Phase 2: Zone 1

13 1 0
                                    





Gabi na at wala akong magawa kundi titigan ang kisame ng kwartong ito. Sabi ni Ms. Martia, nasa drill daw ang mga makakasama ko dito. Hindi ko alam kung ano yung drill. Sana lang ay mababait yung mga ka roommate ko.




May roong tatlong kama sa kwartong ito. May dalawang paliguan. Isang malaking lamesa at sofa. Isang bookshelf at tatlong aparador.  May mga pagkain din na nasa refrigirator at isang malaking kusina.





"Sino ka? Bakit ka nasa kama ko?" napabalikwas ako ng bangon ng may marinig akong boses. Muntik pa akong mahulog sa kama.




Nakita ko ang isang babaeng may maikling buhok at brown na mata. Medyo matangkad lang siya ng kaunti sa akin pero sa tingin ko'y hindi naman magkakalayo ang edad namin. Maganda siya.




"Ah... Kasi... "




"Siya yung napili mula sa lower class. Nakalimutan mo na ba Crown?" sabi ng isa pang babaeng naka upo sa sofa. Mayroon siyang mahaba at medyo kulot ns buhok. Kulay asul ito at para bang umaalon. Lumapit siya sa akin at nagpakilala.




"Hi. I'm Richvin Hasval. Nice to meet you. You can call me Rich. Nabanggit sa akin ni Ms. Martia na may bago kaming makakasama dito sa kwarto. Salamat naman at may bago na akong makakausap dito. Itong mataray na 'to, siya si Crown Felicia. Maiinitin ang ulo niyan dahil na rin siguro puno ng buhangin utak niya. Wag mo na lang pansinin. "





Tingin ko mabait naman si Richvin. Magkakaproblema lang siguro ako dito kay Crown. Didistansiya na lang siguro ako.



"Ako si Artemis Ravena. Masaya akong makasama kayo dito. "




"P'wes ako, hindi. Subukan mo lang ulit hawakan ang kama at mga gamit ko. Sisiguraduhin kong bubulagin kita hanggang sa umiyak ka." sabi ni Crown. Nagsimulang magkaroon ng paunti unting buhangin sa loob ng silid at pumorma itong isang maliit na sphere na nakapalibot sa ulo ko. Naka pwesto ito sa tapat ng mata ko na tila ba isang blindfold na gawa sa buhangin.




Nakakatakot siya. Hindi pa man nakalapat sa mata ko ang mga buhangin pero nararamdaman ko ang mangilan-ngilang particles nito na pumapasok sa mata ko. Mahapdi. Tila ba nanunuot ito at pumapasok sa kaloob looban ng mata ko.



"Tama na yan. Napakasungit mo talaga. Wag mo na siyang paginitan. "




Nawala ang mga buhanging nakapalibot sa mata at lumabas ito sa may bintana na para bang hangin na may sariling buhay. Mabuti na lang at mabait si Richvin.



Sinenyasan ako ni Richvin na maupo muli sa sofa katabi niya. Agad naman akong pumunta at umupo.



"Pasensya ka na kay Crown. Ganyan lang talaga yan pero mabait yan. Ayaw niya lang pinapakiaalam ang gamit niya. "




"Ganun ba? Pasensya na rin. Hindi ko alam na sa kanyang kama pala yun. "





Ngumiti siya sa akin kaya na pangiti na rin ako. Sa wakas at medyo gumagaan na ang loob ko dito.



Tumayo si Richvin at kasabay nito ang paghatak niya sa kamay ko.




"Itong kama na 'to, ito ang sayo. Matagal na itong hindi ginagamit kaya pwedeng pwede mo siya gamitin ngayon. Itong damitan na 'to. Sayo rin ito. Pinalipat na ni Ms. Martia ang mga gamit mo dito. Kapag may kailangan ka puntahan mo lang ako. Narito lang ang kama ko. " sabay turo sa kamang nasa hindi kalayuan.















Kinabukasan, maaga kaming nagising dahil kinailangan naming pumunta sa Guildhall. May announcement daw para sa mga freshmen this year.

Marami ng estudyante ang nasa loob ng guildhall nang dumating kami. Ilang minuto na rin kaming nakaupo at naghihintay dito kaya't maya maya lang siguro ay magsisimula na ang anunsyo. Hindi ko na mahanap sila Richvin at Crown. Pagkatapos kasi nila akong samahan papunta dito ay bigla na lang silang nawala.

Bago kami pumasok dito, pinabunot nila kami ng isang maliit na papel. Naka lagay ito sa isang pulang kahon.

"Good morning freshmen! Welcome to Divine academy. I'm Dr. Zian Marquez, your speaker and a professor of this academy. Today, you are all gathered here for some announcement. Every freshmen is required to undergo with initiation. We all know that you have unique traits and our school wants to see it. After this announcement, everyone is invited to go to the school ground for initiation."

Initiation. Anong kalakohan yun? Wala akong trait. Anong gagawin ko dun? Tutunganga?

May mga estudyanteng lumabas mula sa backstage. Apat silang lahat. Dalawang lalaki at dalawang babae. Nagulat ako ng makita kong si Richvin at Crown ang dalawang babaeng iyon. Kaya pala sila nawala ay bahagi sila ng programang ito.

"I would like to introduce the unique students from zone 1. The students with unique traits who served as a large part of the Divine academy. Richvin Hasval, Crown Felicia, Cole Winx and our very own Cade Nueva."

Nagsimulang magpalakpakan ang mga tao. Hindi ko akalain ang dalawang babaeng kasama ko sa iisang kwarto ay kasama sa mga nangunguna sa larangan ng mahika.

"Hi, I'm Rich. I mean, yeah... Of course I'm rich but my real name is Richvin Hasval. I have one of the primary trait. The wind. I can literally take someone's breathe away. " masayang nagpakilala si Richvin. She's really friendly. Sana si Crown din.

"Crown Felicia. I have the trait of earth. Don't you freaking dare to play with me coz honestly, you'll never win." mukhang malabong maging friendly si Crown. Mukhang galit talaga siya sa mundo.

"Cole Winx everyone! Do you feel the hot? Oh well?! It's because I'm here!" nagtilian ang mga babae. Sa gwapo ba naman ni Cole. Mabilis na ma i in love ang mga babae.

"Cade." ito lang ang sinabi ng huling myembro ng zone 1. Kasabay nito ang paglamig ng buong guildhall. Para bang pinapahiwatig niya na kasing lamig ng pagkatao niya ang yelo.

Teka. Parang na mumukhaan ko siya. Saan ko nga ba siya nakita? Yung lalaki na nakipag-usap sa mga guard. Siya yun. Oo. Tama.

Bago pa kami manigas sa lamig, nagsalita na ang announcer na maaari na kaming lumabas at magtungo sa school ground para sa initiation.

Kapag ba tumakas ako walang makakakita sa akin? Balak kong huwag ng pumunta sa school ground. Wala rin naman kasi akong gagawin doon. Wala rin naman akong maipapakita doon.

Hinintay ko munang maubos ang mga estudyan sa loob ng guildhall. Mas mabuti na yun dahil kung panghuli ako lalabas, walang makakakita sa akin na tumakas.

Sana...






Nang makita kong halos wala ng tao sa loob. Pasimple akong lumabas at lumiko taliwas kung na saan papunta ang mga estudyante. Malamang sa school ground sila papunta. Magdadasal na lang akong walang makahuli sa akin. Dahil kung meron, paniguradong mapaparusahan ako.

Tahimik akong tumakbo. Bawat hakbang ko ay sinisigurado kong walang makakapansin sa akin. Kaliwat kanan ang tingin ko.

Pero siguro,hindi ako ganon kagaling sa ganitong bagay. Dahil bago ko pa man maipagpatuloy ang paglayo ko, isang napaka matulis na bagay na ang sumulpot sa harapan ko dahilan para matigil ako.

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Divine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon