✔ AkiKO

714 9 1
                                    

(Xcution Gang members)

One - Mico Perona

Two - Lei Cruz

Three - Lloyd D.V.

----------

Chapter 12: AkiKO

Aki's POV

"Nakakahiya naman! Di naman ikaw nakatapon sakin ng orange juice tas ikaw pa bumili sakin ng damit na to.." binili ako ni Lloyd ng dress, SHIT! DI AKO NAGSUSUOT NITO! Kaso nakakailang naman tanggihan, di nga alam ni Lloyd na banchou ko diba!

"Ala lang yon :D Napansin ko rin kasi na puro maong tas jersey damit mo kaya binili kita ng dress haha"

"E di kasi ako sanay, kumakaskas legs ko⎯" tinaas ko yung palda ko (konti lang naman) kaso sinapok ako agad ni Lloyd

"TAE! Di ko tinatanong! Makapagpakita ka ng legs mo parang di ako lalake ah!"

"Kaw naman! Alam mo bang nakakabobo yang pagbatok-sapok mo sakin,. Kaya sinabihan akong bobo ni Kimmy e"

"So-Sorry nasanay lang ako e hahaa⎯TEKA! SINO ULIT NAGSABING BOBO KA?!"

"Si Kimmy, yung laging nakasimangot tas nili link sakin.."

"NI-NI- NILI LINK SAYO?!"

"Oo, at eto pa! Sabi pa nila Destined Lovers daw kami!"

"De-Destined? LOVERS?!" binato ni Lloyd yung isang product ng Handyman, hala! Babayaran niya yon!

"Naku lagot! Nabasag mo Lloyd"

"Di-Di ko naman sinasadya Aki,. Promise!"

"Lloyd palapit na yung mga guard! Wa-wag kang tatakbo ah! Harapin mo yang ginawa mo, bayaran mo nalang"

"Tae! Di ako tatakbo⎯"

"Sir, Ma'am, sumama po kayo samin.."

"O-ok?"

****

Binayaran ni Lloyd yung nasira niya tas nagbayad pa siya sa pagiiskanda kanina, gusto ko ngang magprotesta dun sa guard kasi di naman kami nagiskandalo kanina!

"Lloyd.. Kanina ka pa tahimik, sorry kasalanan ko to e"

".. Di mo naman kasalanan"

"Di ako nga talaga may kasalanan! Sorry.."

"Ako nga dapat magsorry kasi nagalit ako sa kinuwento mo kanina kaya di ko napigilan yung sarili ko"

"Hindi ako nga dapat⎯ Teka! Ako nga talaga may kasalanan?! Dahil sa kinuwento ko nagalit ka.. Ako dapat ang nagbayad kanina!.. Kaso ala naman akong pera na ganon kalaki⎯PERO KAHIT NA! "

" Hayy nako.. Tara na nga kain na tayo, kalimutan mo na yung kanina ha? :) " nginitian ako ni Lloyd

"Ok.."  di ko maintindihan kung bat ako umoo,. Basta nung nakita ko yung ngiti ni Lloyd parang.. parang authomatic nagsalita ako..

Kumain lang kami sa French Bakers tas konting gala, umuwi na kami.. Di namin sinabi kay Master na naghalf day lang kami nakakatakot wag na

Umakyat na ko sa kuwarto ko, kapagod ang daming nangyare ngayong araw.. Madami akong nalaman at kinainisan

Wednesday na bukas, malapit na kong maGang trial - _-  Chicken lang sakin yon hehe yabang ko,. Teka! Maganda rin kayang maging mayabang minsan! Si Ichigo Kurosaki ng Bleach, yabang kaya nagpapanalo sa kanya! Anyways, Kiddy Gang lang naman ang Xcution Gang di naman nila ko lalatiguhin diba? Diba?!

****

(Wednesday, 11:48pm, Lunch break)

Lloyd's POV

Susunduin ko na si Aki sa classroom niya ng as usual ala siya dito.. Kagala gala namang babaeng yon!

"Hoy ikaw!"  tinapik ko yung lalakeng kaklase ni Aki  "Nasan si Aki?"

"Ah si Ner⎯si Ak-Akihiko a-ala siya e lumabas.." sinamaan ko siya ng tingin nung Nerd tatawag niya kay Aki,. Disguise nga ni Aki yon! Ang ganda kaya niya⎯AHEM!

"Ala mo san pumunta?"

"D-Di e.."

"Sino hinahanap niya Dagul?" maka-Nerd ka Dagul naman pala pangalan mo!

"Si Ak-Akihiko"

"Ah,. Baka kasama ni Kimmy haha :D "

Sinarado ko nang sobrang lakas yung pintuan,.  "Si Kimmy nanaman!"

"Anong ako nanaman?" paglingon ko

"K i m m y ! Hoy totoy! Ito tandaan mo!.. Wag na wag mo sasabihang bobo si Akiko, wag na wag mong lalandiin si Akiko, wag na wag mo siyang mapaiyak paiyak, at higit sa lahat.! Dumista distansya ka kay Akiko MA-LI-WA-NAG! Pag may narinig pa kong kalokohan na ginawa mo kay Akiko humanda ka sakin!"

"Kayo ba?"

"Hi-Hindi ah! Ma-Malisyoso k-ka! Lagot lang ako sa lolo niya kung mapahamak man siya!"

"Talaga?"

"OO NGA! BAT BA?!"

"E ano yong Akiko?"

"Si Aki⎯SHIT! AKIKO NANAMAN NATAWAG KO SA KANYA! PAKSHET!"

".. Akiko pala ah"

End of Chapter 12

"I may not be the clingy type but believe me, Aki .. I Love You"  (Kimmy)

IkemenUsagi

The BANCHOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon