PROLOGUE

49 2 5
                                        

Prologue

Kagat-labi akong nagdarasal habang ilang beses sinisilip ang pag-loading ng exam results sa aking cellphone. Lord! Wag mo naman akong pakabahin ng ganito!

"Ano apo? Wala pa ba?" tanong ng aking lolo na sabik ding makita ang mga magiging results, Iniling ko ang aking ulo bilang pagsagot, nagpapawis na ang aking mga kamay dahil sa kaba hindi rin mawala ang mariing titig ko sa screen ng cellphone.

Ngayon ko makukuha ang resulta ng mga exams ko sa apat na universiting pinagexaman ko na nagbibigay ng scholarship sa mga estudyanteng walang kakayahang magbayad ngunit may angking katalinuhan.

"Ayan na!! 100 na!"

Sigaw ko nang makita ko na kumpleto na ang pagloading. Binuksan ko ang website ng una kong inaabangan, ini-scroll down ko ito at tinignan kung ano ang naging resulta ng exam ko...ganoon din ang ginawa ko sa tatlo pang natira.

Damn..

Nagtubig ang mga mata ko at mabilis akong tumingin sa aking lolo.

"Lolo" naluluhang tawag ko sa kanya.

"O apo?"

Lumapit siya sa akin at tinapik tapik ng marahan ang likod ko. My head was leaning on his shoulders while my arms were hugging him.

Ang lolo ko ang naging guardian ko simula nang mamatay ang mga magulang ko, they were killed but the police cannot find the killers because the crime was so cleanly done. I just hope that my parents find peace sooner and make those killers pay.

"Anong resulta apo?" tanong niya sa akin na parang inaalam kung tama ba na tinanong niya iyon sa akin o hindi.

"Lolo.." tawag ko ulit habang nanginginig ang boses ko.

"Nakapasa ako sa lahat!!"

Tuluyan na akong naluha, hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa tuwa!

"Talaga?!! Ang galing ng apo ko!!! Whooo!!" ang kinakabang mukha ng lolo ko ay biglang napalitan ng malawak na ngiti, sa sobrang tuwa niya nga ay napatayo pa siya habang yakap yakap ako. Tignan mo nga naman ang lolo ko anlakas pa!

...

Matapos naming kumalma, tinawagan ko kaagad ang bestfriend ko na si Cazzy Ilao Dominguez. My only friend.

Nakailang ring bago niya nasagot ang tawag ko, ang malakas niyang sigaw ang unang bumungad sa tenga ko.

"Mykhaaa!! Whoo!! I passed!!" masayang sabi niya. Nag-exam din kasi siya sa mga pinag-examan ko dahil ayaw niyang mahiwalay sa akin, ngayon pipili nalang kami kung saan namin gusto mag-aral.

"Congrats!! Ako den WHAHAHA!" masayang sabi ko. Halos mabingi naman ako ng marinig ang tili ng kaibigan ko sa kabilang linya.

"Congrats to us! So, what's your average?" tanong niya sa akin.

"98 sa lahat point lang pinagkaiba.."

"Sayangg!! 97 lang sa akin eh!" nanghihinayang niyang sabi. Palagi niyang kinukumpara ang mga grades namin I don't know why, challenge niya siguro sa sarili niya dahil hindi siya masyadong seryoso mag-aral dati kaya eto siya ngayon humahabol.

"Ayos lang yan!! Mataas na nga yan eh." pageencourage ko sa kanya.

"Hmm, sabagay...o? ano? Saan tayo papasok?" excited na tanong niya sa akin. Ayaw niya talagang mahiwalay sa akin, simula elementary kasi magkaibigan na kami at lagi rin kami magkaklase. Kapag wala akong baon kahit hindi ko siya tanungin na ilibre ako, nililibre parin niya ako...well I think its because she knows what's going on in my life, bente lang din ang baon ko araw araw..kailangan ko ring mag-ipon para sa pang-college ko kaya hindi ko ito ginagastos. Anlaki talaga ng pasalamat ko sa kanya.

Ayoko Ng Love Triangle!Where stories live. Discover now