Chapter2
"Kulas!"
Lumingon ang isang batang lalaki sa batang babae, at nilapitan ito.
"Bakit Mykha? Na-miss mo nanaman ako?" Pabirong tanong nito.
"Baliw ka talaga! May handaan sa bahay namin mamaya invited kayo, punta ka ah! Laro tayo!"
"Palagi naman akong nasa inyo, magkapit-bahay tayo remember?" sarkastikong sabi nito. "Gusto ko sabihin ngayon eh bakit ba?" ani Mykha.
Abot tenga ang tawanan nila habang sabay na naglalakad papunta ng parke.
...
"Mykha! Tulungan mo muna ako, hindi ko maaintindihan lesson naten kanina! Mamaya na tayo maglaro please?" pagmamakaawa ni Kulas.
"Sige na akin na notebook mo turuan na kita, bobo mo naman!" pang-aasar ni Mykha.
"Bobo ka den!"
"Mas bobo ka!"
...
"Mykha..." tawag ni Kulas habang kumakain sila ng icecream sa labas ng convienice store, magsi-six na ng gabi hindi pa rin sila umuuwi.
"Hmm?" tanong ni Mykha habang nakatingin sa langit.
"Walang iwanan ah? We'll stay friends forever, promise?"
Tumingin si Mykha dito at bahagyang ngumiti.
"Promise.."
...
Ngunit ang pinangako nila sa isa't isa ay napako dahil pagkagising ni Mykha matapos ang araw na iyon, hindi na niya muling nakita pa si Nikolas.
"Lolo, saan nagpunta sila Kulas?" tanong ni Mykha, nagpunta siya sa bahay nila Kulas kaso wala siyang nadatnan dito.
"Ahh, umalis sila..sa America na sila titira."
"H-ha? Bakit hindi sinabi sa akin ni Kulas! Hindi rin siya nagpaalam sa akin!"
Tumakbo papasok si Mykha sa kanyang kwarto at umiyak ng umiyak, bumigat ang pakiramdam niya dahil sa balitang ito, sobra ang lungkot na naramdaman niya dahil si Kulas lang ang nakakaintindi sa kaniya at si Kulas lang ang kaibigan na pinagkakatiwalaan niya..naramdaman din ni Mykha kung pano magkaroon ng mga magulang dahil sa mga magulang ni Kulas, kaya ganoon nalang ang naging reaksyon niya nung nalaman niyang umalis ang pamilya nila dito.
...
"Hoy! Woi!"
Bumalik na ang utak ko sa mundo dahil sa pagtawag na ginawa ni Kulas. Grabe, this is my childhood friend? It's been a long time! Umalis ka kasi ng hindi nagpapaalam, wala rin kaming contact sa isa't isa dahil walang cellphone si lolo dati.
"Ahh..hello!" awkward na sabi ko. Hindi ko alam kung pano ako aakto, pano ba naman kasi bata pa kami nung huli naming kita..ngayon college na kami!
"Sorry nga pala.."
"H-huh? Tungkol saan?"
"Hindi ako nagpaalam sayo dati." mahinang sabi nito.
"A-ahh..ayos lang yon! Bata pa naman tayo nun eh." pagwawalang bahala ko. Kahit sobrang lungkot ko nun noong nalaman kong umalis sila.
Tumingin siya sa akin at ngumiti, humakbang na ulit siya kaya pinagpatuloy na namin ang paglalakad papunta sa nurse office.
"Pero may dahilan naman ako kaya ko ginawa iyon, ayoko kasing nakikita kang umiiyak..sinabi ko na din yun dati sayo hindi ko lang alam kung naalala mo pa..."
YOU ARE READING
Ayoko Ng Love Triangle!
Teen FictionHi, i'm Mykha Sonon Abellaña at ayoko ng Love Triangle! Sino ba naman ang may gusto nito? Oo, sa mga movie ang romantic tignan, pero sa real life? Pfft! Ang gulo non! Pero paano kaya kung ako mismo ay makaranas ng ganito? Anong gagawin ko? Sinong p...