✔ Xcution Gang

714 8 2
                                    

Chapter 10: Xcution Gang

Aki's POV

"yjbqwatwmjad"

"xjajtgajotgjak"

"wajtpwagpjat"

"wmaptwahku" ⇽Teacher namin yan nagle lesson nang kung ano ano, naiintindihan ko lang sa mga sinasabi niya 'Ok class!' o kaya 'Ganto yan class!' ala rin namang pake siya masabing may tinuturo lang siya samin!

Dalawang araw na nga nakalipas nung nagtransfer ako dito sa H.C at ni isang matinong tao wala pa kong nakakausap! Porket kay Lloyd na kasabay ko maglunch

Papikit na ko ng tumunog ng malakas ang speaker

*ting!*

"Announcement everyone! Today    is     Friday, be aware of the time, wag magpaabot sa curfew! I repeat! T o d a y  i s  F r i d a y! It's Xcution Day!"

*ting!*

"Ex-Execution Day?" bulong ko

"X c u t i o n! Not Execution, magingat ka di porket wala ka pang isang linggo dito excempted ka na.. The first time you step in this school, part ka na ng Xcution Day" Sh*t! Tung katabi ko naman na to! Nakakagulat!

Si Kimmy Knight yon, Katabi ko, saka amm.. pano ko ba ipapaliwanag amm.. Basta tinutukso nila kaming Akim yun na yon!

Nga pala! Ano ba yung Xcution Day na yon? Ay ewan ko basta bala sila! Ano naman ngayon kung Xcution Day ngayon diba? Di naman nila ko papatayin pag naabot ako ng curfew diba! Ay Aywan ko!

Nagexcuse ako na masama pakiramdam ko at pupunta ako sa clinic, di naman talaga masakin pakiramdam ko, tinatamad lang pakiramdam ko .. matutulog nalang ako

****

(Ff>>)

"Time check: 11:45 am, all students must stay in their classrooms until 12:30 pm .. The Xcution Day has started, I repeat the Xcution Day has started"

11:....

11:4....

11:45....

Nang matapos nang magloading sa utang ko kung anong oras na "11:45! Hala Lunch break na! Napasarap ako ng tulog!" lumabas ako agad ng clinic⎯⎯Bakit alang tao sa corridor? Ay ewan magde deretsyo na nga ko sa canteen :D Sure ako ala pang kumakain dun ngayon! Sabi pa naman ni Lloyd mahirap bumili ng pagkain dito sa H.C crowded daw heheh⎯⎯EE?!

Pagpasok ko sa canteen nawala ngiti ko sa mukha, may mga tao nang kumakain, mga lima lang naman sila pero .. ang limang yon mga naka mask! Maskara ba!

*silence*

*silence*

Nagulat ako nung yung isang nakamaskara biglang tumayo, may hawak na posas at hahabulin ata ako! Kaya sinara ko agad yung pinto at tumakbo! Nadaig ko pa ata si Flash saka si Sonic sa bilis ng pagtakbo! Sa sobrang takot ko siguro kasi feeling ko nasa horror movie ako, parang hinahabol ba ako ng killer -_-

Yung ibang classroom sarado kaya pagod na pagod na ko kakatakbo! Isa lang naman humahabol sakin!

Di ko na alam san ako pupunta, sarado lahat ng classrooms! May nagple play pa na music 'Last Moment' !

Taeng school to! Pumapatay ba to ng studyante?! Pano pag namatay ako dito? Sirang sira na yung pangalan ko bilang Demon Princess pag nangyare yon nakakahiya sa followers ko!

T  e   k  a      n  g  a  ! At bakit ba ko tumatakbo?! Puwede ko naman siyang labanan! Wala rin namang makakakita sakin at walang tao sa corridor! Hahahaha tama! Kala niya ah!

Tumayo ako sa may gitna ng corridor na parang sumo whestler, yan na natatanaw ko na siya! Yan na⎯⎯MPH! MMMMM! KIDNAPPER!

May tumakit sa bibig ko at humatak sakin! Tumakbo kami tas may pinasukan siyang isang kuwarto tas nilock niya yon WAAH!!!! Ayoko pang mamatay! Sinuntok ko ng sobrang lakas yung lalakeng nakamaskara wala na kong time! The clock is ticking, The water is flowing, The air is blowing, The world is turning!

"Shit! Bakit mo ko sinuntok Aki"  kahit mahina kilala ko yung boses na yon!

"Lloyd!⎯⎯" MPH! Tinakpan nanaman ni Lloyd yung bibig ko

"Shh! Wag kang maingay Aki! Tatanggalin ko tong kamay ko wag kang maingay ah"  tumango ako

"Lloyd bakit mo ko hinahabol?!"

"Di ako yung humahabol sayo!"

"Anong di ikaw⎯⎯Ay! Oo nga 3 nakalagay sa may maskara mo, yong humahabol sakin number 1! Pero teka bakit ka nandito? Hinahabol mo rin ako? Papatayin mo rin ako?!" amba kong ihahagis yung lamesa kay Lloyd, ihahagis ko talaga to pagsinabi niyang 'Oo' !

"Sh! Wag kang maingay sabi Aki! Maririnig tayo sa labas!"

"Sagutin mo muna tanong ko! Ano ginagawa mo dito? Bibigay mo ko dun sa number 1 no!"

"Di Aki! Niligtas nga kita diba"

"...."

"Kaya Aki wag tayong maingay .. Pagnarinig tayo nila patay ka, patay rin ako, Ok?"

"mm.. Natakot lang naman ako -_- "

"Bakit ka ba kasi nasa labas Aki? May rules tong school bawal lumabas ng 11:30 to 12:30 pagkatapos non dun na pedeng maglunch saka tuwing friday lang naman to"

"Di ko naman sinusunod mga rules - 3- "

"Huh?"

"Wala! Bakit kasi may rules na ganon?"

"Ka-Kasi.."

****

(Ff >>)

Bumalik ako sa classroom ng di naglu lunch, nakakatakot bumalik sa canteen kahit na tapos na yung Xcu-something-Day

"Uy narinig ninyo ba na may mapu punish nanaman sa Gang trial!" dumukdok nalang ako

"Sino kaya yon?"

"Di ko rin kilala, pero tagal na ring walang napu punish no?"

"Oo nga e, yung last na nakatanggap ng punishment naospital!"

"Kawawa naman kung sino man yon, ano kayang class siya?"

"Tanungin kaya natin si Mico ♥ siya yung leader ng Xcution Gang diba?"

"Haha sige! Si Mico lang naman ang kilala nating member ng Xcution Gang saka si *tutut!* at si *tutut*, number 1 si Mico diba kyaa astig :D "

Si-Si Mico Gang Leader ng Xcution Gang? Siya yung number 1? So siya pala yung humabol sakin! Siya pala yung dahilan kung bakit mamatay matay ako sa takot! SIYA PALA YUN!

Pinutakte nila si Mico, yan sige machugi ka na! Bwahaha!⎯⎯

"Hahahaha! Dahil pinipilit ninyo ko, sasabihin ko na, nasa section na to ✧  " tumayo lahat ng balahibo ko dun ah! Ako tinutukoy niya! Mapapatay ko to!

"Kyaa! Mico ang pogi mo!" anong konek? Di lang nila pinutakte si Mico, pinaluputan pa nila! Mga hayop!

"Ano ba kayo girls! Si Mico pa ba! ♥ "

"Ako pa! Lahat yata alam ko haha ✧ " (Mico)

Tsk! Tumayo na ko at lalabas na sana, nabubwisit ako dito, kaso nagkatingin pa kami nung Mico bago ako lumabas

"Excited na ko sa next friday ✧ Ano kayang magandang punishment haha" habang sinasabi ni Mico yon nakatingin lang siya sakin, mas lalo pang tumayo balahibo ko nung nag smirk siya

Tsk! Asa namang kaya mo ko!

Kung Gang leader ka, Gang leader din ako! Patibayan to!

End of Chapter 10

IkemenUsagi

The BANCHOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon