nakita ko. Baka palalayasin na ako ni mama dahil sa away namin last week.
"Ang saya saya ko! Matutupad na ang dati ko pang hiling!" tuwang-tuwa na sabi ni mama sa kausap niya sa cellphone. Dati pang hiling? Sino ba ang kausap niya?
Sa sobrang curious ko binuksan ko na ang pinto pero mukhang masyadong masaya si mama para mapansin ako.
"Ma."
Gulat at takot ang gumuhit sa mukha niya nang bigla siyang mapalingon sakin. Tila ba nakakita siya ng multo. Binaba niya ang tawag sa cellphone niya bago muling tumingin sakin.
"N-nak. Kanina ka pa? Ginulat moko." Pabirong sabi niya habang nakahawak sa dibdib.
"Ano yan?" tukoy ko sa maleta. Hindi naman pinansin ni mama ang tanong ko tulad ng ginawa ko sa tanong niya.
"Kanina ka pa?" tanong niyang muli. This time, hindi na pabiro at naglaho na ang ngiti niya. Maayos ang salita niya pero may kung anong iba sa mata niya.
"Hindi, kakarating ko lang. Para san yan ma? Maga-outing ba tayo?" bumalik nang muli ang ngiti ni mama, parang natanggalan siya ng maraming tinik nang sabihin kong ngayon lang ako dumating.
"Inenroll na kita sa isang academy. Boarding school siya. Maganda don, nak! Paniguradong mae-ensure ang ating future." Masayang sabi niya bago nagtaas baba ang dalawang kilay niya na nagpataas naman ng kilay ko.
"Ating future? Teka, anong academy? Wala akong balak lumipat ng school." Sabi ko naman sakanya.
BINABASA MO ANG
Abyss Academy
ActionAn academy where death is the only salvation. Action★Fiction★Psychological